06/08/2024
Gaano man nakakapagod ang mga araw na dumaraan.
Ang mahalaga naman, patuloy ka sa pagbangon at pakikipagsapalaran,
Kahit madalas walang katiyakan ang mga bagay na iyong pinanghahawakan—
Sumasabay ka na lang sa agos, nagbabakasakaling baka sa susunod na bukas maayos na't magaan.
Nakakasanay man ang sakit na iyong nararamdaman dahil paulit-ulit na lang.
Ang nakakabilib lang sa'yo ay kung paano mo ito harapin nang may tapang,
Parang walang iniindang bigat at sugat—
Kinakaya mong tanggapin ang lahat.
Nakakaubos man ng pasensya at kumpiyansa ang walang kasiguraduhang paghihintay.
Ang importante naman, hindi mo sinusukuan ang buhay.
Palaging may pag-asa sa'yong puso—
Naniniwalang matutupad din ang mga "sana" sa dulo.
Hindi man alam ng iba,
Kung paanong ang iyong sarili ay paulit-ulit mong isinasalba,
Pero nakakabilib ka—
Dahil araw-araw mo rin itong nairaraos at kinakaya.
Ika-19 ng Abril 2023