12/12/2024
๐๐๐๐๐๐ผ๐: ๐๐๐ง๐๐ ๐ซ๐๐ฆ๐๐๐ค, ๐ข๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐
Upang bigyang-halaga ang kultura, tradisyon, at kontribusyon ng iba't ibang pangkat etniko, idinaos ng ๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐ฎ (CET) ng Ifugao State University-Potia ang taunang pagdiriwang ng Panagrambak na may temang "Pamanang Kordilyera: Tangkilikin, Pagyamanin, at Panatilihin," ika-12 ng Disyembre.
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang ritwal na pinamunuan ng mga mag-aaral na may lahing Ifugao-Ayangan at pinangunahan naman ni Bhelmon B. Bacuyag ang Uggayam, isang awitin ng mga Kordilyeran sa mga okasyon.
Binigyang-diin naman ni G. Jeffrey M. Buza, tagapagturo ng ๐พ๐ค๐ง๐๐๐ก๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐๐ at tagapangasiwa ng Sosyokultural ng CET, ang patuloy na paggamit at pagsasanay sa mga kulturang mula sa mga ninuno.
"๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ข๐๐๐ ๐๐จ ๐๐ฃ ๐๐ข๐๐ค๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐ค๐ ๐ค๐ช๐ง ๐๐ค๐ข๐ข๐๐ฉ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐ฉ๐ค ๐๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ, ๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ, ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐๐ง๐ซ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ ๐ค๐ช๐ง ๐ง๐๐๐ ๐๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ก ๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐๐," litanya pa ni G. Buza.
Samantala, ipinakilala naman ni Dr. Domingo Junior P. Ngipol, Dekano ng CET, ang panauhing tagapagsalita na si Hon. Gaspar B. Chilagan Jr., Alkalde ng Aguinaldo, Ifugao.
"๐๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ ๐๐จ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐จ ๐ช๐จ ๐ฉ๐ค๐๐๐ฉ๐๐๐ง ๐๐ก๐ก๐ค๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ช๐จ ๐ฉ๐ค ๐๐ค๐ง๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฉ๐ ๐ค๐ช๐ง ๐ซ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐จ," ani ni Hon. Chilagan.
Sinundan naman ng Uminum Hi Fajah (๐๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ ๐๐ค๐๐จ๐ฉ) ang selebrasyon at iba't ibang Manalep (๐พ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ก ๐ฟ๐๐ฃ๐๐๐จ) katulad na lamang ng Henanga, Magkhor, Kalleto, Ennaporan, Tontak, Bumbuwak, Ragragsakan; Munnuway(๐พ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ก ๐๐ค๐ฃ๐๐จ) kabilang na ang Aligkhujon, Akhinnaja, Hang-Hangngey, Efangacha Adni, Mafurog Taaw, Lagkunawe Hen Fiyeg-O, Ikkanetam A Ga'Dang, at Wara Sin Kaabbing Ko.
Bago matapos ang pagdiriwang, nagkaroon ng Lumlumfis (๐พ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ก ๐๐๐ข๐๐จ) ang mga mag-aaral tulad ng Labba Race, Guyyudan, Akkad, Ongot, Hanngul, Hinnukting, Hiwwo', at Hawwet na sinundan naman ng sayaw pangkomunidad at Hamul (๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ช๐ฃ๐๐).
Ang Panagrambak ay isang mahalagang hakbang tungo sa paglikha ng isang mas inklusibo at nagkakaisang komunidad.
Photojournalists: Billy Juan
Harlon Bryle Sagun
Writers: Kim Julian
Billy Juan