KamFil

KamFil Organization that promotes and supports Filipino language for the better.

04/11/2024

“Paalam Ginoong Doms”

Sa isang iglap lang ikaw ay naglakbay,
Pumalaot ka roon sa di’ ka na namin
maaakay,
Nakakalungkot man ay isang taos pusong pakikiramay ang sa’yo ay aming alay,
Mga alaala mo sa aming puso ay mananatiling buhay,
Paalam, Kuya Doms, manatili kang payapa sa iyong paghimlay.


Maligayang kaarawan, Ginoong Herold Parco! Mula sa mga opisyales ng KamFil, hiling namin na patuloy kang maging huwaran ...
16/10/2024

Maligayang kaarawan, Ginoong Herold Parco!

Mula sa mga opisyales ng KamFil, hiling namin na patuloy kang maging huwaran ng kahusayan at inspirasyon sa ating departamento. Sa iyong kaarawan, hangad namin ang masaganang taon na puno ng tagumpay at kaligayahan. Maraming salamat sa iyong mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng wika at kulturang Filipino.

Isang mapagpalang kaarawan sa iyo!

Malugod na pagbati sa mga bagong halal na lider ng KamFil! Ang inyong tagumpay ay simbolo ng tiwala at suporta ng ating ...
05/10/2024

Malugod na pagbati sa mga bagong halal na lider ng KamFil!

Ang inyong tagumpay ay simbolo ng tiwala at suporta ng ating departamento. Nawa’y magsilbing inspirasyon kayo sa lahat ng mag-aaral upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng wikang Filipino at pagpapayaman ng ating kultura. Inaasahan namin ang inyong mga makabagong ideya at dedikasyon upang mas mapalakas ang KamFil at mas maging aktibo ang ating Departamento.



Matagumpay na naisagawa ang halalan para sa bagong hanay ng liderato ng KamFil, na ginanap nitong Oktubre 4, 2024, mula ...
05/10/2024

Matagumpay na naisagawa ang halalan para sa bagong hanay ng liderato ng KamFil, na ginanap nitong Oktubre 4, 2024, mula 1:00 hanggang 5:30 ng hapon. Sa loob ng mahigit apat na oras, aktibong nakiisa ang mga estudyante sa pagboto at pagpili ng kanilang mga bagong lider.



KAMFIL HALALAN 2024Narito ang mga mag-aaral na opisyal na kandidato para sa halalan ng KAMFIL.Sama-sama nating suportaha...
01/10/2024

KAMFIL HALALAN 2024

Narito ang mga mag-aaral na opisyal na kandidato para sa halalan ng KAMFIL.

Sama-sama nating suportahan ang kanilang hangaring maging kinatawan ng ating departamento. Dala nila ang kanilang dedikasyon, talino, at pagmamalasakit para sa wika at kulturang Filipino.




KamFil Halalan A.Y. 2024-2025: Ang Boto Mo, Kinabukasan ng  Departamentong Filipino! 🇵🇭🔥Ika-4 ng Oktubre, 2024 ang araw ...
01/10/2024

KamFil Halalan A.Y. 2024-2025: Ang Boto Mo, Kinabukasan ng Departamentong Filipino! 🇵🇭🔥

Ika-4 ng Oktubre, 2024 ang araw kung saan ikaw ay may kapangyarihang pumili ng susunod na mga lider ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino.

🗳 Face-to-Face Voting: 1:00 PM - 5:30 PM
💻 Online Voting: 10:00 AM - 5:30 PM

Ang iyong boto ay mahalaga! Makiisa at magpakita ng suporta sa masiglang pamumuno at patuloy na pagsulong ng wikang Filipino. Tumindig para sa kinabukasan ng KamFil!




Ika-30 ng Setyembre, 2024 I Paghahain ng KandidaturaMula 2:00pm hanggang 5:00pm ng hapon, ay nagkaroon ng pagtatala ang ...
30/09/2024

Ika-30 ng Setyembre, 2024 I Paghahain ng Kandidatura

Mula 2:00pm hanggang 5:00pm ng hapon, ay nagkaroon ng pagtatala ang mga nagnanais na maging opisyal ng KAMFIL at sa ganap na ika-lima ng hapon ay ganap nang natapos at naisumite ang mga kandidatura para sa mga susunod na opisyal ng KAMFIL.

Abangan ang nakatakdang halalan! Suportahan natin ang ating mga kapwa mag-aaral sa kanilang hangaring maglingkod at magpabuti sa ating departamento. I-angat ang KAMFIL, I-angat ang departamento ng FILIPINO.


“📢 Paghahain ng Kandidatura para sa Darating na Halalan ng Kamfil! 🇵🇭Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating demokrat...
26/09/2024

“📢 Paghahain ng Kandidatura para sa Darating na Halalan ng Kamfil! 🇵🇭

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating demokratikong proseso! Ang paghahain ng kandidatura ay gaganapin sa Setyembre 30, 2024, mula 2:00 PM hanggang 5:00 PM. Ito ang pagkakataon nating ipahayag ang ating boses at sama-samang itaguyod ang ating mga layunin.

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng pagbabago! ✊🏼




Ika-20 ng Setyembre, 2024 | Pagpupulong para sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo na mula sa Departamento ng ...
21/09/2024

Ika-20 ng Setyembre, 2024 | Pagpupulong para sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo na mula sa Departamento ng Filipino

Sa pagpupulong na isinagawa ay tinalakay ang mga patakaran at tuntunin na dapat sundin sa organisasyong KamFil.

Gayundin, ay isinagawa ang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral na ninais na tahakin ang landas ng pagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Nawa ang mga kaalaman na ibinahagi sa pagpupulong na ito ay magamit ninyo sa buong panahon ng inyong akademikong paglalakbay.

Pagbati sa matagumpay at mapayapang pagpupulong.

-Opisyal ng KamFil 2023-2024-Maligayang pagtatapos!Nagbunga ang lahat ng inyong hirap, pagod, puyat at pag iyak na inila...
31/08/2024

-Opisyal ng KamFil 2023-2024-

Maligayang pagtatapos!

Nagbunga ang lahat ng inyong hirap, pagod, puyat at pag iyak na inilaan, sa buong apat na taon ng inyong akademikong paglalakbay. Ang inyong pangarap na makapagtapos ang nagtulak sa inyo upang magpatuloy sa pagkamit ng tagumpay.

Isa kayong modelo at inspirasyon. Hangad ng ating kapisanan ang inyong pagtatagumpay. Anumang biyahe ng buhay ang nais niyong tahakin, nawa'y matupad niyo ang lahat ng inyong mga mithiin.

Isang mainit na pagbati sa inyong ipinamalas na husay!

Maalab na pagbati!Pangarap, dedikasyon, sipag at pagtitiwala sa sarili ang naging puhunan upang marating ang tagumpay. A...
31/08/2024

Maalab na pagbati!

Pangarap, dedikasyon, sipag at pagtitiwala sa sarili ang naging puhunan upang marating ang tagumpay. Ang pagkamit ng mataas na karangalan ay hindi madaling proseso, subalit dahil sa inyong maalab na pagsusumikap ay naging posible ang lahat ng ito.

Kaya naman, mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KamFil), isang taos pusong pagbati ang aming iniaalay sa inyo.

Ang inyong naging tagumpay ay aming naging inspirasyon.

Muli, ay inyong pinatunayan na kapag mula sa Departamento ng Filipino, matatalino.

-Batch 2024-

20/06/2024

Pagbati sa inyong kahusayan Filipino 3A!👏

Pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ( KamFil ) 2023-2024.
05/03/2024

Pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ( KamFil ) 2023-2024.

Maraming salamat sa mga tumangkilik ng Dating Booth, nawa'y natagpuan nyo ang hinahanap nyo sa loob😁, nakakalungkot mang...
29/02/2024

Maraming salamat sa mga tumangkilik ng Dating Booth, nawa'y natagpuan nyo ang hinahanap nyo sa loob😁, nakakalungkot mang sabihin pero *chapter closed * na rin ang Dating Booth ng departamento namin, hanggang sa susunod na anibersaryo Qecinians!

'Ang Pagsasara'. Maraming salamat sa tumangkilik ng Henna booth, hanggang sa susunod na kabanata QECINIANS! - KamFil
29/02/2024

'Ang Pagsasara'. Maraming salamat sa tumangkilik ng Henna booth, hanggang sa susunod na kabanata QECINIANS! - KamFil

Day 3 of QECI 39th Founding Anniversary! Maraming salamat sa mga tumangkilik sa henna booth 💛. Sa mga di pa nagpapa-henn...
28/02/2024

Day 3 of QECI 39th Founding Anniversary! Maraming salamat sa mga tumangkilik sa henna booth 💛. Sa mga di pa nagpapa-henna dyan, arat na! Nasa MB ANNEX 106 lang kami😊

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!Christine Balitaon, Ernest Pasamba
27/02/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Christine Balitaon, Ernest Pasamba

Address

Dr. Ramon Soler Street
Atimonan
4331

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KamFil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to KamFil:

Videos

Share