10/02/2025
50-Anyos na Ina sa Sorsogon, May 21 Anak
Hindi inakala ni Nanay Kingking na magkakaroon siya ng 21 anak. Pangarap lamang niya noon na magkaroon ng dalawa, ngunit dahil ito ang kagustuhan ng kanyang asawa, taon-taon siyang nanganak.
Panoorin: https://tinyurl.com/4cs8bvhb
Dahil dito, kilala na siya sa ospital. Madalas siyang biruin ng mga doktor at nars, pero tinatawanan na lang niya ang mga ito. Minsan pa nga, napagpapalit niya ang pangalan ng kanyang mga anak dahil sa dami nila.
Sa kabila ng kanilang malaking pamilya, mahigpit ang hawak nila sa budget—500 piso lang kada araw. Kasama na rito ang bigas, kape, asukal, at tinapay para sa mga bata. Madalas, ang kanilang ulam ay kamoteng kahoy o toyo. Habang ang kanyang asawa ay nangingisda, siya naman ay naglalako ng isda upang makatulong sa gastusin.
Ngunit kahit anong kayod nila, mahirap lalo na kapag sabay-sabay nagkakasakit ang kanilang mga anak. Labis ang kanyang panghihinayang na hindi niya naibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito. Aminado rin siyang kulang siya sa kaalaman tungkol sa contraceptives at walang pambili ng mga ito. Natatakot din siyang gumamit dahil baka makasama ito sa kanyang kalusugan.
Sa kabila ng lahat, patuloy siyang nagsisikap para sa kanyang pamilya.
Narito ang bidyo: https://tinyurl.com/4cs8bvhb
Via: KMJS
Courtesy: Pagadian News Daily