20/08/2024
"HULING LITRATO"
Ako si Mario, 39 taon gulang.
Gusto ko lang ikwento sa inyo ang aking karanasan sa buhay may-asawa. Sa edad kong 17 nakilala ko si Myrna. 15 taon gulang sya noon, Niligawan ko sya at sinagot naman nya ako hanggang umabot sa 5taon ang aming relasyon bilang magkasintahan.
Ng mabuntis ko sya ay pinanagutan ko naman kahit pa nga ayaw ng mga magulang namin ay wala ng magawa dahil anjan na nga ang bata. Nagpakasal kami at bumukod ng sariling tirahan. Tumira kami sa palawan, malayo kung san kami talagang nakatira noon. Inisip kasi namin na bilang nagsisimula pa lang kami, marapat lang na malayo sa ingay at pangingialam ng aming mga kamag-anak at magulang..
Nagkaron kami ng 4 na anak.. Nung una, masaya kami sa paninirahan doon, masasabi mo ngang payapa at masagana..Ngunit Isang araw, híningi ng pagkakataong bumalik kami sa aming kinalakihang siyudad. Sa maynila. Dahil inilipat ako ng trabaho ng aking boss,. Wala kaming magagawa sapagka't kung tatanggi kami ay magugutom ang aking pamilya.
Ang saya ko! Nakita ko na naman ang mga kababata at mga kaibigan ko.Kung kaya't kada walang pasok ay lagi kaming nag-iinuman, minsan naman ay nagbabasketbol o nanonood sa mga sugalan. Natuto na din akong magtago ng pera ke misis kc iniisip ko yung pangsugal ko, at pang libre sa mga barkada ko.
Lagi akong inaaway ng misis ko.
Sa isip ko ang kapal ng mukha nya, halos 5araw ako nagtatrabaho para may makain sila tapos sabado linggo lang pahinga ko di pa nya ko mapagbigyan.
Ang sabi nya pa saki'y ok lang naman daw na lumabas ako pero bigyan ko din naman daw sila ng oras ng mga anak namin pag dayoff ko. Pero di ako nagpatinag, sino sya para kontrolin ako? Asawa ko lang naman sya,
Isang sabado, niyaya nya ko mamasyal,
Ipasyal daw namin ang mga anak namin, sumama naman ako para wag lang nya ko daldalan. Pero nagmamadali akong umuwi para makasama ko ang mga barkada ko..Kasi'y ilalaban ni pareng alan ang manok nya..
Ng mga sumunod na sabado ay lagi na nya kong niyayaya na mamasyal, minsan Ang gusto nya'y kaming dalawa lang daw, nagalit ako at nabwisit kay myrna, inisip kong masyado syang papansin at nagmamagaling. Alam nyang kada sabado at linggo ay oras ko sa mga barkada ko. Ang sabi nya'y hindi nya din ako mayaya ng lunes hanggang byernes dahil may pasok sa eskwela ang mga anak namin. Nagalit ako sa kanya at nauwi pa sa sakitan ang away namin.
Galit na galit ako sa ginagawa nya, ang gusto nya ata ay magtitigan kami ng buong maghapon at magkasama. Nakakasawa din naman yon pero pag kasama ko mga barkada ko di ako nagsasawa, enjoy kasi sila kasama puro kalokohan. Mas masarap makipag -inuman hanggang gabi o minsan nga'y inuumaga pa. Basta ang alam ko nabibigyan ko sya ng pera pangkain,ok na yun. Tapos na obligasyon ko sa kanila.
Isang linggo kaming hindi nagkibuan mula ng away na iyon.. Minsan tinatanong kami ng mga anak namin pero di na lang ako kumikibo. Mula din ng away naming iyon ay hindi na nya ako ulit niyaya pa, Hindi na din nya ako inaaway pag aalis ako ng umaga at uuwi ng gabing gabi kada sabado at linggo. Nagtataka man, hínayaan ko lang, mabuti nga iyon eh.. Mas maigi pa.
Pero isang sabado ng tanghali, lumapit sya sa'kin.. nakapostura at ang bango bango, naisip ko ang ganda ng asawa ko.. Niyakap nya ko ng mahigpit at hinalikan sa noo. Nagulat ako sapagka't hindi nya iyon ginagawa.. Sabi nya sa'kin, mar, mag picture naman tayo.. nagugulat man ako'y pinagbigyan ko ang gusto nya. inilabas nya ang camera sa bulsa.. Sabi pa nga nya'y akbayan ko daw sya para sweet, At ginawa ko naman.. sabay sabi nya saking.. "Mar, magsimba naman tayo bukas.." Napatigil ako at medyo nainis na naman.. Heto na naman sya, nagdedemand na naman! "Hindi pwede! Libing ni pareng oska bukas! Di pwedeng mawala ako dun!" Sabi ko. Ngunit tahimik lang syang tumalikod sakin at naglakad palayo. At umalis na'ko.
Dumating ang linggo, maaga akong gumayak para sa libing.. Nakikita ko pa syang nagluluto para sa tanghalian.. Nagmamadali akong umalis para maabutan ko pa ang sugalan dun bago ang libing. Ngunit hinabol ako ni myrna at sinabing.. "magsisimba kami ng mga bata ngayon, hindi ka ba talaga sasama?" Dire-diretso akong umalis, ni hindi sinagot ang tanong nya..ni hindi ko sya nilingon..
Natapos ang libing, nagkaron ng konting inuman dahil bday ng asawa nun isa pa namin kumpare.. tama! Bday ! Naalala ko, b-day din pala ngayon ng aking asawa!
Kaya pala nya ako niyayang magsimba ngayon, dahil noon nasa palawan kami, kada may magbib-day samin mag-anak ay nagsisimba kami pagkatapos ay namamasyal o naglalakad lakad..
Dali dali akong umuwi ng bahay..
Ngunit wala pa akong nadatnan doon,
Naidlip muna ako sandali, at nagising ng hating gabi dahil kumalam ang aking sikmura..
Wala pa din ang mag-iina ko.
San pa kaya nagpunta yun?
Nagalit ako dahil mga ala-una na ay wala pa. Walang pagkain sa bahay at nagugutom ako.
Sa inis ko'y lumabas ako para bumili ng makakain.. may tumatawag sa likuran ko..
"Mario! Mario! "
"O boyet, humahangos ka, bakit anu yun?"sabi ko.
"Yung mag-iina mo, itinakbo sa ospital kanina, na-hit and run daw, bilisan mo yun panganay mo daw dead on the spot na pero yun 3 at asawa mo, sinusubukan pang i-revive." Ani boyet.
Natulala ako, hindi ako makakilos.
Tinapik lang ako ni boyet kaya bumalik ako sa huwisyo.
dali dali akong pumunta sa ospital...
Ngunit hindi ko na naabutang buhay ang aking mag-iina...
Wala akong ibang nagawa kundi umiyak na lang..
Bakit? Bakit sila kinuha sa'kin?
Ngayon ko naisip na kung sinamahan ko sila, hindi siguro mangyayari sakanila to..
Bakit ganun? Ang bilis ng mga pangyayari?
Ngayon, wala na akong uuwian mga anak at asawa..
Wala na'kong kasabay kumain, Wala ng maghahanap ng atensyon ko.. Wala ng maglalambing sakin at magsasabing "papa, penge piso.." Ang laki ng pagsisisi ko ngayon, Ni hindi ko man lang sila nagawang ipasyal o i-date man lang ang asawa ko gaya ng gusto nya..
Ni hindi ko man lang sila nasamahan magsimba dahil bday ni myrna.. Nawalan ako ng gana mabuhay,dahil sila pala talaga ang buhay ko.. Sila ang dahilan kung ba't ako nagpapakapagod magtrabaho..
Nasa huli talaga ang pagsisisi, Kaya't habang kasama nyo pa ang mga mahal nyo, pahalagan nyo sila..
Maging mabait kayo sa'kanila.. Maging maalaga at pagtuunan at bigyan ng oras dahil di nyo alam kung kailan sila kukunin ng diyos sa inyo. Hindi lang pala pera ang mahalaga, kundi ORAS at atensyon dahil di pala talaga kayo habambuhay magkakasama...
Naisip ko, kaya siguro sila kinuha ay para pagsisihan ko ang mga kasalanan ko.. Para malaman ko ang mga mali ko.. pero bakit ganun? Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para itama ko yun? Ang sakit sakit ng nangyari..
Ngayon, nakapiit ako ngayon dito sa city jail sa kasong hindi ko Naman ginawa.. ako ang itinurong pumatay sa isang bumbay.. ipinagkanulo ako ng aking barkada.
Barkada na mas pinili kong bigyan ng oras noon para sa pamilya ko. Barkada na mas pinahalagan ko kesa sa mga anak ko. Barkada na mas pinakisamahan ko kesa sa asawa ko..
Ilang taon na din akong walang dalaw dito.. nun una, nangako ang mga barkada kong dadalaw sila at tutulungan ako sa kaso ko,
Pero lahat ng yun di nangyari..
Nawala silang parang bula lahat..
Naiisip ko , kung andito si myrna, hindi nya ko hahayaan na magutom dito..
Ilalaban nya ang kaso ko..
Hindi ako mag-iisa ng ganito..
Pero wala na sya.. eto ng kapalaran ko.
Ang mabulok at mamatay ng mag-isa sa apat na sulok ng kulungang eto..
Miss na miss ko na kayo Myrna, Kayo ng mga anak natin.. Patawarin mo'ko sa mga nagawa ko at sa mga hindi ko nagawa.. Mahal na mahal ko kayo. Mga anak, patawarin nyo si papa ha.. At Myrna, patawarin mo ko. Happy b-day nga pala sayo.. at eto, hawak ko ang huling litrato natin, naalala mo? Yung sabi mong magpicture tayo..Lagi ko tong tinitignan.. miss na miss na kita myrna...
Sa lahat, sana may mapulot kayong aral sa buhay may-asawa kong ito. Sana hangga't may oras pa kayong magbago at maitama ang mga mali ninyo ay magawa pa ninyo hangga't may pagkakataon pa kayo.
Bigyan nyo ng oras ang pamilya ninyo dahil ang barkada, anjan lang yan, basta may pera ka't yayain mo sila'y dadating yan..
Wag nyo na sana hintayin pang mahuli ang lahat na maisip na ang barkada, nandyan lang sa saya.. andyan lang kapag may pera ka.. andyan lang kapag malakas ka.. Pero kayang kaya ka ding iwan ano man oras..
Pero ang pamilya? Sila ang talagang karamay mo sa lahat ng oras.. mapagipit ka man o meron ka...
Maraming salamat sa inyo..
-mario rm.96