25/05/2024
6 lessons na matutunan mo sa araw-araw na pag viral ni Diwata at ang Diwata Pares Overload:
1. Pinapakita ni diwata na lahat ng tagumpay ay pinagtatrabahuan at kailangan ang sikap at tiyaga
2. "Social media" is a powerful tool that may make or break any life. Be careful on what you post, say and show to the public.
3. Lumalabas ang "kawalang respeto" ng maraming pilipino. Yung pamimilit, biglang pagkuha ng video o photo ni diwata needs prior consent. YES, sikat nga siya pero hindi yan dahilan na porket sikat ikaw na vlogger o sinuman pwede na panghimasukan ang safe and private space ni diwata. Ang kasikatan ng isang tao ay hindi lisensya para gawin mo ang gusto mo makuha mo lang ang interes mo
4. "Crab mentality" isang pinaka most common na masamang ugali. Hindi lang napagbigyang magpa picture o video kasama si diwata, puro panlalait at paninira s tao na ang pinopost sa social media account nila FOR THE purpose of views to earn $$$ while pulling down Diwata.
5. "ROMANTICIZING THE POOR AND POVERTY". Bakit daw mas binibigyan si diwata ng pera at assets, payaman naman daw. Dapat daw yung mga mahihirap ang bigyan. For me, dapat lang, ang mga taong tulad ni diwata ang dapat mas bigyan kase may ebidensya na kaya niyang palaguin kung ano ang binigay mo. (Pasensya sa hikahos, hindi naman lahat pero marami) Pumunta ka sa slum areas sa pinas, ano ginagawa ng malalakas ang katawan? Nag aantay ng ayuda sa Dswd.
6. AYUDA MENTALITY. Andaming pumupunta kay diwata na nanghihingi ng pera, celpon at iba pa. Kung hindi napagbigyan binabaha ang comment sa social media na madamot at masama ang ugali daw ni diwata, dapat daw magbigay dahil mayaman na. Yan ang resulta na ginagawang normal ang ayuda system. Hindi obligasyon ni diwata ang magbigay dahil siya ay mayaman. Sa halip na hingi ng hingi, gawing inspirasyon ang kwento ni Diwata para maging matagumpay din sa buhay.