22/09/2024
Isang taon, labing dalawang buwan, madaming linggo at tatlong daan at anim napu't Limang araw, Hindi halos mabilang na Oras, minuto at segundo kung kailan nagsimula ang Isang storya.
Nagsimula sa pagsilang ng Isang tao na hindi mo masasabi kung swerte o kamalasan lang ang dala nito.
Ilang segundo, minuto, Oras, araw, Linggo, buwan at taon naba ng siya ay isinilang sa mundong ito?
Maaaring Madaling bilangin ang taon, ngunit mahirap bilangin ang kanyang kamaliang paulit ulit na sumusulong.
Kamaliang pinapatawad ng Diyos, ngunit ginagawan ng panibagong storya ng iBang tao.
Napakagulo ng Mundo no? Dahil sa bawat patak ng bawat sandali hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari sayo, na sa malupit na mundong ito, na puro panghuhusga ng ibang tao ang maririnig mo kahit napakaliit na bagay lang naman ang kamaliang nagawa mo.
Hindi pa nila alam ang buong storya pero nandiyan agad sila, nanghuhusga.
Ilang kabutihan paba dapat ang gagawin upang mapagtakpan ang kamaliang nakatatak sa isipan ng mga taong uhaw sa Isang storyang walang katotohanan?
Ilang Buhay paba ang dapat mawala, para ang lahat ng tao ay magising sa katotohanan na Hindi lahat ng taong nagkakamali ay Isa ng pakawala.
Bakit ba kayo ay nanghuhusga sa mga taong walang iBang ginawa kundi magpakatatag para sa Sarili niya?
Hindi ba kayo naaawa? Wala naman kayong ambag sa Buhay nya pero nagagawa niyong manira.
Madaming nagsasabing ang pinakamagandang nangyayari sa Buhay ng Isang tao ay ang “Mabuhay sa mundong ito, at Makita ang nilikha ng Diyos para sa mga tao.” Ngunit, ibig kong tutulan ito.
Dahil Hindi masayang isilang sa mundong puno ng masalimoot na karanasan ang mangyayari sayo.
Maaaring itinakda na ito sa Isang Libro, maaaring sa bawat kabanata at pahina nito ay nakasulat ang mangyayari sayo.
Pero, Hindi naman siguro masamang sukuan at mapagod nalang bigla sa Buhay no?
Nakasulat padin ba sa pahina ng libro kung ano ang magiging kapalaran ng Isang tao?
Akala koba Tayo ang gumagawa ng Sarili nating kapalaran, ngunit bakit ganito?
Napakagulo, gumawa ka nang Tama kamalian nila ang makikita mo.
Madaming takot malamangan, madaming tao ang Madaling magbitaw ng salitang Hindi mo alam kung sinasadya o talagang nabigla lang.
Napakadami ng mga taong naghihirap dahil din sa mga kapwa taong takot masapawan.
Nakakalungkot lang, dahil sa mundong Diyos lang ang bumuo at nakakaalam ng mga mangyayari sa hinaharap ay ganito nalang ang aking nararanasan.
Na sa bawat patak ng ulan, at tunog ng mga kulog na parang ang Mundo ay pinaparusan, at sa bawat kidlat na nagliliwanag sa kadilim, may Isang taong nagdadalamhati na sana ay kunin na ang Buhay na kanyang hiniram.
Napakapait ng bawat sandaling hinawakan, na gusto ng bitawan. Kaya kong mamarapatin ng Diyos ay kaniya ng isasauli ang Buhay na hiniram ng Isang taong takot na sa Mundo at natatakot ng gumising sa panibagong bukas na alam niyang kakaharapin ay panibagong gulo.
Ilang taon paba ang hihintayin, ilang buwan paba ang dapat bilangin? Ilang Linggo paba dapat ang kanyang titiisin? Ilang araw paba ang kaniyang sisilayin? Ilang Oras paba ang kanyang dapat palipasin? Ilang minuto paba ang dapat niyang Panoorin? At ilang segundo paba ang pagtibok ng kaniyang damdamin? At lalong ilang patak paba ng kaniyang luha ang kayang paagusin?
“Tama naman sila, na magpahinga kalang huwag Kang susuko, pero paano kung sukong suko kana talaga at Hindi mo na kaya? Lalaban kapa ba? O magpapatuloy ka pero parang niloloko mo lang din ang iyong sarili na magiging maayos pa ang lahat kahit Hindi na.”- Ash*teriu
________
—DAISY
Official Fb Pages: Ang Salita ni Daisy
Username: Ash*teriu
Dump: Ash kieane Kayne
RA: Daisy N. Matre
[PHOTO NOT MINE CTTRO]