01/05/2021
Early Registration for S.Y. 2021-2021 Extends until May
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4644000505659607&id=359105487482485
๐๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ, ๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข!
Maaari pa ring magpatala ang mga incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners ngayong darating na school year sa pamamagitan ng remote o in-person registration.
Bagama't magsasara sa Abril 30, 2021 ang early registration period, patuloy na tatanggap ang mga paaralan ng early registrants hanggang sa katapusan ng Mayo upang mas mabigyan ng oras ang mga magulang na maipatala ang kanilang mga anak, ayon kay Usec. Jesus Mateo.
Upang makapagpatala, i-download lamang ang Modified Basic Education Enrollment Form sa link na ito (https://bit.ly/BEEF2021) at ipasa sa alinman sa mga sumusunod na paraan:
๐ข๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ผ ๐ง๐ฒ๐
๐
Maaaring mag-email, mag-chat, mag-text, o tumawag sa paaralan upang ibigay ang mga hinihinging impormasyon.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Maaaring magpasa ng form sa mga Early Registration Desk sa mga paaralan. Tanging mga magulang at guardian lamang ang pahihintulutang gumawa nito.
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐
Maaaring kumuha at magpasa ng form sa mga dropbox sa mga barangay hall ang mga magulang at guardian.
Paalala, maaari lamang gawin ang in-person o face-to-face na pagpapatala sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ. Mahigpit na susundin dito ang mga health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Mananatili namang remote ang pagpapatala sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, MECQ, at ECQ.