17/08/2024
NOT COFFEE RELATED ! 😍
Kapag nag-asawa ka hindi ka na pwedeng magdesisyon nang parang single ka pa din. Palagi mong ikokonsider ang asawa at mga anak mo.
Hindi na pwede ang biglaang labas kasama ng barkada.
Walang masamang makipagkita at lumabas kasama ng barkada. Pero dapat pinaplano. Pinaguusapan nyong mag-asawa ahead of time. Otherwise, para mo na ding binastos ang asawa mo.
Hindi kabaklaan o kamartyran ang pagtanggi sa invite ng barkada. It's okay lalo na para sa pamilyadong tao.
Kapag niyaya ka ng barkada mong lumabas bago ka magsabi ng "yes" konsultahin mo muna ang asawa mo kung okay lang sa kanya o baka mas kailangan ka nya sa bahay? O baka may plano kayong gawin na nakalimutan mo?
Bago ka magdesisyon konsultahin mo ang asawa mo. Bakit?
Una, hindi ka na single na walang maghihintay sa'yo sa bahay kung anong oras ka uuwi.
Pangalawa, anuman ang mangyari sa'yo mula sa mga bagay na gagawin mo ay asawa at mga anak mo ang unang mga taong maaapektuhan kaya dapat alam nila bawat kilos mo.
Pangatlo, ikonsidera mo ang sitwasyon ng asawa mo bago ka maghayahay!
Baka may sakit ang anak nyo at kailangan nya ng tulong mo?
Nakakalabas din ba sya katulad ng ginagawa mo?
Kapag ba biglaan din syang umalis kasama ng barkada okay lang din ba sa'yo?
Ano kaya ang nararamdaman ng asawa mo habang nagpapaka-ulirang ina/ama sya ay nagagawa mong magpakalasing kasama ng barkada?
Nag-asawa ka upang may kapartner ka sa buhay. Hindi yung partner mo lang sya kung kailan mo lang gusto.