Ang Mamamahayag

Ang Mamamahayag Direkta sa pinagmulan. ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜: Catherine R. Discorson
๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜: Shefern Gwyneth M. Cuaresma
๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜: Reign I.

Veruasa
๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป: Alexis Coleen T. Choy

๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น: Elyzhia De Varaz
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ: Arabella Czarina Saga
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป: Katherine Q. Canama
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€: Jannah Mariz Jamili
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ: Ernest John N. Gabonada

๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด: Allyssa Aisha Perez
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ: Jan Peter A. Reillo/Shefern Gwyneth M. Cuaresma
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐˜€๐—ฎ

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ: Lindsay Biyo
๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป: Vice Navarro

๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข:
โ€ข Gng. Aleli Dasmariรฑas
โ€ข G. Rolando Nerpiol, Jr.
โ€ข Gng. Glenda Daproza
โ€ข Gng. Riel Fretzie Lou Sagot

๐‘ฉ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต: ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐‘บ๐‘ท๐‘ช 2024Isang pagbati sa mga estudyanteng-dyorno na nakakuha ng gan...
29/03/2024

๐‘ฉ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต: ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐‘บ๐‘ท๐‘ช 2024

Isang pagbati sa mga estudyanteng-dyorno na nakakuha ng gantimpala sa iniraos na Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap noong Marso 22-23, 2024 sa Glan School of Arts and Trades, Glan, Sarangani Province.

Nawaโ€™y ipagtuloy ninyo ang pagpapalaganap ng katotohanan at mamayagpag sa larang ng dyornalismo. Ang inyong sakripisyo at pagmamahal sa larang na ito ay magsilbing motibasyon sa patuloy na paglilingkod bilang isang mamamahayag. Muli, isang papuri sa lahat ng mga nagwagi!


๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’ ๐๐Ž๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐ˆ๐ŽMaligayang pagdiriwang ng Araw ng Kapanganakan ni Andres Bonifacio!Isa siya sa m...
30/11/2023

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’ ๐๐Ž๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐ˆ๐Ž

Maligayang pagdiriwang ng Araw ng Kapanganakan ni Andres Bonifacio!

Isa siya sa mga bayani ng ating bansa na nagtaguyod ng kalayaan at katarungan. Sa araw na ito, ating gunitain ang kanyang kabayanihan at dedikasyon sa paglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Patuloy natin siyang gunitain at isabuhay ang kanyang diwa sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan at pagtulong sa kapwa.


๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†Sa Araw ng mga Mamamahayag, ipinagdiriwang natin ang tapang, husay, at sakripisyo sa pagharap ng ...
19/11/2023

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†

Sa Araw ng mga Mamamahayag, ipinagdiriwang natin ang tapang, husay, at sakripisyo sa pagharap ng hamon ng mga mamamahayag sa kanilang propesyon. Bilang mga manunulat ng mga makatotohanan at tagapagdala ng kaalaman, binibigyang-pugay natin ngayong araw ang ating mga MAMAMAHAYAG sa kanilang paglilingkod, hindi lang sa ating paaralan kundi pati narin sa ating lipunan.

Sa bawat salita at larawan na inyong ibinabahagi, bawat kwento na buong tapang ninyong inilalathala, bawat impormasyon na may layuning magpa mulat ng kamalayan at kaalaman. Kayo ang nag sisilbing boses ng mga naaapi at tagapagtaguyod ng kalayaan sa pamamahayag.

Maraming salamat sa inyong walang sawang dedikasyon sa larangan ng pamamahayag! Kami ay sumasaludo sa inyo! Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga manunulat, mamamahayag at tagapagbalita! Ang inyong dedikasyon ang nagsilbing inspirasyon para sa aming mga kabataan na ipagpatuloy ang pagpapakalat ng makatotohanang balita.


๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Intramurals 2023: Pagsiklab ng Gintong Espiritu ng Pagkakaisa Sa isang masiglang pagtatanghal ng pagkakaisa, op...
13/11/2023

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Intramurals 2023: Pagsiklab ng Gintong Espiritu ng Pagkakaisa

Sa isang masiglang pagtatanghal ng pagkakaisa, opisyal nang binuksan ng Alabel National Science High School ang kanilang Intramurals na may temang "REAVIVAR 2023: "Reinflaming the Golden Spirit of Companionship," na matagal nang hinihintay ng buong institusyon. Ang pagdiriwang ay opisyal na binuksan at sinimulan noong ika-10 ng Nobyembre 2023, sa pamamagitan ng masiglang parada na tampok ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang.

Itinampok ang pagbubukas ng Intramurals ng Performance Artists' Club, na naghandog ng nakakabilib na palabas sa Youth Center. Si Ginoong Maximo R. Cabanlit, ang iginagalang na punong-g**o ng paaralan, ay nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng malusog na kompetisyon at samahan sa paaralan. Isang masigasig na g**o sa MAPEH na si Ginoong Juliuz Ian Julian ay nagbahagi ng layunin ng Intramurals, na nagtuon sa kahalagahan ng pisikal na kahandaan, pagtutulungan, at malusog na diwa ng kompetisyon. Si Shania Flores, isang mag-aaral sa Grade 11, ay nagdala ng pag-asa at sigla sa pamumuno ng Panunumpa ng Sportsmanship. Si Gng. Marv Athena Villanueva, ang respetadong MAPEH Club Adviser, ang nagdeklara ng opisyal na pagsisimula ng Intramurals, na nagbahagi ng kanyang kasiyahan para sa mga darating na araw ng pagkakaisa at kumpetisyon.

Habang ang simbolikong pagbibigay liwanag sa sulo at pagtaas ng bandila ay pinangunahan naman ng mga kinatawan mula sa iba't ibang baitang, na sumasagisag ng pagsisimula ng masiglang kumpetisyon. Buong araw ay puno ng saya at sigla sa pagsisimula ng kumpetisyon sa tagisan ng talento at team spirit ng mga kalahok mula sa iba't ibang koponan ng bench yell at mass dance competitions. Sa pagsisimula ng mga kaganapan sa Intramurals, umaasa ang buong paaralan sa mga hindi malilimutang karanasan na hindi lamang nagbibigay-diin sa kahusayan ng mga mag-aaral sa palakasan kung hindi nagpapatibay din ng natatanging diwa ng institusyon.

Balita ni Chyle Chelsea Gallo
Larawang kuha ni Christian Oliver Mozo


๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐˜Sa pagkislap ng munting liwanag ๐Ÿ•ฏ๏ธ nawaโ€™y mahanap niyo ang kaharian ng kapayapaan at lihim na kaligayah...
02/11/2023

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐˜

Sa pagkislap ng munting liwanag ๐Ÿ•ฏ๏ธ nawaโ€™y mahanap niyo ang kaharian ng kapayapaan at lihim na kaligayahan sa kabilang buhay.

Atin nang nakasanayan bilang mga Kristiyano ang pagdiriwang ng Araw ng mga Patay tuwing ika-2 ng Nobyembre. Ito'y isang mahalagang okasyon na nagpapakita ng ating pag-aalala at pagmamahal para sa ating mga yumaong mga kaanak at minamahal. Sa araw na ito, ipinagdarasal natin ang kanilang mga kaluluwa, na ngayon ay nasa kabilang buhay na. Bagamat wala na sila sa harap ng ating mga mata, hindi nawawala ang pagmamahal natin sa kanila. Bagkus, ito'y patuloy na namumuhay sa ating mga puso.

Sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang mga puntod at pag-aalay ng mga kandila, patuloy nating pinapakita ang ating pagmamahal at pag-aalala. Sa ganitong paraan, ang mga alaala ng mga yumaong mahal natin ay patuloy na buhay sa ating puso.


๐Ÿ•ฏ
-alalaSaMgaYumao

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐๐“๐ŽNgayong ika-1 Nobyembre, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Santo bilang pagkakataon na alalahanin at paran...
01/11/2023

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐๐“๐Ž

Ngayong ika-1 Nobyembre, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Santo bilang pagkakataon na alalahanin at parangalan ang lahat ng mga santo at banal na nagbigay-inspirasyon sa ating buhay. Ito'y hindi lamang isang tradisyon, kundi isang pagkakataon para tayo'y magmuni-muni sa mga halimbawa ng kabutihan at pananampalataya ng mga santo. Sa araw na ito, alalahanin natin ang mga banal na pumanaw at patuloy na magbigay-pugay sa kanilang alaala.


๐Ÿ•ฏ

๐”๐˜! ๐Š๐”๐Œ๐”๐’๐“๐€ ๐€๐๐† ๐ˆ๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐”๐‹๐ˆ๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’?Lumabas ba lahat ng pinag-aralan mo? O mas nanaig ang mek...
28/10/2023

๐”๐˜! ๐Š๐”๐Œ๐”๐’๐“๐€ ๐€๐๐† ๐ˆ๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐”๐‹๐ˆ๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’?

Lumabas ba lahat ng pinag-aralan mo? O mas nanaig ang mekus-mekus mong mga galawan?

Pagbati para sa matagumpay na pagtatapos ng pagsusulit para sa unang markahan ng akademikong taon 2023-2024! Nawa'y gamitin niyo ang mahaba-habang linggo na walang pasok upang magpahinga at mag-aliw-aliw.

Ipaalam sa amin ang inyong naramdaman sa dalawang araw na pagsusulit sa pamamagitan ng pag-react!



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’‚๐’˜๐’…๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’Š๐’Ž๐’Š๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ฎ.Sa pagbabalik ng 'Ang Mamamahayag' nagsagaw...
26/10/2023

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’‚๐’˜๐’…๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’Š๐’Ž๐’Š๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ฎ.

Sa pagbabalik ng 'Ang Mamamahayag' nagsagawa ang mga kasapi ng pahayagan ng isang awdisyon upang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na nais maging bahagi ng bagong yugto ng publikasyon.

Ginanap ang awdisyon noong ika-20 ng Oktubre 2023, kung saan nag awdisyon ang mga nagmimithing maging mamamahayag para sa kategorya ng mga manunulat ng balita, isports, agham at teknolohiya, lathalain, pangulong tudling, at editoryal kolum. Kabilang rin ang kategorya sa pag-wawasto ng sipi at pag-uulo, editoryal kartunist, at mga fotojournalist.

Maghintay sa mga susunod na anunsyo patungkol sa mga mag-aaral na nakapasa at opisyal na magiging miyembro ng 'Ang Mamamahayag'.

Tumutok sa susunod pang mga anunsyo!

๐Ÿ“ท: Klein Arpa



๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ, ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ฎ!Ito na ang araw na inyong pinakahihintay. Sa lahat ng mga nais maging kasapi ng 'Ang Mamamahaya...
20/10/2023

๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ, ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ฎ!

Ito na ang araw na inyong pinakahihintay. Sa lahat ng mga nais maging kasapi ng 'Ang Mamamahayag' ang awdisyon ay gaganapin na ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’:

Oktubre 20, 2023
Sa araw na ito mga MANUNULAT lamang ang magkakaroon ng awdisyon.
Manunulat ng:
โ€ข Balita
โ€ข Isports
โ€ข Agham at Teknolohiya
โ€ข Lathalain
โ€ข Pangulong Tudling
โ€ข Editoryal Kolum
Pag-wawasto ng Sipi at Pag-uulo
Editoryal Kartunist
Fotojournalist

Ang awdisyon ay gaganapin sa ๐™Ž๐™ƒ๐™Ž ๐˜ฝ๐™๐™„๐™‡๐˜ฟ๐™„๐™‰๐™‚ mamayang 2:40 hanggang 4:30 ng hapon.

Gud lak at magkita-kita tayo mamaya mga manunulat!



๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!------------------------------------------------------------------Ang opisyal na pahayagan ng paaralan ay nagbub...
18/10/2023

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!
------------------------------------------------------------------

Ang opisyal na pahayagan ng paaralan ay nagbubukas ng pinto para sa mga mag-aaral na nais maging opisyal na kasapi ng publikasyon.

Bibigyang PALUGIT ang mga nais maging parte ng aming publikasyon.

Narito ang magiging iskedyul ng mga gaganaping awdisyon:
โ€ข Oktubre 19, 2023 - huling araw ng aplikasyon para sa awdisyon, hanggang 11:59 PM lamang tatanggap ang publikasyon ng mga aplikante
โ€ข Oktubre 20, 2023- aktwal na awdisyon ng mga aplikante
Manunulat ng:
โ€ข Balita
โ€ข Isports
โ€ข Agham at Teknolohiya
โ€ข Lathalain
โ€ข Pangulong Tudling
โ€ข Editoryal Kolum
Pag-wawasto ng Sipi at Pag-uulo
Editoryal Kartunist
Fotojournalist

Kung nais niyong maging mamamahayag lapatan ang mga hinihinging impormasyon.
https://bit.ly/AM_Awdisyon23-24

Sa mga nais maging TV Broadcasters, Radio Broadcasters at Layout Artist, ILILIPAT ang PETSA ng inyong awdisyon. Maghintay sa mga susunod pang anunsyo patungkol dito.

- - - - - - - -

๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘”๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘›, ๐‘š๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘– ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘– ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘›๐‘œ๐‘‘:
โ€ข Yrnehlene Lalisan
โ€ข Francine Undray
โ€ข Pia Torino
โ€ข Klein Arpa
โ€ข Cyril Palua

Tumutok sa susunod pang mga anunsyo!



๐ˆ๐Š๐€๐– ๐๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐๐€๐?Halina't, Maging Mamamahayag!Ang publikasyong 'Ang Mamamahayag' ay nagbabalik upang magbu...
16/10/2023

๐ˆ๐Š๐€๐– ๐๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐๐€๐?

Halina't, Maging Mamamahayag!

Ang publikasyong 'Ang Mamamahayag' ay nagbabalik upang magbukas ng pinto para sa mga nagmimithing maging manunulat. Pormal na ang ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐€๐๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐ para sa mga nagnanais mapabilang sa aming pahayagan. ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž, ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ!

'Ang Mamamahayag' ay ang pampaaralang pahayagan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Agham ng Alabel (ANSHSโ€“RSHSXII), na patuloy sa paghatid ng makatotohanan at eksklusibong balita. Hangad ng pahayagan na maipagpatuloy ang paghatid ng mga mahahalagang impormasyon at kaganapan sa loob at labas ng paaralan.

Kaugnay nito, ang aplikasyon ay magsisimula ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐. Bubuksan lamang ang pagpaparehistro hanggang 11:59 PM ng ika-18 ng Oktubre 2023.

Sa darating na ika-19 at 20 ng Oktubre 2023 gaganapin ang ๐€๐–๐ƒ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ng mga mag-aaral na nais maging bahagi ng pahayagan.

๐‘ท๐‘จ๐‘จ๐‘ต๐‘ถ ๐‘ฉ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐‘ฎ๐‘น๐‘ฌ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘น๐‘ถ?
1. Bisitahin ang aming ๐™‚๐™ค๐™ค๐™œ๐™ก๐™š ๐™๐™ค๐™ง๐™ข๐™จ at lapatan ang mga hinihinging impormasyon.
https://bit.ly/AM_Awdisyon23-24
2. Matapos magrehistro, hintayin ang aming mensahe hinggil sa iyong kumpirmasyon at iba pang impormasyon patungkol sa gaganaping awdisyon.
3. Sundin ang mga ibibigay na panuto ng mga tagapag-organisa upang maging matiwasay ang awdisyon.

- - - - - - - -
๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘”๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘›, ๐‘š๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘– ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘– ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘›๐‘œ๐‘‘:
โ€ข Yrnehlene Lalisan
โ€ข Francine Undray
โ€ข Pia Torino
โ€ข Klein Arpa
โ€ข Cyril Palua

Inaasahan namin ang iyong pagpapabilang sa pahayagang ito.
๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ, ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ฎ!



๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†!'Ang Mamamahayag' ay ang pampaaralang pahayagan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Ag...
15/10/2023

๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†!

'Ang Mamamahayag' ay ang pampaaralang pahayagan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Agham ng Alabel (ANSHSโ€“RSHSXII), na patuloy sa paghatid ng makatotohanan at eksklusibong balita.

Sa pagbabalik ng pahayagan ay muli nitong binubuksan ang pintuan para sa mga mag-aaral na nais maging bahagi ng pahayagan at ibahagi ang kanilang talento sa pagsusulat, pagsusuri ng balita, at iba pa.

- - - - - - - -

๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘”๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘›, ๐‘š๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘– ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘– ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘›๐‘œ๐‘‘:

โ€ข Yrnehlene Lalisan
โ€ข Francine Undray
โ€ข Pia Torino
โ€ข Klein Arpa
โ€ข Cyril Palua

Tumutok sa susunod pang mga anunsyo!



๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ ๐“ช๐“ฝ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“น๐“พ๐“ฐ๐“ช๐”‚ ๐“ผ๐“ช ๐“ถ๐“ฐ๐“ช ๐“จ๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท! Isang pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ng Junior at Senior ...
11/07/2023

๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ ๐“ช๐“ฝ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“น๐“พ๐“ฐ๐“ช๐”‚ ๐“ผ๐“ช ๐“ถ๐“ฐ๐“ช ๐“จ๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท!

Isang pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ng Junior at Senior High School ngayong akademikong taon 2022-2023. Ang inyong hindi matatawarang galing at husay sa pag-aaral sa gitna ng hamong dulot ng pandemya at pagtransisyon sa bagong normal ay isang malaking inspirasyon para sa mga kabataang katulad niyoโ€™y patuloy ring tumitindig upang makamtan ang kanilang hangarin.

Ang buong pamunuan ng Ang Mamamahayag ay nagpupugay sa inyong determinasyon at dedikasyon na makapagtapos ng pag-aaral. Hangad namin ang inyong tagumpay sa susunod na yugtong inyong lalakbayin.

Ipamalas ang husay ng walang humpay.
Hanggang sa marating ang kasunod na tagumpay. Dasig lang!โœŠ

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜„๐—ฒ๐˜†๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ข๐—ฆ๐—งโ€“๐—ฆ๐—˜๐—œ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ3-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ4Binabati ng buong pamunuan ng Ang Mama...
02/07/2023

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜„๐—ฒ๐˜†๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ข๐—ฆ๐—งโ€“๐—ฆ๐—˜๐—œ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ3-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ4

Binabati ng buong pamunuan ng Ang Mamamahayag ang mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang na kuwalipikado sa Undergraduate Scholarship ng DOSTโ€“SEI para sa T.P. 2023-2024.

Sa pagtungtong ninyo ng kolehiyo, nawa'y mas lumago pa ang inyong kaalaman sa larangan ng siyensya at matematika. Kami'y umaasa na patuloy kayong maghahatid ng pag-asa, karangalan, at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

Papuri sa mga dalub-agham ng hinaharap! Nasa inyong kamay ang kinabukasan ng ating bayan.

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ5 ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ Ang Araw ng Kalayaan, o Araw ng Kasarinlan, a...
11/06/2023

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก
๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ5 ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ

Ang Araw ng Kalayaan, o Araw ng Kasarinlan, ay isang espesyal na okasyon na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo taun-taon bilang pag-alala sa paglaya ng Pilipinas mula sa mahigit 300 taong pamumuno ng mga Espanyol. Ito ay iprinoklama ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898, kasabay ng unang pagtaas sa pambansang watawat ng Pilipinas.

Bago ang deklarasyong ito, nagdaan ang mga Pilipino sa maraming paghihirap sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol. Dahil dito, sumiklab ang pagkakaroon nila ng damdaming-makabayan at ito ang nagtulak sa kanila upang mag-alsa laban sa mga dayuhan.

Noong 1892, sinulat ni Dr. Jose Rizal ang mga nobelang "El Filibusterismo" at "Noli me Tangere," na kumalat sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nang malaman ito ng mga Espanyol, siya ay hinuli at ipinabilanggo. Tulad ng pag-aalsa ni Rizal, sinimulan ni Andres Bonifacio ang Katipunan noong 1896 bilang paglaban sa mga mananakop na Espanyol.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsisikap, natamo ang tagumpay at kalayaan sa tulong ng isang lihim na samahan na binubuo ng mga aktibong rebolusyonaryong Pilipino o mga aktibista noong 1896. Ito ay tinatawag na "Katipunan." Matapos ang pagkilala at pagsasapribado sa samahan, nagsimulang dumating ang mga suliranin at pagsubok para sa mga kasapi nito. Noong 1897, nagkaroon ng kasunduan ang mga rebolusyonaryo at mga lider ng Espanyol na papayagan ang kanilang pagpapalayas sa Pilipinas.

Samakatuwid, sa pagkakaisa ng mga Pilipino at Amerikano, matapos ang mahabang panahon ng mahigit 300 taon, nakuha ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga Espanyol. Sa ilalim ng kasunduan na Treaty of Paris sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano, pinagkasunduan na isuko na ng Espanya ang Pilipinas bilang isang dating kolonya.

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ค๐š๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐  ๐†๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐ƒ๐’๐๐‚ 2023Binabati ng buong pamunuan ng "Ang Mamamahayag" ang mga kapwa...
10/04/2023

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ค๐š๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐  ๐†๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐ƒ๐’๐๐‚ 2023

Binabati ng buong pamunuan ng "Ang Mamamahayag" ang mga kapwa estudyanteng-dyornong nakakuha ng medalya sa Division Press Schools Press Conference (DSPC) na ginanap noong Marso 24-25, 2023 sa Malandag National High School, Malandag, Sarangani Province.

Kasabay nito, nanalo rin ang ilang manunulat ng "The Scribblers," isa sa mga pahayagan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Agham ng Alabel.

Patuloy niyong pangalagaan ang inyong mga tagumpay at maglingkod sa pamamagitan ng inyong mga kakayahan sa larangang ito. Sa inyong tagumpay, nawa'y makatulong kayo sa pagpapalaganap ng katotohanan at sa pagbibigay ng boses sa mga isyu na kailangan ng atensyon. Patuloy din sana kayong maging inspirasyon sa mga kapwa kabataan upang mahalin din ang larangang ito at mapalawak ang kaalaman ng bawat isa. Sa huli, magpakumbaba at magpakalikhain kayo sa pamamagitan ng inyong mga sulatin. Muli, mabuhay kayo!

๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง 2023Saludo! Bukod sa Linggo ng Pagkabuhay, ginugunita rin ngayon ang Araw ng Kagitingan o kilala rin ...
09/04/2023

๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง 2023

Saludo! Bukod sa Linggo ng Pagkabuhay, ginugunita rin ngayon ang Araw ng Kagitingan o kilala rin bรญlang โ€Day of Valorโ€ at โ€Bataan Day." Ito'y isang pambansang araw ng paggunita sa pagbagsak ng Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Idinadaos ito tuwing ika-siyam ng Abril alinsunod sa Executive Order No. 203, Series of 1987. Ngunit ngayong taon, ang araw ng pagdiriwang ay inilipat sa ika-10 ng Abril, dahil ito ang araw na pinakamalapit sa ika-siyam ng Abril, batay sa Proclamation 90.

Noong ika-siyam ng Abril 1942, matapos ang tatlong buwang pakikidigma sa tinatawag na Labanan ng Bataan, sumuko si Major General Edward King Jr. ng Estados Unidos kasama ang halos 76,000 sundalo mula sa mga kaalyadong bansa tulad ng Pilipinas, Estados Unidos, at Tsino sa hukbong Hapones. Ang mga sundalong ito ay sapilitang naglakad at siniksik sa mga kotse ng tren ng halos 140 kilometro patungo sa Camp O'Donnell sa Capas, Tarlac. Marami ang namatay sa tinatawag na "Death March" dahil sa uhaw, init, gutom, sakit, at pang-aabuso ng mga Hapones. Sa huli, humigit-kumulang 54,000 lamang ang nakarating ng buhay sa kampo.

Ngayong araw na ito, ating alalahanin at ipagdiwang ang ating mga bayani dahil sila ang bumuhay ng diwa ng tapang at sakripisyo upang makamit ang ating kalayaan. Nawa'y maging inspirasyon natin sila upang patuloy na ipaglaban ang kalayaan at kasarinlan ng ating bansa.

Mabuhay at Maligayang Araw ng Kagitingan!

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ!Sa wakas, narito na ang resulta ng ginawang pagsasala noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 10 para maging kasapi ng ...
12/03/2023

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ!

Sa wakas, narito na ang resulta ng ginawang pagsasala noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 10 para maging kasapi ng patnugutan ng Ang Mamamahayag.

Ang mga sumusunod na pangalang nakalagay sa mga larawan ay mga dati at bagong miyembro ng pahayagan na lalahok sa Division School Press Conference 2023.

Bago ang lahat, nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng sumali sa aming pagsasala. Para naman sa mga hindi pinalad, may iba pang pagkakataon upang ipakita ang inyong mga talento at kakayahan. Nawa'y ipagpatuloy niyo ang pagsusulat nang sa ganoon mahasa ang inyong kakayahan at maibahagi sa iba sa pamamagitan ng pahayagang pangkampus.

Muli, lubos naming binabati ang mga bagong kasapi ng lupon ng manunulat ng pahayagang Ang Mamamahayag para sa taong panuruan 2022-2023.



๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐ | ๐Œ๐†๐€ ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„๐๐† ๐Š๐–๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐Š๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐Š๐€๐’๐€๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐ƒ๐’๐๐‚ 2023 ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†Matapos ang mas...
11/03/2023

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐ | ๐Œ๐†๐€ ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„๐๐† ๐Š๐–๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐Š๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐Š๐€๐’๐€๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐ƒ๐’๐๐‚ 2023 ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†

Matapos ang masusi na pagpili ng mga Audio Record at Balita na inyong pinasa.

Narito na ang resulta ng mga estudyanteng kwalipikadong makakasali sa paparating na Division Schools Press Conference para sa RADIO BROADCASTING:

1. ABECIA, AYANA MARYROSE- Grade 10
2. GALLO, CHYLE CHELSEA- Grade 11
3. MITUDA, ERICK GODWIN- Grade 12
4. CATINDIG, NATHANIEL- Grade 12
5. MARIMON, MICHAELA GRACE- Grade 12

Sa mga hindi napalad na makasali sa listahang ito, sila pa rin ay opisyal na kasapi ng Radio Broadcasting ng ANG MAMAHAYAG upang paghahanda sa susunod na taon.



๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!------------------------------------------------------------------Inaanyayahan ang lahat ng mga studyante na may...
10/03/2023

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!
------------------------------------------------------------------
Inaanyayahan ang lahat ng mga studyante na may angking galing sa pagsusulat at pagsasalita na makilahok sa paghahanap ng mga interesadong sumali sa RADIOBROADCASTING.

Ang mapipiling studyante ay kwalipikadong makakasali sa paghahanda para sa paparating na DIVISIONS SCHOOL PRESS CONFERENCE at magkakaroon ng pagkakataon upang ipamalas ang kanilang galing sa lahat.

Para sa mga gustong sumali, mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod:

1. Magsulat ng isang balita patungkol sa napapanahong isyu sa bansa. ( Hanggang 2-3 talata lamang.)

2. I rekord ang boses ng iyong sarili sa paghahatid ng iyong isinagawang balita.

Deadline:
Ngayong araw, March 10, 11:59pm.

Paraan ng pag pasa ng "voice record" at balita:

1. Ilagay sa wastong folder ang iyong voice rec at balita (pdf man o word file) ayon sa antas ng iyong baitang

2. Pangalanan ang iyong "audio file" at balita sa ganitong estilo [GRADE LEVEL] - [BUONG PANGALAN]

Ex.
Audio file:
G12 - JUAN DELA CRUZ (VOICE RECORD)
News file:
G12 - JUAN DELA CRUZ (NEWS ARTICLE)

Drive link:
https://drive.google.com/drive/folders/1vcbzUpDubGcelUzWLTPcTZNrILyhsUIz

Gud lak sa iyong awdisyon!



๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!-----------------------------------------------------------------------Bukas (Biyernes, Marso 9, 2023) na ang hu...
09/03/2023

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž!
-----------------------------------------------------------------------
Bukas (Biyernes, Marso 9, 2023) na ang huling araw ng awdisyon sa fotojournalism. Binibigyan ng huling pagkakataon ang mga mag-aaral na ipakita ang talentong kanilang tinataglay.

๐˜”๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข:
Harap ng SBM Room- 7:30 am

๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ:
โ€ข Point and shoot camera
โ€ข Card reader
โ€ข Ballpen
โ€ข Papel



๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐–ฒ๐–ผ๐—๐—ˆ๐—ˆ๐—…'๐—Œ ๐–ฏ๐—‹๐–พ๐—Œ๐—Œ ๐–ข๐—ˆ๐—‡๐–ฟ๐–พ๐—‹๐–พ๐—‡๐–ผ๐–พ 2022-2023๐™ˆ๐™š๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ ๐™จ:a. Ang patimpalak ay bukas para sa mga interesadong manunulat...
09/02/2023

๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด
๐–ฒ๐–ผ๐—๐—ˆ๐—ˆ๐—…'๐—Œ ๐–ฏ๐—‹๐–พ๐—Œ๐—Œ ๐–ข๐—ˆ๐—‡๐–ฟ๐–พ๐—‹๐–พ๐—‡๐–ผ๐–พ 2022-2023

๐™ˆ๐™š๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ ๐™จ:

a. Ang patimpalak ay bukas para sa mga interesadong manunulat mula Baitang 7 hanggang Baitang 12
b. Wikang Filipino lamang ang gagamitin sa pagsusulat; hindi pinahihintulutan ang paglahok sa dalawang medyum.
c. Magpapatala ang nais lumahok sa patimpalak, mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 10, 2023. Punan ang mga impormasyon sa pormularyo ng โ€œPansariling Talaโ€.
d. Magsusumite ng isang sample ng sulatin ayon sa event na kanyang napili ang manunulat. Ito ay maaaring tungkol sa kahit anong napapanahong paksa.
e. Magtatakda rin ang bawat komite ng araw para sa bukod na onsite na patimpalak. Magdala ng sariling kagamitan sa pagsulat.
f. Ang mga napiling sulatin ang magiging batayan upang maging kasapi ng patnugutan ng Ang Mamamahayag. Magsasagawa ng mga pagsasanay para sa mga lalahok sa Division Schools Press Conference at paghahanda ng pampaaralang papel.
g. Isa lamang sa bawat indibidwal na event ang pipiliing lalahok sa DSPC. Pipili rin ng mga manunulat na bubuo sa pangkatang patimpalak.
h. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa g**o o manunulat na tagapagdaloy.

๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™š๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ:

1. ๐‘๐จ๐ฅ๐š๐ง๐๐จ ๐. ๐๐ž๐ซ๐ฉ๐ข๐จ๐ฅ ๐‰๐ซ..
Events: Fotojournalism, Collaborative Desktop Publishing (5)
2. ๐†๐ฅ๐ž๐ง๐๐š ๐. ๐ƒ๐š๐ฉ๐ซ๐จ๐ณ๐š
Events: Sci and Tech Writing, Pagwawasto ng sipi at Pag-uulo
3. ๐…๐ซ๐ž๐ญ๐ณ๐ข๐ž ๐‹๐จ๐ฎ ๐’. ๐‚๐จ๐›๐ž๐ฅ
Events: Pagsulat ng Pangulong Tudling, Editoryal Kolum, Radiobroadcasting (5)
4. ๐‰๐š๐ง๐ž ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ซ๐ž ๐‹. ๐…๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ฅ๐จ
Events: Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Pampalakasan, Editoryal Kartun
5. ๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข ๐„ ๐ƒ๐š๐ฌ๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ง๐š๐ฌ
Events: Pagsulat ng Lathalain



๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”'๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š?Andito na naman kami para ibahagi sa inyo ang muling pagbubukas ng a...
06/02/2023

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”'๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š?

Andito na naman kami para ibahagi sa inyo ang muling pagbubukas ng aplikasyon para sa mga nagnanais na mapabilang sa aming pahayagan! ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‰๐˜ผ'๐™, ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‹๐™„!

"Ang Mamamahayag", ang opisyal na pampaaralan at pangkomunidad na pahayagan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Agham ng Alabel (ANSHSโ€“RSHSXII), ay hangad na maipagpatuloy ang paghahatid ng mahahalagang mga impormasyon at kaganapan sa loob at labas ng paaralan, sa kabila ng mga suliraning ating kinakaharap ngayon.

Kaugnay nito, mula ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ 6 ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด 10, ๐Ÿญ2:00 ๐—ฃ๐—  ay pormal nang bubuksan ang aplikasyon para sa mga nagnanais na mapabilang sa mga estudyanteng mamamahayag ng ANSHS.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐— ๐—ข?
๐Ÿญ. Bisitahin ang aming Google Forms at lapatan ng mga kinakailangang impormasyon: bit.ly/3JJgvxX
๐Ÿฎ. Hintayin ang aming mensahe hinggil sa iyong kumpirmasyon.
๐Ÿฏ. Sundin ang mga panutong ibibigay saโ€™yo ng mga tagapag-organisa.

Inaasahan namin ang iyong pagpapabilang bilang mga susunod na manunulat at miyembro ng pahayagang ito. PAGBATI!

- - - - - - - - - -

๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘”๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘›, ๐‘š๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘– ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘– ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘›๐‘œ๐‘‘:

โ€ข ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ผ- facebook.com/lindskiee17
โ€ข ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—–๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ- facebook.com/czrnarxa
โ€ข ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ- facebook.com/blaizelmariem
โ€ข ๐—ž๐—น๐—ฒ๐—ถ๐—ป ๐—”๐—ฟ๐—ฝ๐—ฎ- facebook.com/klaynrpa



๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—กKapanganakan ni Andres BonifacioIsang pagpupugay sa ika-159 kaarawan ng Ama ng Rebolusyon ng Pilipin...
30/11/2022

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก
Kapanganakan ni Andres Bonifacio

Isang pagpupugay sa ika-159 kaarawan ng Ama ng Rebolusyon ng Pilipinas!

Si Andrรฉs de Castro Bonifacio ay isang dakilang maralita, bagamaโ€™t minsang naging bodegero, mensahero, ahente, at koredor, mas kilala siya sa kanyang mahalagang papel sa pagsulong ng ganap na kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Kastila.

Ipinanganak ngayong araw noong 1863 sa Tondo, Manila, siya ang panganay sa anim na magkakapatid. Nabiyayaan man ng kahusayan sa paghuhulma at pagdidibuho, hindi niya natapos ang kanyang edukasyon. Sa halip, sarili niyang inaral ang mundo sa tulong ng mga aklat at panitikang hinggil sa Rebolusyong Pranses, talambuhay ng mga pangulo ng Estados Unidos, Kodigo Penal at Sibil ng Pilipinas, at iba pang mga nobelang historikal.

Bago naging "Supremo" ay isa siya sa mga nagtatag ng La Liga Filipina, na agad namang nabuwag matapos maaresto at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, Zamboanga. Ang kasunod na pagtatatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K*K) noong 1892 ay tuluyang nagtatak sa kanya bilang isa sa ating pinakakilalang mga bayani.

Mula sanduguan hanggang kamatayan, nakaugat ang kanyang puso sa lahat ng mga Pilipino; nananalig at naniniwalang bawat isa sa atiโ€™y may karapatang mangarap at magpanday ng mas magandang buhay, sa bayang mas patas, mas malaya, at mas makatao.

Sa araw na ito, ating isadiwa ang katapangan ni Supremo sa anumang paraan, sa bawat pagkakataon, maliit man o malaki. Sa pagsalubong natin sa mga hamon ng panahon at sa pagsulong natin sa hinaharap, nawaโ€™y maging gabay at ehemplo ang magiting at makulay na buhay ni Andres Bonifacio.

17/11/2022

ANNOUNCEMENT | ALSCI CARES

Recently, the Intertropical Convergence Zone has brought heavy rain to a number of areas in Davao Occidental and Sarangani Province. As a result, the residents experienced flooding, which had an impact on them.

AlSci Cares is therefore resuming its contribution efforts for anyone directly affected by the disaster, especially for the affected students of Alabel National Science High School.

We gratefully accept monetary and in-kind contributions. However, we strongly advise donating IN-KIND Donations. All transactions will be conducted in person.

For IN-KIND DONATIONS, kindly approach the assigned student for each batch. The assigned students per batch will be announced by their level representative in their respective group chats.

For MONETARY DONATIONS, please search for Zeri Labadia in the room of Grade 12 - Fermions, beside the Research Center.

We highly appreciate your generosity and may God bless us all!



29/10/2022

CALLING FOR DONATIONS!

Typhoon Paeng affects several regions in the country, leaving them devastated from the destruction that the typhoon inflicted.

Nevertheless, AlSci Cares is back once again to open its donation drives for those who are willing to extend a helping hand to the victims of this disaster. Thus, we are appealing to your generous hearts to accord with any amount you can contribute. Your generousity would be valued and will positively help our affected brothers and sisters in standing back on their feet.

We accept CASH and IN KIND Donations!

For Cash Donations:
(GCASH) Zeri L. - 09560472476
(BDO UNIBANK) JD Daniela E. Bao - 0077 6042 8968

For In-Kind Donations:
Kindly deposit it into the boxes that will be distributed around the campus.

Let's show them that they are not alone in this battle!

05/10/2022

๐Ÿ“ฃ CALL FOR DONATIONS ๐Ÿ“ฃ

The onslaught of Bagyong Karding leaves the country with extensive damage and a trail of devastation, especially in the areas of Luzon.

With that in mind, AlSci Cares is raising a donation drive meant to help the victims of Bagyong Karding in getting back on their feet after this tragedy. In line with that, we are knocking on your kind and generous hearts to donate any amount you can. This will certainly be highly appreciated and will undoubtedly help a lot.

For those who are willing to extend a helping hand,please be guided by further details stated below:

We accept CASH and IN-KIND donations!
For monetary donations:
GCASH:
Zeri Labadia - 09560472476

For in-kind donations: Please send to the different designated areas around the campus.

Lend a hand, Save a Life!!


๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐ŸIpagdiwang! Kaisa ang Ang Mamamahayag sa pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o 2022 na may te...
04/10/2022

๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Ipagdiwang! Kaisa ang Ang Mamamahayag sa pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o 2022 na may temang, "G**ong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino."

Ang Pambansang Araw ng mga G**o ay ipinagdiriwang, bilang pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sa ating mga kag**oan. Sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan sa buhay, nananatili silang matatag at patuloy na nagbibigay ng liwanag upang maabot ang ating mga pangarap. Nawa'y ang kanilang mga aral, gabay, at pagmamahal ay manatili sa ating mga puso't isipan kailanman.

Alinsunod sa bisa ng Proklamasyon Blg. 242 na idineklara ni dating Pangulo Benigno S. Aquino III noong 2011, ipinagdiriwang ang Pambansang Buwan ng mga G**o mula ika-6 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre.

Muli, sa lahat ng mga g**o na nasa loob at labas ng bansa, taos-puso po kaming nagpapasalamat at bumabati sa inyo ng Maligayang Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga G**o!

Ayan na sila๐Ÿ˜
31/08/2022

Ayan na sila๐Ÿ˜

Address

Sarangani-Davao Del Sur Coastal Road
Alabel
9501

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Mamamahayag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Mamamahayag:

Videos

Share

Category

Patnugutan ng Ang Mamamahayag para sa T.P. 2020-2021

Punong Patnugot: Reid Chrysler Manares

Katuwang na Patnugot: Vice Navarro

Tagapamahalang Patnugot: Paul John Delos Reyes

Editor sa Sirkulasyon: Catherine Discorson


Other Alabel media companies

Show All

You may also like