11/11/2024
FACEOUT | ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ ๐ค๐?
Sa mga panahong hindi tayo nagkikita, Sa bawat patak ng ulan at pagdapa, Sa lamig ng gabing tahimik ngunit mabigat, Kamusta ang puso, kayang pa bang magpakatatag? May sagot ba ang hanging dalaโy pasakit, O sapat na ang mga kamay na ngayoโy nakasabit? Kamusta, sa araw na ito ng muling pagbangon, Sa gitna ng hampas ng ulan at unos na dumadaloy. May pag-asa pa rin ba saโyoโy naninirahan? O may ngiti na'ng pilit bumabalik sa kawalan?
Natanong mo na ba sa sarili mo, kung hanggang saan Ang tibay na kayang itayo pagkatapos?
๐๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ช๐ต๐ข. ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฌ๐ถ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ด๐ต๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ช๐ต๐ข.
Sa nakaraang piyesa, kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang walang tigil na pakikipagsabayan ng pangangamba ko. Sa buhos ng hangin ay may kasamang agos ng mga balitang takot ang mararamdaman ng bawat isa. Isa na ako doon, isa sa takot na mawalan ng signalโฆ sapat na paraan para makumusta siya. Sa bagay, hindi ko naman kayang matigil ang epekto ng bagyong iyon. Wala akong pangrebat sa kalakasang ibinubuhos nito. Huli na, kung mayroon man. Ngunit habang tumatamaas ang baha sa lugar namin, tumataas din ang pag-apaw ng hindi mapakaling pangangambang ramdam. At sigurado ako, isa ka sa naiisip ko.
Sa patlang na ayos lang ba sila? Ano kaya kalagayan ng mga bagay bagay na iyong naalala ay naipapakahulugan ang tanong na ito, sayo. Sa pag-aalala sa kahit sino, ano, o kung saan man mapadpad ang isip na binabalot ng pagkakunot ng noo ay maiibsan sa paraan ng pagpapakawala nito; itanong mo man o ikilos.
Ngunit minsan, oo tao rin tayo.
โ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐๐ช๐ข๐ช๐จ๐ฉ๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ๐ค. ๐๐ ๐ง๐๐๐ก๐๐๐๐, ๐ข๐๐ฎ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ข๐ช๐จ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ.
Sa likod ng bawat โKumusta?โ ay naroon ang pagnanais na mapawi ang kanilang sariling pangungulila. Sapagkat ang bawat tanong ay hindi lamang para sa iba, kundi para sa kanilang sariling pag-asa at kalakasang tumayo. Ang "Kumusta?" ay hindi lang pangungumusta; ito ay pagkalinga, pagdamay, at isang paanyaya sa pag-unawa, na sanaโy magbabalik rin sa kanila sa oras ng pangangailangan.
Hindi lahat ng "Kumusta?" ay may sagot. Ngunit minsan, ang tanong na ito mismo ang nagsisilbing lakas ng mga tinatanong. ๐๐ข๐ง๐ฌ๐๐ง, ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐จ๐ง๐ , ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐, ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐ฆ๐จ๐ง. Kung tutuusin, hindi rin lahat ng nagtanong ay inaasahang makakuha ng sagot. May mga pagkakataon na ang simpleng tanong na ito ay isang anyo ng pagkilala sa hirap na pinagdadaanan ng bawat isa. Sapat na ang โKumusta?โ upang maipadama ang malasakit na hindi kayang tumbasan ng kahit ano.
Sa huli, ang "Kumusta?" ay parang umagang kayganda matapos ang delubyong gabi. Ito ay tanong na puno ng pangarap, ng pag-asang darating ang oras na magiging maayos din ang lahat. Sa simpleng tanong na ito, humuhugot tayo ng lakas mula sa isa't isa. Hele ng tanong na nagtutulak sa ating bumangon. Ang tanong na kumakatok sa bawat tahanan, tumatagos sa bawat pinto at bintana.
Ang "Kumusta?" ay nagsisilbing tulay upang mapanatili ang ating koneksyon, kahit sa gitna ng unos. Sa bawat sagot na ibinabahagi, nagiging inspirasyon tayo sa isaโt isa. Sa pag-unawa at malasakit, nagiging mas matibay ang ating samahan.
Kaya habang kaya mo pa, kumusta ka? Kung hindi man, ...
๐๐ช๐ข๐ช๐จ๐ฉ๐ ๐ ๐?
----
(c)
๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐น๐ช๐ฆ ๐๐ข๐ฆ ๐๐ข๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐จ
๐๐ข๐ญ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ช๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ด๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ ๐๐ช๐ฎ๐ข