06/12/2023
XPRESS || ISANG MIYEMBRO UMANO NG ARMED FORCES, NANG-HARASS NG ISANG 13 YEARS OLD NA ESTUDYANTE SA BALAYONG PEOPLES PARK SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
ISANG miyembro umano ng Armed Forces ang nang-harass ng menor de edad sa Balayong Peoples Park kaninang alasingko ng hapon, December 5, 2023.
Ayon sa post ng We R1 at Your Service, nanghingi ng assistance ang Balayong Civil Security matapos na magreklamo ang isang 13 years old na estudyente ng Sta Monica na mayroong nang-haharras dito na 28 years old na miyembro umano ng Armed Forces sa Watch Tower ng lugar.
Napagalamang, kahapon pa umano nag nagpakilala ang lalaki at hiningan ito ng Fb account ngunit ibang account ang kanyang ibinigay.
Reklamo ng estudyante, gusto umano ng lalaki na halikan sya at inalok pa ito na makipagtalik sa halagang P1500.
Liban pa rito, pinapapunta pa ito sa mismong Boarding House.
Dahilan upang humingi ng tulong ang menor de edad at tumawag ng kapulisan.
Samantala, nabatid na nadestino lamang sa Lungsod ang lalaki na mula pa sa Cavite
Courtesy: We R1 at Your Service