12/12/2023
TINGNAN: Upang mapasalamatan ang ating mga g**o bilang mga bayani ng bawat mag aaral at base na rin sa Provincial Ordinance No. 137-2022 : Providing Monetary Incentive to all Public Elementary and Secondary High School Teachers, isinagawa ngayong araw ang " A Thanks Giving Program for the Teachers as Hero" na ginanap sa Baco National High School.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga g**o mula sa 34 na paaralan ng elementarya at 8 na pang sekondarya sa bayan ng Baco. Ayon kay Gov. Bonz Dolor, ang Provincial Ordinance No.137-2022 ay isa sa napakagandang ordinansa na naipasa ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Ejay Falcon. Aniya, alam nila ang sakripisyo ng mga g**o upang maturuan ang mga bata at mapataas ang porsyento ng mga Mindorenyong nakakapag aral.
Sa mensahe naman ni Mayor Allan A. Roldan, lubos ang pasasalamat nya sa Pamahalaang Panlalawigan sa napakagandang pamasko nito sa mga g**o. Ayon dito,alam nya na may magkakaloob ng tulong sa mga g**o sapagkat limitado lang ang badyet ng lokal na pamahalaan para sa mga kahilingan ng mga ito.Sa huli, nagbigay ang Gobernador ng tig isang laptop sa 2 g**o na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.
Dumalo naman sa nasabing programa sina Bokal Edilberto Ilano, Bokal Jocy Neria, Bokal Aleli Casubuan-Tan, IPMR Bokal Ahop Agate at EA Miko Atienza bilang kinatawan ni VG Falcon.
Sa huli,taus pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga g**o kay Gov Dolor, sa mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlalawigan at kay Mayor Allan Roldan para sa maagang pamasko./ Disyembre 12,2023