09/01/2023
๐ฝ๐ฐ๐ต๐ป๐จ๐ฎ๐ฌ ๐ฉ๐ถ๐ด๐ฉ๐บ, ๐ฎ๐น๐จ๐ต๐จ๐ซ๐ฌ๐บ, ๐จ๐ด๐ด๐ผ๐ต๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต๐บ
๐ต๐จ๐ฏ๐ผ๐ฒ๐จ๐ ๐บ๐จ ๐ณ๐ถ๐ป๐ฌ ๐ต๐ฐ ๐ฒ๐ถ๐ต๐บ๐ฐ ๐ช๐จ๐น๐ฐ๐ฎ
Dalawang lumang bomba, granada, mga bala at magazines ang nahukay sa Sitio Panagidan, Barangay Baro, Asingan, Pangasinan nitong nakaraang linggo.
Ayon kay konsehal Johnny Mar Agunias-Carig may ari ng nasabing lote, kasalukuyang nasa session siya ng tumawag ang kanyang trabahador mag aalas onse ng umaga.
"Yung trabahador ko naghuhukay para sa poste sa farm para sa mga tanim niya, tapos may tumunog hinukay niya. Pagtingin niya granada, tinawag sa akin sabi ko saglit lang nagse-session ako. Sabi niya may nahukay daw siya na granada, sabi ko huwag niyang gagalawin magpapatawag ako." ani ng konsehal Agunias-CArig.
Agad niya itong ipinagbigay alam sa Asingan PNP na mabilis namang humingi ng tulong sa Explosive and Ordinance Division (EOD) Tayug.
Kabilang sa mga nahukay din ay granda, mga bote, mga bala at magazine na pinaniniwalaang ginamit noong World War II.
Samantala ngayong araw ay ginugunita ang Veterans Day sa Pangasinan kasabay ng pagdiriwang ng 78th Lingayen Gulf Landing.