13/11/2024
Japanese government, balak bumuo ng technological investment na papalo ng sampung trilyong yen
Inanunsyo ni Japanese PM Shigeru Ishiba ang balak ng pamahalaan na makabuo ng isang technological investment fund na susuporta sa iba't ibang aspeto ng mga papausbong na sistema gaya ng mas matinong paggamit ng artificial intelligence at muling pagpapalakas ng semiconductor industry
Magsisilbing seed fund ang kabuuang sampung trilyong yen o katumbas ng 65 bilyong dolyar at balak na simulan pagdating ng susunod na taon ang pagbibigay alokasyon sa mga kwalipikadong kumpanya
Plano pang palakihin ng administrasyon ang technological investment funding gamit ang government bridging bonds na may bisa hanggang limang taon
Target naman ni Ishiba na humakot ang programa ng kabuuang 50 trilyong yen na halaga ng public-private investments makalipas ang isang dekada
Hindi na bago para sa Japan ang pagtatayo ng government sponsored funding firms na hahawak ng gastusin para sa pagpapabuti ng digital at hardware technology. Taong 2022 nang itatag ang kumpanyang Rapidus upang magsaliksik at bumuo ng advanced semiconductors. Base sa mga isinapublikong financial reports, naglaan ang pamahalaan ng 26 bilyong dolyar bilang panustos ng proyekto sa loob ng tatlong taon