08/10/2024
PUMANAW NA ANG KAHULIHULIHANG FILIPINO NA SINILANG PA NOONG 19th CENTURY.
Pumanaw na ang kaisa-isang Filipino na naabutang nakaupo bilang Presidente sina;
1. Aguinaldo, 1899-1901
2. Quezon, 1935-1944
3. Laurel, 1943-1945
4. Sanson (Osmeña), 1944-1946
5. Roxas, 1946-1948
6. Quirino, 1948-1953
7. Magsaysay, 1953-1957
8. Garcia, 1957-1961
9. Macapagal, 1961-1965
10. Marcos, 1965-1986
11. Cojuangco-Aquino, 1986-1992
12. Ramos, 1992-1998
13. Ejercito (Estrada), 1998-2001
14. Macapagal-Arroyo, 2001-2010
15. Aquino, 2010-2016
16. Duterte, 2016-2022
17. Marcos, 2022-present
S'ya ang kahuli-hulihang Filipino na nabuhay na sinilang noong 19th century.
Note: Ang unang araw ng 20th Century ay January 1, 1901, ang taong 1900 ay huling taon ng 19th century.
Pumanaw si Lola Rading sa edad na 124, pinanganak sa Munisipalidad ng Libacao, Probinsya ng Aklan at taga Roxas city, Capiz naman ang kanyang mister, biniyayaan sila ng siyam na anak at lima dito ay buhay pa, lahat sila ay naninirahan sa Kalibo, Aklan.
Pagsasaka ang kanilang kinabubuhay noon, at pagtitinda ng gulay sa bayan, dahilan para madalas kumain ito ng gulay na nagpahaba ng kanyang buhay, sa bakuran din nila tinatanim ang kanilang mga gulay na tinitinda.
2007 ng mamatay ang kanyang asawa sa edad na 107. 'Di matatawaran ang sakripisyo nito sa pamilya na nagbigay daan para lahat sila ay maging matagumpay sa buhay, iniwan nito ang 5 anak, 53 na apo, 101 na apo sa tuhod at 31 na apo sa talampakan.
"Matuto kang makisama sa tao, dahil ito ang magiging puhunan mo para sa hinaharap"
— Lola Rading
Ang longest documented at verified human lifespan ng Guiness Book of Record na si Jeanne Calment ng Pransya ay nabuhay ng 122 years at 164 days, habang si Lola Rading ay inabot ang 124 years, 4 months at 24 days.
Tinalo rin ni Lola Rading si Francisca Susano ng Negros Occidental na nabuhay ng 124 years, 2 months at 12 days.
Rest in Peace Lola!