Caloocan Ngayon

Caloocan Ngayon Caloocan Ngayon serves as the eyes, ears and voice of every citizens of the Historic City of Calooc

๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—˜ ๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜Naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restrainin...
14/01/2025

๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—˜ ๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜

Naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) na nagbabawal sa Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify si dating Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Caloocan na si Edgar Erice. Kinumpirma ito ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema, sa isang press briefing ngayong araw.

Ang TRO ay inilabas bilang tugon sa petisyon ni Erice na kinukuwestiyon ang legalidad ng resolusyong inilabas ng Comelec na naglalayong i-disqualify siya sa pagtakbo sa susunod na halalan. Ayon kay Erice, walang basehan ang naturang desisyon at ito umanoโ€™y pulitikal na paninira laban sa kanya.

Sinabi ni Atty. Ting na nakita ng Korte Suprema na may sapat na dahilan upang pansamantalang ipatigil ang kautusan ng Comelec habang dinidinig pa ang kaso. "Ang paglalabas ng TRO ay upang mapanatili ang kasalukuyang estado at maiwasan ang anumang hindi na mababagong epekto habang hindi pa tapos ang deliberasyon sa kaso," paliwanag ni Ting.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Comelec ukol sa inilabas na TRO. Sa kabilang banda, nagpasalamat naman ang mga tagasuporta ni Erice, umaasang magiging pabor sa kanila ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Si Erice ay kilalang beterano sa politika na nagsilbi bilang konsehal, bise alkalde, at tatlong termino bilang kongresista. Kinikilala siya sa kanyang mga adbokasiya para sa mabuting pamamahala at transparency, dahilan upang maging isa siya sa mga inaabangang kandidato sa darating na lokal na halalan.

Ang disqualification case laban kay Erice ay bunsod ng mga alegasyong may kinalaman sa umanoโ€™y paglabag sa mga alituntunin ng Comelec noong kanyang nakaraang kampanya. Mariing itinanggi ni Erice ang mga paratang at sinabi niyang ito ay bahagi ng pulitikal na taktika upang sirain ang kanyang pangalan.

Binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw ang Comelec upang magsumite ng opisyal na tugon sa petisyon ni Erice. Inaasahang magkakaroon ng pagdinig sa kaso sa mga susunod na linggo.

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—š๐——๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ขIpinahayag ni Mayor Dave Gonzalo Malapitan nitong Martes ...
08/01/2025

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—š๐——๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข

Ipinahayag ni Mayor Dave Gonzalo Malapitan nitong Martes na naglaan na ang pamahalaang lungsod ng pondo para sa P2,000 buwanang dagdag na bayad sa mga pampublikong g**o ng lungsod.

"May dahilan na para magdiwang ang ating minamahal na mga g**o sa pampublikong paaralan sa pagpasok ng bagong taon dahil matatanggap na nila ang P2,000 buwanang augmentation pay na ipinangako ko noong aking talumpati sa lungsod noong nakaraang taon," ani Malapitan.

Lubos din ang pasasalamat ng alkalde sa mga miyembro ng konseho, sa pangunguna ni Vice Mayor Karina Teh bilang presiding officer, dahil sa kanilang suporta sa mga programang nakatuon sa lokal na sektor ng edukasyon, partikular na para sa mga mag-aaral, g**o, at nonteaching personnel.

Sa isang pahayag ni Malapitan na magsisilbing dagdag na allowance ang buwanang augmentation pay para sa mga pampublikong g**o sa lungsod.

Layunin ng programang ito na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga g**o upang maibsan ang kanilang gastusin sa pang-araw-araw na buhay, lalo na sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon pa kay Malapitan, ito ay bahagi ng kanyang mas malawak na adbokasiya para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa lungsod. Sa tulong ng city council, tiniyak ng alkalde na magpapatuloy ang mga proyekto at programang makikinabang ang sektor ng edukasyon sa Caloocan.

03/01/2025

PANOORIN: EX CALOOCAN CONGRESSMAN EGAY ERICE, HUMIRIT NG TRO KONTRA DQ

HINILING ni dating Caloocan 2nd District Congressman Edgar Erice sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para harangin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdiskwalipika sa kanya na tumakbo muli sa pagkakongresista ngayong 2025 midterm elections.

Ayon kay Erice, katawa-tawa at walang basehan ang resolusyon ng Comelec En Banc na nilabag niya ang Section 261 ng Omnibus Election Code.

Aniya, pawang katotohanan lamang naman ang kanyang mga sinabi dahil karapatan niya ito bilang isang Pilipino at botante.

Iginiit ng dating kongresista na hindi rin siya nagpapakalat ng maling impormasyon na makaaapekto sa halalan.

Tinutulungan pa nga aniya ang poll body para itama ang maling sistema at proseso nito sa paggamit ng voting counting machine.

โ€œMay batayan po ang mga isinawalat ko. Ito ay aking constitutional right para i-criticize ang isang ahensiya ng gobyerno at sinumang pinapasuweldo ng mamamayang Pilipino. Ako po ay ordinaryong taxpayer ngayon at hindi opisyal ng gobyerno,โ€ diin ni Erice.

Sakaling mag-imprenta na ng balota ang Comelec at maglabas ng TRO ang SC, aatasan ng High Tribunal ang poll body na muling mag-imprenta ng balota na kasama ang pangalan ng dating kongresista.

Video galing kay Egay Erice

๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜ ๐—œ๐—ก๐—–. ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ ๐—๐—ข๐—๐—ข ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐— ๐—ข๐— ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง...
09/12/2024

๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜ ๐—œ๐—ก๐—–. ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ ๐—๐—ข๐—๐—ข ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐— ๐—ข๐— ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜

Isang menor de edad na mag-aaral mula sa University of La Salette Inc. ang mahahain ng reklamo laban kay Jojo Marcos, isang dating g**o ng unibersidad, matapos umano siyang molestyahin habang siya ay nasa ilalim ng pangangalaga nito bilang g**o. Ayon sa biktima, paulit-ulit siyang nakaranas ng pangmomolestya mula kay Marcos sa loob ng paaralan. Ang insidenteng ito ang naging dahilan ng pagkakatanggal ni Marcos bilang g**o sa nasabing unibersidad.

Samantala, nitong nakaraang linggo lamang, naglabas ang Regional Trial Court ng Caloocan City ng warrant of arrest laban kay Marcos kaugnay ng isa pang kaso ng pangmomolestya. Ang biktima, isang batang babae na 17 taong gulang, ay residente ng Bagong Silang, Caloocan na bumisita lamang sa kanyang mga kamag-anak sa Santiago City. Ayon sa salaysay ng biktima, ilang beses umano siyang hinipuan ni Marcos, na nagdulot ng matinding trauma at takot.

Sa kabila ng mga seryosong alegasyon at isyung ito, naging usap-usapan sa social media ang pagiging empleyado nito sa City Hall ng Santiago City. Marami ang nagtatanong kung bakit hinayaan ni Mayor Sheena Tan na maglingkod sa pamahalaang lungsod ang isang tao na may nakaraan nang kaso ng pangmomolestya sa mga kabataan.

"May mga ganyang record na pala siya, pero bakit kinuha pa rin sa gobyerno? Nasaan ang due diligence?" tanong ng isang concerned citizen online.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap kay Marcos upang siya ay maiharap sa hustisya.

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—๐—ข๐—๐—ข ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐— ๐—ข๐— ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐——๐—˜ ๐—˜๐——๐—”๐——๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Isang warrant of arre...
30/11/2024

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—๐—ข๐—๐—ข ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐— ๐—ข๐— ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐——๐—˜ ๐—˜๐——๐—”๐——

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Isang warrant of arrest ang inilabas ng Regional Trial Court ng Caloocan City laban kay Jojo Marcos, residente ng Santiago City, Isabela matapos itong akusahan ng pangmomolestiya sa isang 17-anyos na babae na residente ng Barangay Bagong Silang, Caloocan.

Base sa salaysay ng biktima, naganap ang insidente noong bumisita ang kanilang pamilya sa mga kamag-anak sa Santiago City. Dito raw unang nakilala ni Jojo Marcos ang biktima. Ayon sa biktima, makailang bees siyang hinipuan ni Marcos sa maselang bahagi ng katawan, ngunit dahil sa takot at pagkalito, hindi niya agad nasabi ang insidente. Pagbalik ng kanilang pamilya sa Barangay Bagong Silang, Caloocan, saka lamang naglakas-loob ang biktima na magsalaysay sa kanyang mga magulang, dahilan upang agad silang magsampa ng kaso.

Ang kaso ay isinampa alinsunod sa Republic Act No. 7610 o ang "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act," partikular sa Section 5(b), Article III, na tumutukoy sa acts of lasciviousness laban sa mga bata.

Inilabas ang warrant of arrest noong Nobyembre 29, 2024, na may direktibang agad dakpin si Jojo Marcos saanmang bahagi ng bansa. Nilinaw rin sa utos ng korte na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Marcos upang dalhin ito sa hustisya. Samantala, patuloy na nananawagan ang pamilya ng biktima ng katarungan at ng mas mahigpit na batas para protektahan ang mga kabataan laban sa ganitong uri ng krimen. (Dolly Cabreza)

๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—•๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–Niresbakan ni dating Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice ang ...
29/11/2024

๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—•๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–

Niresbakan ni dating Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice ang Commission on Elections (Comelec) matapos siyang idiskwalipika para tumakbo sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Erice na wala siyang nilabag sa election omnibus code at posibleng napikon lamang sa kaniya ang Comelec sa patuloy niyang pagbatikos sa Miru voting machines na gagamitin sa halalan.

Lumabas ang disqualification ni Erice nitong Miyerkules ng hapon at aniya ay iaapela umano niya ito sa 2nd Division ng Comelec sa Lunes, Disyembre 2.

Sa press conference nitong Huwebes, sinabi ni Erice na ang diskuwalipikasyon na inilabas ni Comelec Chairman George Garcia laban sa kanya ay bunsod ng galit nito dahil sa walang tigil niyang pagkuwestiyon sa kontrata at paggamit ng makina ng Miru.

Aniya, dahilan ng Comelec sa kanyang diskuwalipikasyon ay ang pangugulo sa eleksiyon at pag impluwensiya sa mga botante na mawalan ng tiwala sa ahensiya.

Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Rolando Asuncion, sinabi ni Erice na wala siyang ginagawang gulo at pag iimpluwensiya sa mga botante dahil sa wala pang nagaganap na halalan.

Sinabi ni Erice na nagtataka siya kung bakit patuloy ang pagtaganggol ni Garcia sa Miru gayong sablay ang mga nais nitong ipatupad at hindi maipaliwanag ang bagong sistema ng makina.

Giit ni Erice, hindi maaaring gumamit ng prototype machine sa halalan.

Lumitaw na posible ring bahagi ng kanyang diskuwalipikasyon ang ugnayan umano ni Garcia kay Cong. Mitch Cajayon na kanyang makakalaban sa pagkakongresista.

Si Garcia ang legal cousel ni Cajayon sa kanyang electoral protest bukod pa sa pagiging ninang sa kasal.

Nakatakdang maghain ng motion for reconsideration si Erice at tiniyak na hindi siya titigil na kuwestiyonin ang anomalya ng Comelec. (Dolly Cabreza)

๐—ฅ๐—˜๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—š๐—› ๐—ฆ๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜When  science becomes regenerative in agriculture, one maximizes oneโ€™s output fr...
19/09/2024

๐—ฅ๐—˜๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—š๐—› ๐—ฆ๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜

When science becomes regenerative in agriculture, one maximizes oneโ€™s output from the traditional practices to sustain the productivity of the ecosystem.

This, in a gist, was how Dr. Saturnina Halos, a renowned biotechnologist, explained โ€œregenerative agriculture,โ€ which has been correcting some of the farmersโ€™ practices that were proven harmful to the ecosystem.

Scientific research and practices are focused on restoring and improving the health of the soil and overall agricultural systems.

It takes technologiesโ€”both traditional and modernโ€”which are assessed in terms of how they can improve and maintain agricultural productivity while, at the same time, mitigate effects on the environment, said Halos, who chairs the Biotechnology Coalition of the Philippines.

She noted that one of the key aspects of regenerative agriculture is providing alternatives to synthetic fertilizers and pesticides with organic, microbial and plant-based ones, often called biopesticides and biofertilizers.

Standard pesticides kill insects indiscriminately, and some products can also harm animals and people.

Synthetic fertilizers, on the other hand, when overused can change the soil structure and make it less productive over time.

Halos said that biofertilizers, which were initially developed at the University of the Philippines in Los Banos, Laguna. can reduce the use of inorganic fertilizer by up to half the recommended rate and give plants resistance to drought by promoting root growth.

She said that a biopesticide which is being reviewed by the Department of Agriculture was developed to specifically targets the pest known as fall army worm, which commercial pesticides are having a difficulty eradicating now that it has affected some crops in the country.

Biopesticides reportedly contain a bacterium and a fungus that specifically targets the insects while minimizing damage to livestock and people that might ingest it.

But biofertilizers and biopesticides are not new products, Halos said.

She cited how the Neem tree has been known as a multipurpose pesticide and fertilizer in India, where scientists began studying its effectiveness since the 1950s. Neem is native to the Indian subcontinent and parts of Southeast Asia.

โ€œFarmers have been using it for a long time,โ€ said Halos, but added that these natural alternatives have not been widely used mainly because of marketing issues.

Meanwhile, Halos said that genetically engineered crop varieties can also be an integral part of regenerative agriculture, considering that the variety of crops that farmers use contain in themselves the components that keep them from using synthetic pesticides and fertilizers.

Halos cited the naturally soil-occurring Bacillus thiringiensis (Bt) corn and Bt eggplant, which both carried the genes that make them resistant to pests, drastically reducing the need to use pesticides.

Crop varieties that were engineered to increase their ability to utilize nitrogen means that farmers can reduce the amount of nitrogen-based fertilizer that they use, she explained.

โ€œThe primary goal of regenerative agriculture is to ensure food security by maintaining the productivity of the land,โ€ Halos said,

โ€œIt does this by providing farmers methods and tools that are safer for both agriculture and the environment.โ€

(c) Sebastian Montemayor | Business Mirror

๐—š๐—จ๐—ก ๐—•๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–๐—”๐—กIsang gun ban ang ipatutupad sa Barangay Bagong Silang, Caloocan kaugnay...
02/08/2024

๐—š๐—จ๐—ก ๐—•๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–๐—”๐—ก

Isang gun ban ang ipatutupad sa Barangay Bagong Silang, Caloocan kaugnay ng plebisito na nakatakda sa Agosto 31, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nakatakda na ang plebisito para sa paghahati ng Barangay Bagong Silang sa Caloocan City sa anim na hiwalay na barangay sa Agosto 31.

Ang pagbibigay ng impormasyon at kampanya para sa plebisito ay tatagal mula Agosto 1 hanggang Agosto 29.

Sa isang resolusyon, inihayag ng Comelec na ang pagbabawal sa pagdadala ng mga baril at nakamamatay na armas mula Agosto 1 hanggang Setyembre 7.

Ang pagbabawal sa alak o liquor ban ay ipatutupad mula Agosto 30 hanggang 31.

๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ง๐—จ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—™๐—˜๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—–๐—–Sisimulan na ng University of Caloocan City (UCC) ang pagtanggap...
06/07/2024

๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ง๐—จ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—™๐—˜๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—–๐—–

Sisimulan na ng University of Caloocan City (UCC) ang pagtanggap ng mga estudyante sa bago nitong College of Engineering sa Bagong Silang, Caloocan City.

Mag-aalok ito ng mga programang tulad ng electrical, electronics, industrial at computer engineering para sa susunod na pasukan.

Pinaalalahanan ni Caloocan City Mayor Dale โ€œAlongโ€ Malapitan ang mga kabataan na samantalahin ang pagkakataong ito, kabilang na ang libreng tuition na iniaalok ng College of Engineering.

โ€œMga Batang Kankaloo, tandaan nyo na marami kayong posibleng landas na pwedeng tahakin at posibleng trabaho na maaaring kunin,โ€ Malapitan said.

โ€œLaging nandito ang pamahalaang lungsod upang siguraduhin na hindi kayo mauubusan ng suporta sa kahit ano pang gusto ninyong marating sa buhay,โ€ he added.

Sinabi rin ng Mayor Along Malapitan na mas maraming plano ang nakahanda para sa unibersidad at pampublikong paaralan ng lungsod, tulad ng pagtatatag ng UCC College of Medicine at Health Sciences.

Ang admission para sa engineering programs ay pinalawig pa mula July 8 hanggang July 12.

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ข๐—ก๐—ก๐—” ๐——๐—˜ ๐—š๐—”๐—ก๐—”, ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—š๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”-๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌSumugod ang ilang bumbay at kawani ng mga on...
04/05/2024

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ข๐—ก๐—ก๐—” ๐——๐—˜ ๐—š๐—”๐—ก๐—”, ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—š๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”-๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ

Sumugod ang ilang bumbay at kawani ng mga online lending app sa mismong Barangay Hall ng 177, kahapon, upang singilin si Kapitana Donna De Gana sa kanyang mga pagkakautang sa kanila na umabot na umano ng kalahating milyong piso.

Ayon sa aming source, galit na galit ang mga sumugod dahil nakailang beses na umano silang pinangakuan at pinagpabalik-balik ni Kapitana na babayaran sila sa kanyang mga nahiram ngunit hanggang sa ngayon ay kahit piso ay wala pang naibabayad sa kanila.

Mas lalong nagalit ang ilang mga naningil matapos hindi sila harapin ni Kapitana Donna at nagsinungaling na wala pa siya umano sa barangay samantalang nakita mismo ng ilang mga kawani ng lending app na pumasok ito sa kanyang opisina.

Matapos ang nangyaring insidente sa barangay, napapost na lang si Kapitana Donna sa kanyang Facebook Account, "Magandang Umaga po sa Lahat. Huwag magpatalo sa mga problema na nakaka stress sa atin. Tignan natin mas positibo na pangyayari na magbibigay sa atin ng saya. KEEP SMILING!!!"

Bukas naman ang Caloocan Ngayon sa panig ni Kapitana Donna De Gana tungkol sa issue.

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก, ๐——๐—ข๐——๐—ข๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—›๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐— ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—œ ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆKamakailan ay namahagi si dating Senador Antonio ...
30/04/2024

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก, ๐——๐—ข๐——๐—ข๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—›๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐— ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—œ ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ

Kamakailan ay namahagi si dating Senador Antonio Trillanes ng tig-dalawang kilong bigas sa mga residente ng Sangandaan at Bagong Silang ngunit sa isang statement ni Mayor Along Malapitan dodoblehin niya umano ang pinamimigay ni Trillanes.

Ito umano ay bilang counter-measure sa lugar na pinapasok ng mga tagasuporta ni dating Senador Antonio Trillanes dahil malaki ang tyansa na totoo ang bulong-bulungan na tatakbo bilang Mayor sa Lungsod ng Caloocan.

Nagpasalamat naman si dating Senador Antonio Trillanes sa naging reaksyon ni Mayor Along Malapitan sa kanyang ginagawa dahil triple pa umanong biyaya ang matatanggap ng ating mga kababayan na biyaya.

Anya, kung hindi siya gumagawa ng hakbang para tulungan ang kanyang mga kababayan ay hindi rin kikilos, tutulong at maglalabas ng resources ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan.

Dagdag pa ni dating Senador Trillanes, deserve naman umano ng mga residente na maramdaman ang tulong ng Pamahalaang Lungsod. Kung hindi pa umano siya kumilos ay magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan lang umano ang mga nakaupo at nasa kapangyarihan.

๐Ÿฑ๐—ž ๐—ก๐—” ๐—”๐—œ๐—–๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿญ,๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿฌ - ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—งHindi makapaniwala ang ilang mga residente ng ikalawa...
28/04/2024

๐Ÿฑ๐—ž ๐—ก๐—” ๐—”๐—œ๐—–๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿญ,๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿฌ - ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ง

Hindi makapaniwala ang ilang mga residente ng ikalawang distrito ng Caloocan matapos matanggap nila ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na ipinapamahagi ni Congresswoman Mitch Cajayon - Uy.

Ayon sa kanila Limang Libong Piso (P5,000) ang pinapirmahan sa kanila ng mga kawani ng Opisina ni Congresswoman Mitch Cajayon - Uy kung kaya't yung ang halagang kanilang inaasahan. Ngunit noong ibinigay ito sa kanila ay laking gulat na lamang nila na 1,800 na lang ang ibinigay sa kanila.

"Ang sabi po sa amin, kaya 1800 na lang daw ang makukuha namin dahil para mas marami daw po ang mabigyan. pero sa form po na pinapirmahan namin maliwanag po na 5 thousand po ang makukuha namin" Ayon sa isang residente.

Ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isa sa mga programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, burol, transportasyon, edukasyon, pagkain, at tulong pinansyal para sa ating mga kababayang nawalan ng trabaho, hirap o kulang sa pangangailangan ng isang tao o pamilya.

Bukas naman ang Caloocan Ngayon sa panig ni Congresswoman Mitch Cajayon - Uy tungkol sa issue.

๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—–๐—›๐—ข๐—œ๐—–๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด!Nanguna si Vice President and Deparment of Educ...
27/04/2024

๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—–๐—›๐—ข๐—œ๐—–๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด!

Nanguna si Vice President and Deparment of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa pinagpipiliang maging Presidente ng bansa sa darating na 2028 election.

Inihayag ng Oculum Research and Analytics na batay sa isinagawang survey noong Pebrero 21-29, 2024 pinili si Vice President Sara ng 42% sa 3,000 respondents sa buong bansa na magiging susunod na Presidente.

Pumangalawa naman si Senador Raffy Tulfo na nakakuha ng 17% habang si dating Vice President at Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang nakakuha ng ikatlong pwesto na mayroong 10%.

Pinili naman sa ika-apat hanggang ika-anim na puwesto ay si dating Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso, Senador Imee Marcos at boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao.

2% naman ang nakuha ni Senador Robin Padilla at 0.4% naman ang nakuha ni House Speaker Martin Romualdez.

Ang survey ng Oculum Research and Analytics ay sa pakikipagtulungan sa Asia-Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc.(APCoRE), Areopagus Communications Inc., at PressOne.PH.

(c) Marvin Imperial | News Correspondent | Caloocan Ngayon

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Viral ngayon sa social media ang post ng isang botante ng Barangay Bagong Silang kung saan makikita na hindi tu...
04/11/2023

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Viral ngayon sa social media ang post ng isang botante ng Barangay Bagong Silang kung saan makikita na hindi tugma ang naka flash sa opisyal na quick count at sa Official Tabulation mismo ng COMELEC.

Base sa mga larawan. Nagkaroon ng malaking deperensya ang boto ni Ferdinand Delos Santos sa pagka SK Chairman at hindi sinunod ng opisyal na tabulation ng COMELEC kung saan lamang at malaki ang lamang ni Khylla Meneses.

Usap-usapan ngayon sa mga kabataan ng Barangay Bagong Silang na nagkaroon ng lantarang dayaan ngayong BSKE.

Hiningi naman namin ang panig ng COMELEC Caloocan tungkol sa issue ngunit hindi pa sila sumasagot sa aming mga tawag at text.

29/09/2023

๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—ช๐—ข๐— ๐—”๐—ก ๐— ๐—œ๐—ง๐—–๐—› ๐—–๐—”๐—๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—”๐—š๐— ๐—จ๐—ž๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐— ๐——๐—”

Naging mainit na usap usapan ngayon ang viral at trending tiktok video ni Caloocan City 2nd District Congresswoman Mary Mitzi "Mitch" Cajayon na ayon sa mga nakakapanood, maging ng kanyang mga kritiko ay "trying hard" at mistulang hindi preparado sa pagdepensa sa 2024 budget ng MMDA. Binanggit pa ni Cajayon na ang naturang 21 MILYONG PISONG "Intelligent Fund" ay bahagi sa paghuli ng mga colorum at mga tiwaling kawani ng ahensya ng MMDA. Tiniyak din nya habang kino-"coach" ng kanyang mga senior Committee on Appropriation members sa mababang kapulungan ng Kongreso na bumubulong, na ang naturang nakalaang budget ay bahagi rin ng MMNAT o Metro Manila Network Against Terrorism.

Ayon naman sa kanyang mga kritiko sa pangunguna ni 3 term ex-Congressman Egay Erice na napapabalitang makakalaban ng magandang tiktoker na mambabatas sa 2025, na hindi lang daw grammar ang mali sa pahayag ni Cajayon, hindi rin daw pwdeng gamitin ang mga confidential funds sa paghuli ng colorum vehicles at tiwaling empleyado ng MMDA. Kontra din daw ang pahayag na ang MMDA ay kasapi ng Metro Manila Anti Terrorism Council. Mariing sinabi ni Erice na mali ang pagdepensa ni Cajayon sa Intelligence Fund.

Si Congresswoman Mitch Cajayon ay kasalukuyang junior vice chairman ng Committee on Appropriation ng Kamara. Samantalang si ex-Congressman Egay Erice ay naging Vice Chairman naman ng Metro Manila Development Council sa MMDA na kumakatawan sa mga Metro Manila Congressman sa kanyang panahon ng panunungkulang.

๐๐€๐’๐“๐Ž๐‘ ๐€๐‘๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐๐†๐‡๐€ ๐‡๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Ÿ๐Ÿ“-๐€๐๐˜๐Ž๐’ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐†๐ˆ๐“๐€!Arestado ang isang pastor sa Caloocan City dahil sa umano'y panghah...
21/09/2023

๐๐€๐’๐“๐Ž๐‘ ๐€๐‘๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐๐†๐‡๐€ ๐‡๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Ÿ๐Ÿ“-๐€๐๐˜๐Ž๐’ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐†๐ˆ๐“๐€!

Arestado ang isang pastor sa Caloocan City dahil sa umano'y panghahalay sa isang miyembro ng kanilang simbahan noong menor de edad pa ito.

Inaresto si Pastor Michael Moreno sa kaniyang bahay sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong acts of lasciviousness at r**e.

Ayon sa District Special Operations Unit ng Manila Police District (DSOU-MPD) na siyang umaresto kay Moreno, 2019 nang mangyari ang umano'y panghahalay ng suspek sa noo'y 15 anyos na miyembro ng kaniyang simbahan.

"Noong una mga panghihipo lang, tapos meron daw na pagkakataon na nagigising na lang siya (biktima) na nakahubad siya," kuwento ni Police Major Edward Samonte ng DSOU-MPD.

Dagdag pa ni Samonte, sinabi raw ng biktima na parang may ipinaiinom sa kaniya para mawalan siya ng malay.

Itinanggi naman ni Moreno na hinalay niya ang biktima.

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—” ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—˜๐—ญ๐—˜๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿด, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—”!Hinihintay na lang ng Caloocan City Pol...
18/09/2023

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—” ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—˜๐—ญ๐—˜๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿด, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—”!

Hinihintay na lang ng Caloocan City Police Station ang kopya ng warrant of arrest na kanilang isisilbi kay Kapitana Eliza Liezel Chan ng Barangay 188.

Sa panayam ng kay PCOL Ruben B. Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police Station, sinabi nito na wala silang sasantuhin sa pagsilbi ng warrant of arrest kung ito ay naayon sa batas.

Ang warrant of arrest hinggil sa kalunos-lunos na sinapit ng isang kasambahay sa kamay ni Kapitana Chan noong nakaraang taon.

Bukod umano sa pag aalaga sa 3 taong gulang na bata kasama din umano sa kanyang trabaho ang pag-aasikaso sa 62 taong gulang na senior citizen. Wala rin umano siyang rest day at halos 3 oras lamang ang tulog niya habang nakaupo sa sahig.

Sa pagtakas niya noong nakaraang taon ay kaagad siyang humingi ng saklolo sa Barugo, Camarin Police Station na punong-puno ng sugat ang kanyang katawan, pinalancha din ang likod at nanlalabo na rin ang paningin dahil sa araw-araw na pangmamaltratong ginagawa sa kanya ni Kapitana Chan.

Naharap si Kapitana Chan sa kasong pangmamaltrato at serious illegal detention at maaring makulong ng 30 years at hindi maaring makapag pyansa.

Hiningi naman namin ang panig ni Kapitana Chan tungkol sa issue ngunit wala na ito umano sa kanyang opisina ayon sa sekretarya ng barangay.

(c) Marvin Imperial | News Correspondent | Caloocan Ngayon

๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ, ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐Ÿญ๐Ÿณ๐ŸฒPatay ang isang 10 buwang sanggol habang sugatan ang ka...
24/08/2023

๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ, ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐Ÿญ๐Ÿณ๐Ÿฒ

Patay ang isang 10 buwang sanggol habang sugatan ang kanyang ina matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay 176, Caloocan City, kagabi.

Sa paunang imbestigasyon ng BFP, isang bahay ang nasunog na pagmamay-ari ng pamilya Del Monte. Sumiklab ang apoy sa naturang bahay pasado alas-6 ng gabi Martes.

Umabot pa ito sa unang alarma bago ito naapula bandang alas-7:20 ng gabi.

Bagama't walang ibang bahay na nadamay, nasa 18 katao ang nakatira sa nasunog na tahanan.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng apoy pero ayon sa nakatira sa bahay na si Oscar Del Monte, natabig na kandila ang dahilan lalo na't ilang taon na silang walang kuryente sa bahay.

"Naputulan kami kasi malaki ang bayarin namin, mahigit P30,000. Kaya pinutulan kami," ani Del Monte.

"Isang bahay lang gumagamit ng kandila kasi namatay ang nanay namin sinisindahan niya hangga't nagluluksa siya. Nilagyan niya ng stainless pero dinaanan ng daga natumba dumaan sa kurtina," dagdag pa niya.

Kuwento ni Del Monte, mabilis ang pagkalat ng apoy sa kanilang bahay na ikinamatay ng kanyang apo.

Ayon naman sa ina ng nasawing sanggol na si Mary Ann Acmo, sinubukan niyang umakyat sa bubong ng bahay habang bitbit ang anak noong kasagsagan ng sunog.

Pero dahil mainit na ang yero ay nabitawan niya ang anak. Nalapnos din ang kanyang mga braso at binti dahil ginapang nilang mag-ina ang yero para makatakas.

"Hindi ko na rin kinaya kasi nandun na po lahat ng usok, nabitawan ko po siya. Months palang po siya, hindi pa nga nagbi-birthday," aniya.

Labis ang kalungkutan ni Mary Ann sa sinapit ng kanyang unico hijo at nananawagan ngayon ng tulong pinansiyal para mapalibing niya ang nasawing sanggol.

Nananawagan din ng tulong ang iba pa nilang kaanak para maipatayong muli ang kanilang bahay.

Pansamantalang nanunuluyan sa covered court sa barangay ang pamilya Del Monte.

Nagpaabot na rin ng paunang tulong ang mga taga-barangay para sa mga apektadong residente.

Address

Baesa

Telephone

+639101376184

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caloocan Ngayon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Caloocan Ngayon:

Videos

Share