16/12/2024
๐ฉ๐จ๐ณ๐ฐ๐ป๐จ| ๐ณ๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ โ ๐ฎ. ๐ช๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐
Inilarawan ni G. Cecile Capulong, isang tagapagsalita sa isinagawang Leadership Training, ang mga dumalo bilang "pinuno ng mga tupa"โisang malalim na metapora na naglalarawan sa papel ng isang lider sa kanilang nasasakupan.
โAng mga tupa, mabilis makalimot at madalas na nahuhulog sa mga bangin,โ giit niya, na nagbibigay-diin sa likas na kahinaan ng mga tagasunod na nangangailangan ng matatag at maalam na pamumuno.
Ayon sa kanya, ang mga tupa ay sumisimbolo sa mga estudyanteโmga indibidwal na madalas naliligaw ng landas at nangangailangan ng isang lider na magpapakita ng tamang direksyon at sasagip sa kanila mula sa mga pagsubok ng buhay.
Sa kanyang makabuluhang talumpati, masinsinan niyang tinalakay ang kahalagahan ng effective communication skills at conflict resolution bilang mahalagang aspeto ng pamumuno.
Bahagi ng kanyang sesyon ang pagpapalabas ng isang maikling pelikula na nagbigay-diin sa esensya ng pagkakaisa at pagtutulungan.
โKapag narealize natin ang kahalagahan ng pagtutulungan, doon nagkakaroon ng kulay at kahulugan ang ating buhay,โ aniya, na nag-iwan ng malalim na pagninilay sa mga kabataang lider.
Bukod kay G. Capulong, nagbahagi rin ng mahalagang kaalaman si Gng. Michelle Alonzo, na tumalakay sa konsepto ng time management.
Aniya, โIt is not about doing more, but doing what truly matters,โ na nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng tamang pagpaplano at pagtatakda ng prayoridad upang magtagumpay sa buhay.
Ang programang ito ay naglalayong palalimin ang kakayahan ng mga kabataang lider sa ibaโt ibang aspeto ng pamumuno, kabilang na ang masining na pakikipagtalastasan, maayos na pagresolba ng alitan, at epektibong pamamahala ng oras.
ULAT | Gabriella B. Patungan
LARAWAN | Eowyn Angela B. Alfon