Mikropono ng Misyonero

Mikropono ng Misyonero Mikropono ni San Pedro, Boses ng Misyonero

Pedro Calungsod Mission Area (Youth Ministry)

Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang PanahonJanuary 15, 2025MIYERKULES, MABUTING BALITAMarcos 1, 29-39Ang Mabuting B...
14/01/2025

Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon

January 15, 2025
MIYERKULES, MABUTING BALITA
Marcos 1, 29-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.

Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.

Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya ay matagpuan, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon – ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Simulan natin sa panalangin ang araw natin.
14/01/2025

Simulan natin sa panalangin ang araw natin.

Martes ng Unang Linggo sa Karaniwang PanahonJanuary 14, 2025MARTES, MABUTING BALITAMarcos 1, 21b-28Ang Mabuting Balita n...
13/01/2025

Martes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon

January 14, 2025
MARTES, MABUTING BALITA
Marcos 1, 21b-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Sa lungsod ng Capernaum sa Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay pumasok sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masamang espiritu. At sinunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang PanahonJanuary 14, 2025LUNES, MABUTING BALITAMarcos 1, 14-20Ang Mabuting Balita ng P...
12/01/2025

Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon

January 14, 2025
LUNES, MABUTING BALITA
Marcos 1, 14-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.”

Samantalang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na naghahagis ng lambat, Sila’y mangingisda. Sinabi ni Hesus, “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong mamamalakaya ng tao.” Pagdaka’y iniwan nila ang kanilang lambat, at sumunod sa kanya.

Nagpatuloy siya ng paglakad, at sa di kalayuan ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa kanilang bangka at naghahayuma ng mga lambat. Tinawag din sila ni Hesus at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama, kasama ng mga taong upahan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

12/01/2025

𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐎 𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐈𝐀𝐂𝐎𝐍𝐀𝐓𝐄

With praise and thanksgiving to Almighty God,
the Apostolic Vicariate of Calapan
joyfully announces and cordially invites you to the
Sacred Ordination to the Diaconate of
SEM. JANUEL ACEVEDA BALTAZAR
SEM. JUNEEL CHRISTIAN GUALBERTO JANDA
SEM. MARK JAY VIDAD BAMBAO

The Solemn Eucharistic Celebration and Rite of Ordination will be presided over by MOST REV. MOISES M. CUEVAS, D.D.
at the Sto. Niño Cathedral, Calapan City, Oriental Mindoro on January 20, 2025, Monday, 10:00am.

Kapistahan ng Pagbibinyag sa PanginoonJanuary 12, 2025LINGGO, MABUTING BALITALucas 3, 15-16. 21-22Ang Mabuting Balita ng...
11/01/2025

Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

January 12, 2025
LINGGO, MABUTING BALITA
Lucas 3, 15-16. 21-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesiyas at ang akala ng marami’y si Juan ang kanilang hinihintay. Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, “Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa sa akin, at ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak.”

Nabinyagan na noon ang lahat ng tao, gayun din si Hesus. Nang siya’y nananalangin, nabuksan ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Saturday after EpiphanyJanuary 11, 2025SABADO, MABUTING BALITAJuan 3, 22-30Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San...
10/01/2025

Saturday after Epiphany

January 11, 2025
SABADO, MABUTING BALITA
Juan 3, 22-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nagpunta sa lupain ng Judea. Nanatili siya roon ng kaunting panahon kasama nila, at nagbinyag. Si Juan ay nagbibinyag rin naman sa Enon, malapit sa Salim, sapagkat maraming tubig doon. Pumupunta sa kanya ang mga tao at nagpapabinyag. Hindi pa nakabilanggo noon si Juan.

Minsan, nakatalo ng mga alagad ni Juan ang isang Judio tungkol sa tanging paraan ng paglilinis. Kaya’t pumunta sila kay Juan at sinabi sa kanya, “Rabi, yaon pong lalaking kasama ninyo sa ibayo ng Jordan, na inyong pinatotohanan ay nagbibinyag rin at nagpupunta sa kanya ang lahat!” Sumagot si Juan, “Walang tatanggapin ang tao malibang ipagkaloob sa kanya ng Diyos. Kayo na rin ang makapagpapatunay na sinabi kong hindi ako ang Kristo; sugo lamang akong mauuna sa kanya. Ang babaing ikakasal ay para sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak pagkarinig sa tinig nito. Gayun din naman, lubos na ang kagalakan ko ngayon. Kinakailangang siya ay maging dakila, at ako nama’y mababa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Friday after EpiphanyJanuary 10, 2025BIYERNES, MABUTING BALITALucas 5, 12-16Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Sa...
09/01/2025

Friday after Epiphany

January 10, 2025
BIYERNES, MABUTING BALITA
Lucas 5, 12-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong si Hesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito’y nagpatirapa at namanhik sa kanya. “Ginoo, kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapagagaling.” Hinipo siya ni Hesus at ang sabi, “Ibig ko; gumaling ka!” Pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. At pinagbilinan siya ni Hesus: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.” Ngunit lalo pang kumalat ang balita tugkol kay Hesus, kaya’t dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Hesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus NazarenoJanuary 09, 2025HUWEBES, MABUTING BALITAJuan 3, 13-17Ang Mabuting Balita ng Pa...
08/01/2025

Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno

January 09, 2025
HUWEBES, MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Wednesday after Epiphany January 08, 2025MIYERKULES, MABUTING BALITAMarcos 6, 45-52Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon...
07/01/2025

Wednesday after Epiphany

January 08, 2025
MIYERKULES, MABUTING BALITA
Marcos 6, 45-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

New Year, New Me!2025, please be good to me.New year’s resolution for 2025.This 2025, God reminded us that every day, ev...
07/01/2025

New Year, New Me!
2025, please be good to me.
New year’s resolution for 2025.

This 2025, God reminded us that every day, every month, and every year is actually good to us. Even in seasons of heartbreak, disappointment, or those moments when it feels like nothing is going right, there is always something to hold on to.

God is working in our life, even in ways we cannot see. Hindi man agad obvious, pero bawat heartache, bawat failure, bawat "why me?" moment, may itinuturo satin. Lahat 'yan bahagi ng kwento ng paglago natin.

Kapag napagod ka na at parang lahat ng sides ay madilim na, pause ka muna. Look up—may liwanag pa rin. Hindi pa tapos si Lord sa'yo. Every season has a purpose, and every challenge can be a stepping stone.

So this 2025, hindi lang “New Year, New Me.” Dapat maging “New Year, Trust God More.” Kasi kahit anong mangyari, ang promise ni Lord, “I am with you always.” Let’s face this year with hope, faith, and courage. Remember: Hindi mo kailangan ng pampaswerte to be blessed because you are already blessed every day. Walk with faith.

Address

Katwiran 2
Baco
5201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mikropono ng Misyonero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share