PANOORIN | BALIK-ESKWELA 2024
Positibo ang hangarin at labis ang kahandaan para sa taong panuruan 2024-2025.
Ito ang nangingibabaw para sa mga guro't mag-aaral ng Negros Occidental High School sa pagsisimula ng kasalukuyang taong panuruan, Hulyo 29.
-
Ulat nina: Jans Macariola at Jade Sagun
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-edit ng bidyo: David Kyle Gila
#AngAninag
ALIW | Baks baks
Dalawang tulog na lang! Nakahanda na ba ang iyong katawan at katarungan para sa taong panuruan 2024-2025?
-
Disenyo ni: Mary Angeli Gumban
#AngAninag
Sa dulo ng walang katiyakan
Sa dulo ng walang katiyakan.
Blangko—ganito inilarawan ng 'Rank 1' sa taong panuruan 2023-2024 na si John Stepher Sabio mula 12 STEM – Humility ang kaniyang naging akademikong paglalakbay. Bagaman nanguna sa kabuuan ng ika-12 baitang, binigyang-diin ni Sabio ang mga pagdududang naramdaman at kawalan ng kasiguraduhan sa mga posibleng kalalabasan.
Iginiit ni Sabio na hindi naaayon sa kagustuhan at inaasahan ang lahat ng mga nangyayari kung kaya't mahalaga ang pagiging handa at preparado.
Payo niya sa mga kapwa mag-aaral, kinakailangan ang maiging pag-aaral at asahan ang pagsasakripisyo ng iba't ibang mga bagay kung ninanais ding makamit ang 'With Highest Honors'.
-
Bahagi rin ng Ang Aninag si Sabio bilang Manunulat ng Isports. Mula sa patnugutan, binabati at ipinagmamalaki ka namin, Sabio!
Sulat ni: Czaren Canlog
Panayam ni: Leanna Martirez
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-edit ng Bidyo: Lamont Casia
#AngAninag #PagbigayParangal2024
Pilak na Tagumpay
Pilak na tagumpay.
Natumbasan ang lahat ng hirap na dinanas sa kabila ng maraming pagsubok sa natamong gantimpala ni Mariz Ashley Salavante, mag-aaral mula sa 12 ABM - Generosity, na nakakamit ng ‘With Highest Honors’ at pumangalawa sa kabuuan ng ika-12 na baitang.
Hindi naging hadlang ang mga hamon sa kanyang kagustuhang makamit ang mga inaasahang layunin. Binuhos niya ang lahat ng pagsisikap hindi lamang sa akademikong aspeto, kundi pati sa ‘extracurricular’ na mga aktibidad katulad ng pamamayagpag sa mundo ng pamamahayag bilang Broadcasting Head ng NOHS - The Reflector at sa larangan ng pamumuno bilang Executive ng Learner's Government on Commission on Elections and Appointments (LG COMEA).
Saad pa ni Salavante, hindi sapat ang pagiging matalino lamang para matupad ang mga hinahangad, pagsisikap ang magiging daan upang matamo ang mga mithiin.
-
Sulat ni: Nathalie Mirasol
Panayam ni: Leanna Martirez
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-edit ng Bidyo: Lamont Casia
#AngAninag #PagbigayParangal2024
Ginintuang pahina sa bagong kabanata.
Bilang isang ‘transferee’, panibagong mga pananaw ang bumalangkas sa pagtatapos ng taong panuruan para kay Kenneth Marius Bravo, mag-aaral mula 11 STEM – Kindness, at tanging nakakamit ng pinakamataas na parangal o ‘With Highest Honors’ sa ika-11 baitang.
Sa kabila ng mga agam-agam at pagdududa sa sarili, nagbigay-daan ang kaniyang mga naging pinagdaanan upang malampasan ang mga hamong sumasagupa. Payo ni Bravo ayon sa sariling karanasan, mahalaga ang pagsisikap subalit mas makabubuti ang pagbibigay ng buong makakaya kung ninanais na makamit ang kaparehong parangal.
Dagdag pa niya, susi ang paghahangad ng panibagong mga kaalaman at pagkatuto sa pag-unlad at paghubog ng pagkatao.
-
Sulat at Panayam ni: Czaren Canlog
Kuha ni: Kharl Montero
Taga-edit ng Bidyo: Lamont Casia
#AngAninag #PagbigayParangal2024
TINGNAN: IWAG AWARD NOMINEE
Sa kabila ng mga hamong dala ng pamamahayag, determinado si Manuella P. Paulino, Tagapamahalang Patnugot ng Negros Occidental High School - Ang Aninag na pakinggan ang mga hinaing ng publiko, magbigay kamalayan, at magsilbing daluyan ng impormasyong maaasahan ng masa. Patuloy na pagsiwalat at pagbahagi ng katotohanan, patuloy na mamamahayag para sa pangkalahatan.
IWAG 2024 Nominee
Manuella P. Paulino
Tagapamahalang Patnugot
Negros Occidental High School - Ang Aninag
TINGNAN | IWAG NOMINEE 2024
Sa pitong taong karanasan bilang isang mamamahayag pangkampus, nagpapatuloy at nagsisikap si Kyla Cumawas, Punong Patnugot ng Negros Occidental High School - Ang Aninag, sa pagbibigay ilaw at tinig sa mga hinaing at suliranin ng mamamayan. Nagsisilbing boses ng katotohanan, patuloy na mamamahayag para sa pangkalahatan.
IWAG 2024 Nominee
Kyla V. Cumawas
Punong Patnugot
Negros Occidental High School - Ang Aninag
PANOORIN | Mahigit 2,300 mag-aaral mula sa ika-9 at ika-10 baitang ng Negros Occidental High School ang nakiisa sa Mass Dance, kaugnay ng pagbubukas ng Division Meet 2024 sa Panaad Park & Stadium, Pebrero 21.
—
Kompilasyon ni: Elaine Baylon
Disenyo ni: Lamont Casia
#AngAninag
PANOORIN | Umindak at humiyaw ang mga mag-aaral ng Negros Occidental High School habang sinasabayan ang pagganap at pagtanghal ng iba't ibang mga banda sa UNight: Laud to the Gleaming Hearts, Pebrero 16.
-
Kuha nina: Patric Lim, Leanna Martirez, at Kharl Montero
#AngAninag
ANINAG SA SULOK | Love Week '24: Busog ang Mata, Puno ang Puso
Naaaninag mo na ba ang ‘liwanag’? Ating balikan ang mga inihandang sorpresa't pakulo na bubusog, hindi lamang sa inyong mga mata, kundi pati sa inyong mga puso hatid ng nagdaang Luv Week sa Negros Occidental High School na may temang “Tangled Hearts in the Gleam of Love”.
-
Ulat ni: Julian Barayoga
Taga-edit ng Bidyo: Joemaela Doronila at Yuan Medina
Kuha nina: Shirge Sagansay at Trishana Patag
#AngAninag
ALIW | Ikalawang Markahang Pagsusulit: ‘Itlog’ ba o ‘Sisiw’ lang?
Tutok na naman ang mga kamay ng orasang naghuhudyat na kailangan nang paghandaan! Sa papalapit na ikalawang markahang pagsusulit, ano kaya ang magiging kalalabasan ng inyong mga marka? ‘Sisiw’ lang ba o ‘itlog’? Nasa sagutang papel ang tugon!
Mula sa patnugutan ng Ang Aninag, aming hiling na sapat ang pagkatutong natamo upang masagutan nang tiyak at maayos ang pagsusulit, sisiw lamang ‘yan, NOHSians!
-
Sulat ni: Kenneth Bravo
Guhit at Disenyo ni: Lamont Casia
#AngAninag
PANOORIN | NOHS balik-eskwela na pagkatapos ng holiday break
Balik-eskwela na ang mga mag-aaral ng Negros Occidental High School matapos ang mahabang pahinga para sa unang araw ng pasukan, Enero 3.
Muling nagpatuloy ang mga klase ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan matapos ang mahigit dalawang linggong bakasyon para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Samu't saring pakiramdam naman ang nanaig sa unang araw ng pasukan dahil sa pagkabitin ng ibang mga mag-aaral sa nasabing bakasyon.
-
Ulat ni: Julian Barayoga
Kuha nina: Shirge Sagansay at Kharl Montero
Taga-edit ng Bidyo: Lamont Sirach Casia
#AngAninag
ALIW | Tres o Otso?
Namalikmata ka yata? Tapos na ang putukan— pasukan na, NOHSians! Nagsimula man ang bagong taon, dala-dala pa rin natin ang ‘school works’ ng 2023! May nagawa ka na ba?
-
Disenyo ni: Mary Angeli Gumban
#AngAninag
ANINAG SA SULOK | TLE Bazaar: Iba't Ibang Pakulo sa Pasilyo!
Tingin sa kanan, lingon sa kaliwa! Libutin ang paningin sa pasilyo at pagmasdan ang mga nakamamanghang produkto, serbisyo't pagkain, at iba't ibang pakulong inihain. Halina't pumasyal sa Technology Livelihood Education (TLE) Bazaar sa Negros Occidental High School kasama Ang Aninag sa sulok!
Taon-taon isinasagawa ng mag-aaral ang pagbida ng kanilang mga talento't kahusayan sa TLE Bazaar. Makikita ang iba't ibang pamamaraan ng pamumuhay at tinatampok ang samu't saring mga produkto na nagbibigay rin aliw at kasiyahan sa ibang mga mag-aaral. Bagaman isang araw lamang idinadaos, tiyak ang pangmatagalang kagalakang dala ng tila piesta sa paaralang siguradong patok kahit mabutas man ang bulsa!
-
Ulat ni: Julian Barayoga
Kuha ni: Kharl Montero
Taga-edit ng Bidyo: Joemaela Doronila at Yuan Medina
#AngAninag
KAPASKUHAN SA PROBINSYAL | Paskong PiNOHS
Ningning na kawangis ng bituin sa tuktok ng punong pampasko ang masisilayan sa mata ng mga estudyanteng sabik sa pagdiriwang ng okasyong inabangan sa loob ng 12 buwan.
Sa 12 tradisyong iminungkahi, ilan sa mga ito ang ginagawa ninyo pagpatak ng alas dose sa orasan?
-
Sulat at Panayam nina: Kenneth Bravo at Jans Macariola
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-edit ng bidyo: Mira Tanate
#AngAninag
Kasabay ng pagsibol ng mga paa, makikita ang labis na tuwa at ningning sa mga mata. Halakhakan ang maririnig sa kaliwa't kanan, ngiting abot-taingang hindi na kailanmang ulit mapipigilan. Liwanag sa dilim at ang pag-asa sa bawat karera at hamon — sinimulan ng kalasin at patuloy pang aahon sa nakatablang henerasyon.
Bilang kabataang pag-asa ng bayan, nawa'y hindi mapundi ang ningas ng determinasyong ipagpatuloy ang pagiging natitirang pag-asa ng ating bayang sinilangan, mula sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pagiging aktibong kasapi ng komunidad, bawat galaw na bumabalangkas sa bansang pinapaunlad. Naiiba man ang mga katangian, pagsapit ng takip-silim hinding-hindi mabubura ang katotohanang mag-aaral ang nagiging ugat at punong namumulaklak.
Sa pakikiisa ng Ang Aninag sa pagdiriwang ng Internasyonal na Araw ng mga Mag-aaral, narito ang iilang mga pahayag na may kaugnay sa iba't ibang estudyanteng kumakatawan sa pagiging mag-aaral.
Muli, Maligayang Araw ng mga Mag-aaral!
-
Sulat ni: Precious Bayano at Leura Ledesma
Taga-edit ng Bidyo: Yuan Medina at Shirge Sagansay
Panayam nina: Sasha Estil, Neil Dacuba, Kenneth Bravo at Czaren Canlog
Kuha ni: S. Sagansay
#AngAninag
ANINAG SA SULOK | World's Biggest Book Sale nasa Bacolod na
Pasukin ang panibagong dimensyon ng likha't sining mula sa iba't ibang klase ng libro na dito lamang matatagpuan sa natatanging 'World's Biggest Book Sale' ng masa o ang 'Big Bad Wolf' sa Bacolod!
Sa mga nais humabol, nananatiling bukas ang Big Bad Wolf hanggang Nobyembre 12. Tungo sa pagyayabong ng talino at pagdiskubre ng kinahihiligang mga istorya, huwag na magpapahuli't bumisita na!
-
Sulat nina: Julian Barayoga at Chelsea Berja
Ulat ni: J. Barayoga
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-Edit ng Bidyo: Joemaela Doronila at Yuan Gabriel Medina
#AngAninag
Maging boses ng katotohanan!
Taglay mo ba ang angking galing upang maging tagapag-ulat na nagbibigay-kapangyarihan, kaalaman, at inspirasyon para sa pagbabago?
MGA BAKANTENG POSISYON:
• Radio Broadcaster
• Radio Technical
• TV Newscaster
• TV Technical
• TV Cameraman
MGA KINAKAILANGAN AT PAALALA:
• Para sa mga nais maging TV Newscaster at Radio Broadcaster, itatasa ang kalakasan at klaridad ng boses, pati na rin ang kakayahan sa pagsusulat ng balitang iuulat (scriptwriting).
• Para naman sa nais maging Radio Technical, mas mainam kung mayroong sariling laptop at kaalaman sa mga aplikasyong 'virtual dj' na naka-install sa kani-kanilang laptop.
• Sa mga TV Technical naman, kinakailangan din ng sariling laptop at kaalaman sa paggamit ng mga aplikasyon katulad ng adobe, filmora at aftereffects. Mas mainam kung ang mga ito ay nakainstall na sa sariling laptop na gagamitin.
• Sa mga nais maging Cameraman, mas mainam kung mayroong sariling camera at kaalaman sa pagkuha ng mga bidyo, sa iba't ibang transisyon na ilalapat at ibp.
MGA HAKBANG:
• Punan ang mga kinakailangan sa link na nakapaskil sa ilalim.
https://forms.gle/ZA7ivJf3PcREGafW9
• Magkakaroon ng harapang awdisyon kung saan itatasa ang kakayahan ng bawat aplikante sa mga posisyong sasalihan. Ang mga nakasagot lamang sa link ang mga maaaring makilahok sa nasabing awdisyon.
• Itatasa rin ang mga camerang dala ng mga nais maging cameraman.
• Sunod na itatasa ang klaridad ng boses at kalakasan ng mga nais maging Broadcaster at Newscaster.
• Huling itatasa ang kakayahan sa pagsusulat ng balita o ang scriptwriting test.
Magaganap ang harapang awdisyon sa Biyernes, Oktubre 20.
-
Boses nina: Julian Mae Barayoga, Jillian Tauban, at John Mar Martinez
Kuha nina: Kharl Montero at Hans Nene
Taga-edit ng Bidyo: David Kyle Gila
#AWDISYON2023
#AngAninag
PANOORIN: Mangiyak-ngiyak na inawit ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang ng Negros Occidental High School (NOHS) ang ‘Alma Mater Song’ bilang hudyat ng pagtatapos ng ‘Moving-Up Ceremony’ para sa taong panuruan 2022-2023, Hulyo 13.
Bagama't nagkaroon ng pagbabago sa pook-pagdarausan ng programa bunsod ng sama ng panahon, tila umapaw pa rin ang emosyon ng mga estudyante sa kanilang huling taon sa Junior High School (JHS).
Ito ang nagsilbing pagbabalik ng harapang seremonya para sa mga gradwado matapos ang dalawang taong pagkaudlot nito dulot ng pandemya.
-
Sulat ni: Jose Adrianne Moragas
Kuha nina: Karl Natividad at Kharl Montero
#AngAninag