29/05/2020
Like and share
Karaniwang tanong sakin..
“Bakit di kana sumasali sa mga pro tournament?”
“Bakit wala na ung mga teammate mo?”
“Bakit ayaw mo ng mag compete?”
“Bakit mas pinili mo ang streaming?”
Ilang beses din ako nag laro sa mga pro tournament simula MPC days tapos SM cyberzone 2018 nakalaban namin AE sa finals nung Obs Raven pa kami. Naglaro din ako ng ESGS tourna kung san nagchampion kmi nung day 2. Nakalaban ko din ung mga sikat na Team sa Asia like IDNS etc, nung nirepresent namin PH as Solid Gaming sa MSL tournament. Naiinvite din ung team namin dati sa mga invitational pro tournament like Akosidogie pro tourna, Juicy lemon, etc. Ilang beses din akong nabigo sa MPL as Finals Qualifiers.. Yung feeling ng isang panalo nalang nasa MPL ka na.. From season 1, season 2 and season 4, Laging Finals qualifier lang. Imagine gano kasakit matalo ng tatlong season sa finals qualifier. Parang ayoko na mag ML ulit.
Nung mga panahong natatalo ako sa mga tournament, Streaming.. Live streaming yung nandyan para pasiyahin ung araw ko. Kahit iilan plang ang viewers noon at hindi intersado ung tao. Masaya nako. May mga iilang tao akong nakakausap kahit di ko sila nakikita. Nakakapag labas ako ng saya, lungkot at lahat ng emosyon ko.. In short, Streaming ung nag bigay sakin ng pag asa para maglaro ulit ng ML, para maging masaya ulit.
After ng All Atar Show match kasama ung mga iniidolo nating streamer, narealize ko na sa buhay ML, hindi lang sa professional scene nakukuha ang panalo. Ang tunay na panalo ay pag nahanap mo na yung bagay na makakapag pasaya sayo kasama ng pagpapasaya mo sa ibang tao.
Ang sarap sa pakiramdam na hindi mo na kailangang manalo sa match para maging masaya. Yung nakita ko lang na masaya ang lahat sa nangyaring Show Match. Manalo o Matalo.. “Masayang masaya na ako”.
Salamat sa lahat ng walang sawang panonood. 🥺
Pag umabot ka dito. Type mo “Masaya ko!”