25/08/2023
Etchoy's Love Story
CHAPTER 4
PART 1
NORWAY;
Naghiwalay kami,hindi na kami nag-uusap.
Hindi ako nakatulog sa gabing yun,panay iyak ,sabi ko"Lord nakadami kana,hindi naman ako mahilig sa lalake ,bakit ganito".Hindi na ako natutuwa,sobrang sakit na Ewan.
kinabukasan ,trabaho parin na mejo namugmugto yung mata ,pilit na ngumiti sa harapan nila pero ,nangingi-babaw yung lungkot na hindi ko maitago.Panay iyak habang naglalakad ng A*o sa kakahoyan at sa kakahoyan ako sumigaw para mailabas yung aking nararamdamang sikip ng dibdib."mabuti nalang walang tao sa time na yun".Sabi ko Anong mali? maraming mga katanungan na naglalakbay sa aking isipan na wala akong makuhang sagot.Hindi ko sinasabi agad sa aking mga kaibigan yung mga pangyayari,sinosolo ko habang ako'y nag-iisip kasi ayaw ko yung aamuin ako ,lalo akong nalulungkot.Naghalo-halo yung aking problema sa panahong iyon.,financial na problema sa pamilya ,amo kung hindi ako nasiyahan ,dinagdagan nya pa na ang akala ko'y sya na yung katuwang ko sa Buhay."maling akala pala ๐ฉ".Sabi ko hanggang single mon lang talaga ako hindi ko pa natagpuan yung ipinaglaban ako,"Pakatatag ka Etchoy maliit pa yung anak mo hindi nya pa kayang buhayin ang kanyang sarili"yun yung pinag-huhugutan ko ng lakas na loob".
Sinabi ko sa aking mga kaibigan ,yun na nga ina-amo nila ako lalo naman akong umiyak at mula noon,lage na ako naglalasing,isang beses hindi na ako makalakad sa kalasingan,mabuti nalang at nandoon lage yung mga kaibigan ko na laging kaagapay.Sabi nila "hayaan mo sya,maganda ka naman marami pang maghahabol sayo". sa Isip ko,"yung hitsora ko nga yata yung problema kasi iniyawan ako dati dahil maganda daw ako para sa kanya".Napangiti nalang ako.
Isang gabi nag log in ako sa Filipina Heart,ako mismo yung unang nag message sa lalake,sabi ko;"hindi ako nag log in para maghahanap ng Partner,naghahanap po ako ng extra job baka kako gusto mo ng taga-linis ng bahay willing po ako".Yung iba tinawanan ako pero may 2 akong nakuha,.After work ,sa hapon lumalayas ako at nag extra job ng 2-3 hours once a week.Medyo nahimasmasan na yung aking nararamdaman,natoto na akong mag enjoy sa buhay ulit at pilit ko syang kinalimutan at tinitingnan ko yung mukha ng aking Anak."nakakatulong yun".
Isang araw sabi ng kaibigan ko na may Norwegian na naghahanap, e-papakilala daw ako,hindi na ako excited ๐,nadala na ako sa lalake.Nung nakita ko ,Ok naman pero ,walang Spark ,tinutukso ko sya kasi ,medyo nahihiya sya hanggang sa isang araw nagyaya syang mag Date.Nag Date kami ,dinala nya ako sa Aker Brygge ,doon kami nag dinner at ginala nya ako sa HERMES na tindihan.Tinatanong nya ako kung may nagugustuhan ako,sabi ko kako wala, hindi ako mahilig ,sabi nya ano ba yung hilig mo? Sabi ko yung gamit na affordable ,hindi yung pinaka mura or pinak**ahal,kasi gusto ko yung katamtaman na pamumuhay,hindi mayaman,hindi mahirap,ayaw ko ng puro bling bling ๐.Kaya nag give up shopping ,nagpunta naman kami sa Museum ,"malaki pala yung sasakyan nya may maganda syang trabaho pero wala talagang Spark".After sa loob ng Museum nag yaya sya na maglakad-lakad sa labas kasi may walking path din para sa mga tao.Kwentohan habang naglalakad at walang hawakan ,bigla syang huminto at humarap sa akin ,ako'y kanyang tinitigan at papalapit na yung mukha nya sa mukha ko ng biglang tumunog yung aking Telepono.
Ako; Hello ,Pal
Kaibigan; Pal,anong oras ka darating?
Ako;Malapit na kaming matapos at salamat
Kabigan; Bakit salamat?
Ako; Muntik na akong mahalikan salamat sa tawag mo at na save ako ๐๐๐.
Kaibigan;Potragis na yan,bye na muna tapusin nyu muna yan ๐๐.
Ako;Hintayin mo ako wag ka munang matulog.
Kaibigan; Ok,ingat ka Pal,Love you
Ako; salamat Pal ,see u
Sabi ko uuwi na tayo kasi naghihintay na yung kaibigan ko.Tinatanong nya kung kailan ulit kami magkikita,sabi ko sa kanya na pupunta muna ako ng Denmark to visit my host Family.
Nung pagbalik ko galing Denmark,nalaman ko nalang may ka Date na sya na iba,nasiyahan naman ako para sa kanya kasi wala talaga kaming Spark. i-ka nga nung kaibigan ko,"d gyud ko utgan niya ๐". kaya masaya ako at nakahanap sya ng iba na nag click naman sila.
Tuloy ang buhay Aupair at medyo naka move on na ng kunti kasi naman naghahanap talaga ako ng paraan paano malibang,hindi ako yung babae na nagmumukmok dahil sa lalake,ini-iyakan ko yan ng kunti pero hindi nila hawak ang kaluluwa ko.
3-4 months past from the break up,
Tumunog yung aking Telepono habang nakahiga,ang sabi;
Number: How are u?
Ako;I am fine,May I know u?
Hindi ko na pinapansin kasi medyo galing sa extra at pagod tapos kinabukasan e meet ko pa yung bagong amo na aking lilipatan ,"mag change host pala ako "kasi hindi ko na kaya yung pati plantsa pinapabitbit at pagkatapos mong ilagay yung bagong bedsheet plantsahin mo daw kasi nagugusot,ay lintik kako nauubos pasensya ko amo kaya hanap na ako ng iba.Kaya meet up bukas need kung masigla para magugustuhan ako ng mga bata.kaya naka off na yung aking Telepono.๐ด๐ด๐ด๐ด๐ด๐ด.
Chapter 4,Part 2 coming soon...