27/02/2024
Mahigit 900 Indibidwal Benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Community Mobilization and Outreach Program ng Isabela PNP
Sa pagdiriwang ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People's Power, isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa ng kapulisan ng Isabela na kung saan naging benepisyaryo ang mahigit sa siyam na daang indibidwal sa tinatawag na Bagong Pilipinas Community Mobilization and Outreach Program, sa Sitio Lagis, Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela noong ika-25 ng Pebrero, 2024.
Pinangunahan ni Provincial Director PCOL LEE ALLEN B BAUDING, kasama sina PLTCOL RUBEN M MARTINEZ, Force Commander ng 1st IPMFC; PLTCOL LORD WILSON J ADORIO, COP ng Ilagan Component City PS; IPPO-PCADU led by PMAJ ANGELO S PAGULAYAN, Acting Chief ng IPPO PCADU; 201st MC, RMFB2 ; Provincial Explosives and Canine Unit ; at RPCADU2, maging ang mga barangay officials ng Brgy. Sindun Bayabo sa pangunguna ni Hon. Levy Mateo, Brgy. Chairperson; Magat Golden Eagles Club; Star Chime Enterprises; Department of Agriculture-Cagayan Valley Research Center; at City of Ilagan Health Office 2 at ibang lokal na pamahalaan ang naturang aktibidad.
Maayos na naisakatuparan ang aktibidad na tinatawag na Project LABB (Law Enforcement, Anti-Illegal Drugs and Criminality, Bureau Transformation, and Building Community Relations) at Project SOAP (Sustainability, Organic, Antibacterial, and Performance) para sa mga mamamayan. Tampok din ang pagbabahagi ng kapulisan ng Isabela ng Food Packs, Vegetable Seedlings, School Supplies and Books, Assorted Medicines and Vitamins, Sandals and Slippers, Live Chicken, Feeding Activity, Libreng Gupit, Free BP Monitoring, Tree Planting Activity, Lecture, at Dialogue na nagbigay saya sa mga residente ng naturang lungsod.
Layunin ng aktibidad na maiparating ang tulong para sa mga kababayan na nangangailangan, sa tulong ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba pang mga stakeholders. Patuloy na paigtingin pa ng Pambansang Pulisya ang pagpapatupad ng batas at ang uganayan ng kapulisan at mamamayan para sa inaasam na payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: https://www.facebook.com/share/p/NsteGCcv6qeteQTG/?mibextid=oFDknk