02/10/2023
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ก๐ข๐ค๐๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐
Ipinagtibay ng Cor Jesu College, Inc. (CJC) ang kanilang hakbang sa pagpapaunlad ng paghahandog sa komunidad ng tulong sa isinagawang Grand Community Day sa Brgy. Dulangan, Digos City noong ika-29 ng Setyembre taong 2023 at halos mahigit 100 residente ang nakilahok at natulungan.
Parte ito ng selebrasyon ng ika-64 anibersaryo ng paaralan, na kung saan nakilahok ang ilang mag-aaral sa elementarya at kawani ng paaralan sa lahat ng departamento upang tumulong sa ibaโt ibang aktibidad gaya ng misyong medikal, pagbibigay ng kagamitang sa pag-aaral, literasiyang programa, at pagbibigay ng kaalaman sa kalusugang mental, na pinangunahan ni Br. Ellakim Sosmeลa, SC, PhD, presidente ng paaralan.
Nararapat na ibahagi ang regalo, ang isang pahayag na nabanggit sa talumpati ng presidente ng paaralan.
Dagdag nito, ipinaliwanag din ng CJC- Basic Education Department Community Engagement Coordinator na si G. Rommel Jocson na pagsasabuhay sa misyon ng Brothers of the Sacred Heart ang pagtulong sa komunidad.
Samantala, ipinahayag naman ni Brgy. Captain Roger Estabaya ang kasiyahan sa tulong na hatid ng CJC.
Aniya, higit na nakatulong sa kanilang komunidad ang inisiyatibo ng CJC dahil pinagbubuti nito ang hindi lamang ang edukasyon ngunit patin na rin ang kalusugan, seguridad, at kasanayan ng mga residente ng Brgy. Dulangan.
Mula ang larawan sa Pintig Staff