28/05/2024
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa.
"Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.
Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?
Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.
Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."
Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog si Stella. Ang tinutukoy ng katulong ay ang kapatid at madrasta ni Charles. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ni Charles ay nasanay na siya sa pangmamaltrato ng mga ito sa kaniya. Tinitiis niya iyon dahil mahal niya ang asawa.
Umingos si Marimar nang ayaw siyang kausapin ng asawa ng amo. Hanga na talaga siya sa pagiging martir ng babae. Wala siyang nakikitang kaibigan nito o k**ag anak na dumalaw mula nang naging asawa ito ng amo niya. Ang alam niya lang ay malapit ang babae sa abuelo ng amo kaya ito ang napiling ipakasal sa apo nito.
Hindi pa tapos si Stella sa pagkain nang dumating ang hipag at biyanan. Siya agad ang hinanap at hindi manlang pinatapos pagkain bago nagsalita ng hindi maganda.
"Alam mo ba kung bakit hindi nakauwi kagabi si Kuya?" nang-uuyam na tanong ni Sophie kay Stella.
"Paano niya malaman eh tanga iyan." Nakakainsulto ang tawa ni Magda sabay agaw sa plato ni Stella at itinapon ang tirang pagkain sa basurahan.
Naikuyom ni Stella ang isang k**ao na nakapatong sa hita pero blangko ang mukha bago tumayo. "Bakit kayo narito?"
Inis na pinakatitigan ni Sophie ang mukha ni Stella. Parang wala itong pakiramdam sa tuwing makipag usap sa kanila. Kasing lamig ito ng kapatid niya at nakikita lang nila itong ngumiti kapag nasa paligid si Charles. Tulad ngayon, wala manlang reaction na mababasa sa mga mata nito.
"Tunta, bahay ito ng anak ko kaya hindi mo na dapat tinatanong kung bakit kami narito!" singhal ni Magda sa dalaga.
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Stella at tumitig sa ginang. "Madrasta ka lamang niya."
"How dare you! Ang bastos mo talaga at ang yabang kahit wala kang maipagmalaki sa pamilya namin! Sino ka para pagsalitaan ng ganiyan si Mommy, ha?" Galit na hinila ni Sophie ang mahabang buhok ni Stella.
Pilit na binawi ni Stella ang buhok na hawak ni Sophie ngunit mahigpit ang pagkahawak niyon. Napaigik na siya sa sakit ngunit hindi siya nagmakaawang bitawan nito ang buhok niya. Nang ayaw pa rin siyang bitiwan ay hinablot na rin niya ang buhok nito. Hindi para gumanti kundi para matakot ito at pakawalan na siya. Mas malaki siya kay Sophie kaya kawawa ito kapag pinatulan niya. Pinagtulungan na siya ng dalawa kaya hindi sinasadyang nahila niya ang buhok ni Sophie.
"What are you doing?"
Napatda si Stella nang marinig ang galit na tinig ng asawa. Mabilis siyang nabitawan ni Magda pero siya ay hindi agad nakahuma at hawak pa rin niya ang buhok ni Sophie.
"Charles, help your sister. Oh my, God, kawawa ang kapatid mo sa bruha mong asawa!"
Saka lang parang natauhan si Stella nang marinig ang iyak ni Sophie. Bago pa niya mabitiwan ang buhok nito ay mabilis na siyang natabig ni Charles sa balikat. Sa lakas niyon ay pasalampak siyang natumba sa sahig.
Sandaling natigilan si Charles nang makitang natumba ang asawa. Ngunit nang makitang maayos naman ito ay hinarap niya ang kapatid.
"Kuya, bakit siya ganiyan sa akin? Ipinagluto ko siya ng pagkain pero tinapon niya lang at hindi daw maganda ang lasa. Hindi pa siya nakuntinto at sinabunutan niya ako." Umiiyak na sumbong ni Sophie sa kapatid.
Kahit masakit ang balakang, pilit na tumayo si Stella at lumayo sa asawa. Galit na naman ito sa kaniya at alam niyang hindi siya nito pakinggan kapag nagpaliwanag. Lalo lalang itong magagalit at sabihing sinungaling siya.
Lalong dumilim ang aura ng mukha ni Charles nang makita ang pagkain sa basurahan. Matalim ang tinging ibinaling sa asawa.
"Hijo, huwag kang magalit sa asawa mo. Ako ang may kasalanan dahil mali ang naituro ko kay Sophie." Iniharang ni Magda ang katawan kay Stella.
"Mommy, bakit ba lagi mong kinakampihan ang babaing iyan? I tried my best upang maging ok kami pero sadyang masama ang ugali niya!" maktol ni Sophie sa madrasta.
Malungkot na napayuko na lamang ng ulo si Stella. Ang galing talaga magpa victim ng dalawa para lang masira ang pagsasama nila ni Charles. Ang akala niya ay maging ok na sila ng asawa dahil pumayag na itong lumipat sila ng bahay. Ngunit sinusundan pa rin siya ng mga kontrabida. Ayaw na ayaw ng mga ito sa kaniya dahil mahirap lang umano siya at gold digger. Ang gusto ng mga ito ay ang unang nobya ni Charles na nasa ibang bansa ngayon.
"Ewan mo po muna kami." Matigas na utos ni Charles sa madrasta.
"Hijo, palamigin mo muna ang ulo mo bago kayo mag-usap at baka magkasakitan lang kayo." Concern na pangungumbinsi ni Magda sa binata.
"I'm sorry."
Natigilan sina Sophie at Magda nang marinig ang sinabi ni Stella.
"Sophie, sorry, masama lang ang pakiramdam ko kaya naging maiksi ang pasensya ko." Pagpatuloy ni Stella habang nakayuko ang ulo.
Nainis si Sophie at umaaktong mahina si Stella at nagpapakabait. Kapag hindi siya gumawa ng paraan ay tiyak na mawawala na naman ang galit ng kapatid dito. "Kuya, hindi ako naniniwalang sincere siya sa paghingi ng tawad. Ilang ulit na niyang ginawa ito dahil takot siyang iwan mo."
Marahas na napabuntonghininga si Charles at napahawak sa sintido. Lalo lamang sumakit ang ulo niya at kulang pa siya sa tulog. Umuwi siya upang magpahinga sana ngunit ito pa ang naabutan.
"Honey, please forgive me. Hindi na mauulit, promise!" Itinaas ni Stella ang kanang k**ay at umaktong nangangako. Naluluha na rin siya hindi dahil sa lungkot kundi dahil sumisidhi ang sakit sa kaniyang puson. Ngayon lang nangyari ito at hindi niya alam kung bakit.
Nang mapansin ni Sophie na sumasakit ang ulo ng kapatid ay mabilis niya itong nilapitan. "Kuya, sorry, magpahinga ka muna."
Nagpatianod na lamang si Charles nang akayin siya ng kapatid papuntanta sa silid. Nakabubuti na rin ang huwag munang kausapin ang asawa at baka mapagbuhatan pa niya ng k**ay ito.
Nanghihinang napaupo si Stella sa upuan nang wala na ang magkapatid sa kaniyang harapan. Pero si Magda ay naroon pa rin at mukhang masaya sa nakikitang paghihirap ng kaniyang kalooban.
"Masakit ba? Kung noon ka pa bumibitaw ay hindi mo sana danasin ang lahat ng ito." Ngumiti si Magda kay Stella.
"Please, leave me alone!" kulang sa lakas na pagtataboy niya sa ginang. Talagang nanghihina siya at ayaw niyang makipag argumento pa sa ginang.
Inirapan muna ni Magda ang babae bago tumalikod at sinundan sina Sophie. Tama na madrasta lamang siya ng magkapatid. Pero mahal siya ng mga ito lalo na ni Sophie. Siya na ang kinilala ng mga ito na ina mula nang magkahiwalay ang mga magulang ng mga ito. Maliit pa noon si Sophie at malaki ang agwat ng edad nito kay Charles. Patay na ang asawa niya na ama ng magkapatid. Ang naiwan ay ang dominating abuelo ng mga ito pero alam niyang malapit na ring mamatay.
Mabagal na humakbang si Stella palabas ng kusina nang wala ng tao. Sapo ang tiyan at kinakabahan siya sa kakaibang nadarama ngayon. Wala siyang ibang maasahan ngayon kundi ang sarili lang. Ayaw niyang magkaroon ng malalang sakit. Tama na ang puso lang ang sumasakit dahil sa pagmamahal. Dinukot niya ang cellphone at may tinawagan.
Napangiti si Magda nang makitang umalis si Stella. Inutusan niya ang katulong na sundan ito at tingnan kung saan sasakay.
"Kuya ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Sophie sa kapatid nang makahiga na ito.
"Ayos lang ako, iwan mo muna ako."
Nakukunsensya napatitig si Sophie sa kapatid. Puro sakit sa ulo lang ang ibinibigay niya sa kapatid. Pero hindi niya mapilit ang sarili na tanggapin si Stella bilang asawa nito. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kaniya ng kapatid. Mahal na mahal siya nito pero nabawasan iyon mula nang maging asawa si Stella. Mas m*****a sa kaniya ang babae kaya ayaw niya rito. Kanina nga lang iyon nagpakumbaba at nagpatalo sa kaniya.
Nagmamadaling pumasok si Magda sa silid ni Charles. "Hijo, umalis si Stella at mukhang dinamdam ang nangyari kanina."
Mabilis na dinampot ni Charles ang cellphone na nasa maliit na lamesa. Tangkang tatawagan na niya ang asawa ngunit may biglang tumawag.
"Babe, I miss you!" matinis ang tinig ng babae mula sa kabilang linya.
"Si Elizabeth ba iyan, kuya?" nagagalak na tanong ni Sophie sa kapatid.
Tumango si Charles sa kapatid at walang salitang ipinasa rito ang tawagan. Bumangon siya at dumiritso sa bathroom.
"Hello, besh!" Halos tumalon na sa tuwa si Sophie at excited na makausap ang kaibigan.
"Nasaan ang kuya mo?"
Napalabi si Sophie at hindi siya binati ng kaibigan. "Nakasama mo lang si Kuya kagabi eh mukhang hindi mo na ako kilala." nagtatampo niyang sumbat sa kaibigan.
Napangiti si Elizabeth at pinagtawanan ang kaibigan."Baka nakalimutan mong ikaw ang una kong katagpo nang makauwi ako?"
Napangiti na rin si Sophie sa kaibigan. Ito ang gusto niya sa kaibigan, mahal siya nito at laging inaalala kahit noong nasa ibang bansa pa ito.
"Nasaan na ang bruha mong hipag?" tanong muli ni Elizabeth sa kaibigan.
Malapad ang ngiti habang kinukuwento ni Sophie ang nangyari kanina. Lumayo rin siya sa pintuan ng bathroom upang hindi marinig ng kapatid.
"Sa iyo pa lang ay kawawa na siya, paano na kapag ako ang kaharap?"
"Good idea, bakit hindi ka pumunta dito ngayon? Wala ang bruha at masama ang pakiramdam ni Kuya kaya pagkakataon mo na."
Napangiti si Elizabeth at nagustohan ang suhestyon ng kaibigan. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit at pupuntahan si Charles.
Hindi na rin nabura ang ngiti sa labi ni Sophie kahit wala na sa kabilang linya ang kaibigan. Ilalapag na sana niya ang cellphone ng kapatid sa k**a nang may biglang nag-message. Napamulagat siya nang makitang galing iyon kay Stella. Hindi na niya binasa ang buong message at nagmamadaling binura nang makitang bumukas ang pintuan ng bathroom.
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya.
"Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.
Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."
Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan.
Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila.
Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks buntisna pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya.
"Ipapaalam ko na po ba—"
Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari ka nang umalis, tatawagan kita kapag kailangan ko ang tulong mo."
Nagyuko ng ulo ang lalaking kahit may edad na ay matikas pa rin. Agad na sumunod sa utos ng dalaga at tahimik na nilisan ang silid.
Muling napangiti si Stella nang mapag-isa na lang sa silid. Kinuha ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa at tiningnan kung may reply ang asawa. Ngunit sa halip na message mula sa asawa, ang nag message sa kaniya ay si Sophie. Mabilis na nabura ang ngiti sa labi niya nang mabasa ang message.
"Huwag mo nang abalahin ang kapatid ko dahil dumating ang pinak**amahal niyang babae. Mas mahalaga si Elizabeth kaysa buhay mo."
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone matapos mabasa ang message ni Sophie. Talagang masukista siya sa sariling damdamin at binuksan pa niya ang video clip na kalakip ng message ng hipag.
Kusang tumulo ang luha sa mga mata habang pinapanood ang video. Mapait siyang napangiti nang makitang ngumiti si Charles sa babae nito. Kung kaharap niya lang ang babae ay tiyak na nahila niya ang buhok nito. Napahagulhol na siya ng iyak nang hinalikan nito sa labi si Charles at hindi manlang umiwas ang asawa niya. Ang sakit, hindi lang ang puso niya kundi pati ang tiyan niya. Mukhang ramdam ng anak niya ang sakit na nadarama ng kaniyang puso.
Putol ang video sa tagpong hinalikan ni Elizabeth ang asawa niya. Kilala niya ang babae, ito ang ingawan niya noong pakasalan siya ni Charles. Nagmakaawa pa ito sa kaniya noon na huwag nang sundin ang utos ng abuelo ni Charles. Ngunit mahal niya ang binata kaya natuloy ang kasal.
Ang akala niya ay nakuha na niya ang loob ni Charles sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila nito. Nagtiis siya at nagpakumbaba para lang mahalin siya nito. Nang magawa siyang angkinin ay sobrang saya niya noon kahit lasing ito. Naulit pa ng ilang beses pero pinaiinum siya ng gamot upang hindi mabuntis.
"Kaya ba madalas ay hindi na siya umuuwi ng bahay?" umiiyak na tanong niya sa sarili.
May isang buwan nang nabalitaan niyang nakabalik na ng bansa si Elizabeth. Ang akala niya ay nagawan ng paraan ng Don na hindi na muli makabalik ng bansa ang babae. Ngunit nakabalik ito at sa tulong tiyak ni Charles. Sa takot niyang manlamig na sa kaniya ang asawa nitong mga nakaraang buwan ay palihim niyang tinatapon ang pills.
"Anak, patawarin mo ang mommy. Nabuo ka dahil sa panlilinlang ko. Patawad at mukhang hindi na kita mabigyan ng buo na pamilya." Hinaplos niya ang sariling tiyan at hinayaan ang masaganang luhang dumaloy sa makinis niyang pisngi.
Isa pang buntonghininga ang ginawa niya at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw niyang pati ang anak ay mawala sa kaniya. Ngumiti siya para sa anak. Bawal siya ma stress kaya kailangan niyang magpakahinahon. Ipinangako sa sarili na huling luha na niya ito para sa asawa. Ngayong may buhay na kailangan niyang pangalagaan, kailangan niyang pairalin ang utak ngayon at hindi ang puso....
Babe, obvious na pinagtataksilan ka ni Stella. Marahil ay nabalitaan na niyang bumalik ako kaya naghanap agad siya ng lalaking sasalo sa kaniya mula sa kahirapan!"
Madilim ang anyo habang pinakatitigan ni Charles ang larawang kuha ng katulong mula sa labas ng kanilang bahay. Naka side view ang asawa niya sa larawan at inaalalayan ito ng lalaki papasok sa magarang sasakyan.
"I told you, kuya, mukhang pera ang babaing iyan. Nakahanap agad siya ng matandang lalaki at mapera." Inis na humalukipkip si Sophie sa harapan ng kapatid.
Blanko ang mukha na tumayo si Charles at tinalikuran ang tatlo. "Gabi na, magpahinga na kayo."
Mabilis na hinawakan ni Magda sa braso si Sophie upang pigilan na sa pagsunod sa kapatid nito. "Tama na, hija. Hayaan muna nating makapag-isip ang kapatid mo."
Nakasimangot na naipadyak ni Sophie ang isang paa dahil sa inis. Hindi siya kuntinto sa nakikitang reaction ng kapatid sa larawan.
Tumayo na rin si Elizabeth at hinarap ang kaibigan. "Kilala niyo ba kung sino ang lalaking nasa larawan?"
Sandaling natigilan si Magda at ngayon lang din naisip ang tanong ni Elizabeth. Pinakatitigan niya ang larawan. Hindi biro ang presyo ng sasakyang sumundo kay Stella. Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng tuxedo at mukhang kagalang-galang pero hindi pamilyar sa kaniya ang mukha nito.
"Mom, isa ba siya sa inutusan mo upang sirain sa mga mata ni Kuya ang babaing iyon?" tanong ni Sophie sa madrasta.
"Hindi ko siya kilala. Wala akong alam na may k**ag anak din siyang mayaman kaya hindi ko alam kung sino ang lalaking iyan."
"Never mind, huwag na po natin pag-aksayahang isipin kung sino ang tumulong sa kaniya. Ang importante ay napaniwala natin si Charles na may lalaki ng iba si Stella." Ngumiti si Elizabeth sa dalawa.
"Tama! Ang kailangan nating gawin ngayon ay siguraduhing wala nang awang maramdaman si Kuya para sa babaing iyon!" Inakbayan ni Sophie ang kaibigan at inakay na ito patungong silid na para dito.
Sa hospital, tulalang nakatitig lang si Stella sa kisame. Nagninilay sa kung ano na ang gagawin sa buhay. Iniisip pa lang na mamuhay na malayo sa asawa ay naiiyak na siya. Pakiramdam niya ay umiiyak na rin pati ang puso.
"Kapag nalaman niyang buntis ako, tiyak na pipiliin niya ako," kausap niyang muli sa sarili. Naalala niyang mahalaga sa pamilya nito ang anak.
"Tama, hindi niya hahayaang magkaroon ng bastardong anak kaya mapilitan siyang manatili sa tabi ko!" siya na rin ang sumagot sa sarili at napangiti.
Unti-unting pumikit ang mga mata na may ngiti sa mga labi. Kinalimutan na muna ni Stella ang unang pangako sa sarili kanina. Gusto niyang maging masaya ang anak paglaki nito at buo ang kanilang pamilya.
Hindi alam ni Stella kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lang siya na maliwanag na ang paligid. Pagtingin niya sa cellphone ay naka off iyon. Pa empty na ang battery niyon kagabi at wala siyang dalang charger.
"Good morning, kumusta ang pakiramdam mo?" bati ng doctor pagkapasok ng silid.
Ngumiti si Stella sa bata pang doctor. Mabait ito sa kaniya pero hindi nagbibigay ng buong information niya rito. "Maayos na po, doc, puwede na po ba akong lumabas?"
Sinuri muna ng doctor ang pulso ng dalaga pati ang dextrose nito. Paubos na iyon at maayos na rin ang heartbeat ng pasyente at bata na nasa sinapupunan nito.
"Resitahan kita ng gamot na pampakapit sa bata at vitamins. Sundin mo ang mga bilin ko at kailangan mong bumalik dito next week."
"Opo, maraming salamat po!"
"Wala pa rin ang asawa mo?" Inilibot ng doctor ang tingin sa paligid.
Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "parating na po siya at susunduin niya ako. Maraming salamat po muli."
Sandaling napatitig ang doctor sa dalaga bago ngumiti. "Alalahanin mong bawal kang ma stress. If you need someone to talk, maari mo akong lapitan."
Pinigilan ni Stella ang mapaluha at nakangiting tumango sa manggagamot. Alam niyang totoo ang concern nito sa kaniya kahit hindi naman sila close at kahapon lang nagkakilala.
"Iwasan mo ang maging emotional lalo na ang malungkot dahil nararamdaman iyan ng anak mo."
Marami pang sinabi ang manggagamot at payo sa kaniya na kaniya namang tinandaan. Pati ang maging mabuting ina ay itinuro rin sa kaniya. Mukhang ramdam nitong hindi maganda ang relasyon niya sa asawa.
Mabagal ang bawat hakbang na lumabas siya ng gusali ng hospital. Nilanghap ang hangin at isang buntonghininga ang pinakawalan sa bibig bago pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa bahay nilang mag-asawa at umaasang maayos na ang relasyon nila ni Charles. Pagkapasok niya ng bahay ay si Magda ang sumalubong sa kaniya. Mukhang doon natulog ang mga ito at hindi niya nagustohan ang tingin nito sa kaniya.
"Saan ka galing? Ang kapal ng mukha mo at nagawa mo pang magpakita rito matapos mong matulog sa labas kasama ang bago mong lalaki!"
"Magdahan-dahan po kayo sa pananalita at wala akong ibang lalaki." Pilit siyang nagpakahinahon at iniisip ang anak.
"Deny mo pa rin kahit may ebedensya na?" nang-uuyam na segunda ni Sophie.
Lumingon si Stella sa sala kung saan nakatayo ang hipag. Saka niya lang napansin ang asawa na nakaupo sa sofa. Agad na bumalatay ang sakit sa kaniyang mukha nang makita ang babaing katabi nito. Kung ganoon ay doon din natulog ang babae. Malinaw na sa kaniya ngayon na wala talaga siyang halaha sa asawa kahit nalaman nitong nasa hospital siya. Parang bigla siyang nanghina at hindi magawang ihakbang ang mga paa. Maging ang pagbuka ng bibig ay hindi niya rin magawa.
Napatikhim ang abogado na naroon nang mapansin ang aura sa mukha ni Stella. Bigla siyang naawa rito pero wala siyang magawa. Wala ang abuelo ni Charles at nasa ibang bansa dahil doon nagpapagamot. Alam ng lahat na naikasal ang dalawa dahil sa hiling ng abuelo ni Charles na may sakit. Ang akala nga nila ay mamatay na ang matanda noon. Pero nadugtungan pa kahit papaano ang buhay nito at pumayag na magpagamot sa ibang bansa nang maikasal ang dalawa.
Madilim ang aura ng mukha ni Charles habang nakatitig sa mukha ni Stella. "Kung kailangan mo talaga ng pera ay dapat nagsabi ka. Hindi mo manlang hinintay na makapirma ng divorce paper bago humanap ng ibang maperang lalaki."
Daig pa ni Stella ang sinasak sa puso dahil sa mga paratang ni Charles. Alam niyang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya pero nasaktan pa rin siya ngayon dahil iyon ang tingin sa kaniya.
"Total ay nagmamadali ka rin lang sa paghahanap ng ibang lalaking mas mapera kaya tapusin na natin ang ugnayan sa pagitan nagting dalawa ngayon araw ding ito."
Sabay na napangiti sina Sophie at Magda habang hinihintay matapos sa pagsasalita ni Charles. Si Elizabeth ay pinigilan ang pagngiti at nagbubunyi ang kalooban.
Pakiramdam ni Stella ay dinudurog na ang puso niya. Kahit anong pagmamatigas ng puso niya ay alam niyang bumalatay pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Bumalik na rin si Elizabeth kaya kailangan na nating mag-divorce." Iniwas ni Charles ang tingin sa mga mata ni Stella at parang dinadaya na naman siya ng sariling paningin. Tumayo siya at sininyasan ang abogado.
Tumayo si Daniel at lumapit kay Stella na mukhang natuod na sa kinatayuan. "Ms. Stella, ito po ang kailangan niyong pirmahan. Huwag kayong mag-alala at kapalit ng divorce paper na ito ay ang halagang limang milyon at ang bahay na ito upang hindi kayo maghihirap sa buhay."
Tulalang napatitig si Stella sa papel na inaabot sa kaniya ng abogado. Dalawa iyon at ang isa ay para sa makukuha niyang pera at bahay. Sa halip na mapaiyak ay napangiti siya. Natawa siya dahil sa sinapit ng kaniyang buhay ngayon. Marahil ay isipin ng nakatingin sa kaniya ngayon na natuwa siya sa maaring makuha. Pero lintik lang, talagang nasasaktan siya at dinadaan na lang niya sa tawa. Pag-angat niya ng mukha ay nagsalubong ang tingin nila ni Charles. Muli siyang napangiti, ang guwapo pa rin nito kahit malamig ang tingin sa kaniya. Gusto niyang ipakita rito sa huling paghaharap nila na masaya siya para dito. Masaya siya dahil maging masaya na ito sa piling ng babaing totoong mahal nito.
Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"
Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.
Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa.
"Kung naging mayaman ba ako ay mahalin mo rin ako?" wala sa sariling naitanong niyang muli.
"Ang tunay na pagmamahal ay hindi makasarili at mapagsamantala sa kahinaan ng taong mahal niya," malamig at mahahulugang tugon ni Charles sa babae.
Napayuko ng ulo si Stella at tinamaan ang ego niya sa mga sinabi ng asawa. Sandaling natahimik siya bago nagpasya.
Nagulat ang abogado nang walang salitang kinuha ng dalaga ang pen na hawak niya at pinirmahan ang divorce paper. Nilingon niya si Charles pero tumalikod na ito at iniwan sila.
Parehong hindi makapaniwalang napatitig sina Magda at Sophie kay Stella. Hindi nila inaasahang mapapirma nila ito na wala ng gulong naganap o pilitan.
"Huh, lumabas na talaga ang tunay mong kulay. Pinatunayan mo ngayon na mukhang pera ka talaga at hindi totoong mahal mo si Kuya!" inis na sumbat ni Sophie sa babae. Siya ang nasasaktan para sa kapatid.
"Sophie, huwag ka nang mag-aksaya ng laway sa babaing iyan. Ang isang gold digger ay walang puso at puro panlilinlang ang nasa katauhan." Hinawakan ni Elizabeth sa braso ang kaibigan.
"Hangad ko ang kaligayahan ng kapatid mo kaya ko siya pinapakawalan ngayon."
Sandaling natigilan si Sophie nang mabanaag ang lungkot sa mga mata ni Stella kahit nakangiti ito.
Binalingan ni Stella si Elizabeth. "Pinauubaya ko na sa iyo ang pag-aari ko. Alagaan mo siya. Hirap siyang makatulog sa gabi kapag walang katabi."
Inis na nag-iwas ng tingin si Elizabeth. Nainsulto rin siya sa sinabi nito na para bang ipinamumukha sa kaniya na tira na lang nito ang ibinibigay sa kaniya.
"Ms. Stella, ito pa ang kailangan niyong pirmahan." Inilahad ni Daniel ang isa pang papel sa harapan ng dalaga.
Napabuntonghinga si Stella at tinitigan lang ang papel. Iyon ang kasunduan kalakip ng pera.
"Huwag kang magmamadaling maangkin ang bahay na ito. Hintayin mong mahakot ang gamit ni Charles at—" hindi natapos ni Magda ang sasabihin nang biglang tumalikod si Stella.
"Hindi ko iyan kailangan. Pakisabi na salamat sa tatlong taon na pagkupkop sa akin."
Tulalang napasunod ang tingin ni Daniel sa tumalikod na dalaga. Hindi siya makapaniwalang hindi interesado sa pera at bahay ang huli.
"Ms. Stella, paano ang mga gamit mo?" Habol ni Marimar sa dalaga bago pa ito makalabas ng bahay.
"Sa iyo na ang lahat ng iyon," ani Stella habang patuloy sa marahang paghakbang palabas ng pintuan. Kailangan na niyang umalis habang may lakas pa ang mga tuhod sa paghakbang.
"Huh, ang yabang! Gusto niya lang kayong kunsensyahin at kaawaan siya kaya tinanggihan ang pera!" Inis na naibulalas ni Elizabeth.
Parang natauhan na napakurap si Sophie. Hahabulin niya sana si Stella at mukhang may dinadamdam ngunit pinigilan siya ni Magda.
"Huwag kang maawa sa kaniya. Alalahanin mong diyan siya magaling. Hindi dapat malaman ng kapatid mo na hindi niya tinanggap ang pera."
Wala sa sariling napatango si Sophie sa ginang. Nakita niyang sumakay sa isang taxi si Stella at tanging handbag nito ang dala sa pag-alis. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nakaramdam siya ng awa kay Stella. Naitanong niya sa sarili kung tama ba ang ginawa niya rito.
"C'mon, girl, hindi ka dapat maawa sa babaing iyon. Dapat tayong magpakasaya dahil malaya na ang kapatid mo at matupad na rin ang pangarap ko na maikasal kay Charles."
Ngumiti si Sophie sa kaibigan at tumango. Kinuha niya ang papel na hawak ng abogado at kailangan niya itago iyon. "Sabihin mo kay Kuya na dinala ni Stella ang kopyang ito."
Napilitang tumango si Daniel sa dalaga. Agad niyang sinundan sa library si Charles.
"Tapos na ba niyang pirmahan lahat ng papelis?" Nanatiling nakaharap si Charles sa binata.
"Yes," tanging sagot ni Daniel at ipinatong ang pinirmahan ni Stella sa lamesa.
Napatingin si Charles sa divorce paper. Hindi nga siya namalikmata lamang kanina. Talagang pinirmahan ni Stella ng bukal sa loob ang papel. Samantalang dati ay nagmamatigas ito kahit inalok niya ng malaking halaga. Naisip niyang marahil ay wala itong matirhan kaya isinama na niya ang bahay na ito.
"Sigurado ka bang wala kang pagsisihan sa biglaang disisyon mong ito?" naitanong ni Daniel habang mataman na pinagmamasdan ang kaibigan.
Sa halip na sagutin ang kaibigang abogado ay nagsalin si Charles ng wine sa baso. Tinagayan niya rin ang kaibigan at nakipag toast dito.
Hindi na muling nagtanong pa si Daniel sa kaibigan. Sinamahan niya ito sa pag-inum at alam niyang kailangan iyon ng kaibigan.
Masayang pinasok ni Marimar ang silid ni Stella at namili ng nagustohang gamit. May mga alahas din pero nag-alinlangan siyang kunin iyon. Ang sabi naman ni Sophie ay kaniya na nga lahat iyon pero kinakabahan siya. Well, saka na niya angkinin iyon kapag paalis na sila sa bahay na ito. Isasara na muna niya iyon upang walang ibang makakapasok.
Nag-inum na rin sina Sophie, Magda at Elizabeth bilang pagsilibra sa pagkawala sa buhay nila ng taong tinik sa kanilang lalamunan.
Mariing naipikit ni Stella ang mga mata at pilit pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Kailangan niyang kumalma at kumirot muli ang kaniyang tiyan. Naipagpasalamat niya at may natira pa siyang pera na pamasahe sa taxi. Nagpahatid siya sa hospital at natatakot siyang mawala ang ipinagbubuntis dahil hindi tumitigil ang pagkirot ng tiyan.
Kahit nanghihina ay naisip niyang tawagan ang sumundo sa kaniya kahapon. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang patay ang cellphone. Hindi pa rin pala niya nai-charge iyon. Nang makita ang medical result niya ay nakuyumos niya iyon. Walang ibang dapat na makaalam tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Mabuti na lang at mabait ang taxi driver. Inalalayan pa siya nito at hinatid hanggang sa loob ng hospital.
Nang mabalitaan ng doctor na bumalik ang pasyente niya ay dali-dali niya itong inasikaso. Sobra siyang nag-alala nang makitang nagkaroon ito ng blood spot. Hindi na niya ito tinanong nang makitang nagsusumamo ang tingin sa kaniya.
"Huwag mo hayaang mawala ang anak ko!" Pagmakaawa ni Stella sa manggamot.
Malungkot na tumango ang doctor sa dalaga. Agad niyang tinurukan ito ng pampaampat sa pagdurugo at pinagpahinga. Hanga rin siya sa tapang at lakas ng loob nito. Nagawa nitong makabalik na mag-isa lang upang mailigtas ang anak na nasa sinapupunan nito.
Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ni Stella at may tiwala siya sa doctor. Hinayaan niya ang sariling k**alayang magpatangay sa karimlan. Gusto niya ring makalimot pansamantala at napapagod na ang puso niyang nasasaktan.
"Doc, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng nurse nang maabutan muli sa silid ng pasyente ang manggaamot.
"Hintayin ko lang siyang magising." Sagot ni Jenny sa nurse. Ilang oras na ring nakatulog ang pasyente niya at sinisilip niya ito sa tuwing wala siyang ginagawa.
Nagising si Stella dahil sa ingay na naririnig. Pagmulat niya ng mga mata ay agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan.
"Don't worry, malakas ang kapit ni Baby."
Matipid na ngiti ang pumaskil sa labi ni Stella nang makilala ang doctor. "Maraming salamat! Tatanawin kong utang na loob itong pag-asikaso mo sa akin."
"Trabaho ko ang magligtas ng buhay. Baka may kailangan ka na maari akong makatulong?"
Napatingin si Stella sa orasan na nasa dingding. Gabi na pala at nakaramdam na rin siya ng gutom.
"May pinahanda akong pagkain na nakabubuti sa inyo ng baby mo."
"Maraming salamat, maari ba akong makahiram ng cellphone?"
Walang pag-alinlangan pinahiram niya ang cellphone sa dalaga. May cellphone ito pero nakita niyang naka off iyon.
Naipagpasalamat ni Stella at saulado niya ang number ng taong lagi niyang hinihingan ng tulong tulad ngayon. "I need your help."
Mataman na pinagmasdan ni Jenny ang pasyente. Nakikita niyang dalawa ang personality ng babae ayun sa taong kausap nito.
Hindi na pinatagal ni Stella ang pakipag-usap sa lalaki. Pagkabigay ng lugar kung nasaan siya ay ibinalik na niya ang gadget sa doctor.
"Kailangan mo ba ng charger para sa cellphone mo?"
"Hindi na po, salamat!"
"Well, kung wala ka nang kailangan ay aalis na ako. Huwag kang mag-alala at ibinilin kita sa pang night shift na doctor at nurse."
Muli siyang nagpasalamat sa mangaggamot. Nang wala na ito ay pinilit niyang makabangon at kailangan niyang kumain. Kahit walang gana ay hindi siya maaring magutom para sa kaniyang anak.
Malungkot ang gabi niya kahit dumating na ang tinawagan kanina.
"Babalik na po ba kayo sa bahay niyo?" magalang na tanong ni Alex sa dalaga. Nang tumango ito ay napangiti siya. "Tiyak na matutuwa ang iyong ama."
Mapait na ngumiti si Stella sa ginoo. Ang pagbalik sa poder ng ama ay nangangahulugan lamang ng pagsuko sa kalayaan niya sa lahat ng bagay.
"Huwag kang mag-alala, hija. Tiyak na mapabuti ka na at hindi na danasin ang buhay na naranasan mo sa piling ng iyong asawa."
Inis na nag-iwas siya ng tingin sa ginoo. Nitong huli na lang niya nalaman na lihim siyang pinasusubaybayan ng ama at inaalam ang kaniyang sitwasyon.
"Naayos ko na po ang lahat at maari ka nang lumabas."
Mabilis na inayos ni Stella ang sarili at bumaba ng k**a. Walang imposible kapag ang ama niya ang kumilos.
"Your phone."
Mabilis niyang inagaw mula sa ginoo ang phone at sinira iyon. Pinutol niya rin ang sim card bago itinapon sa basurahan. Ang cellphone ay ibinato niya sa dingding kaya nagkapira-piraso iyon. "Linisin niyo ang silid bago lumabas."
Nagmamadaling dinampot ni Alex ang kalat sa sahig at itinapon iyon sa basurahan. Masaya siya at bumalik na ang dating Stella.
"Babe, good morning!" Masiglang bati ni Elizabeth sa binata nang maabutan ito sa kusina at nagkakape.
Nangunot ang noo ni Charles nang makita ang dating nobya. Inilibot niya ang tingin sa p