![](https://img5.medioq.com/668/720/1087827286687209.jpg)
19/12/2024
CHICKEN SOTANGHON SOUP RECIPE 😋😋
INGREDIENTS:
1/2 kilo chicken (yung may buto pa para mas malasa)
150 grams vermicelli noodles (sotanghon, mas maganda yung longkow Sapporo brand)
1 medium carrot
1 medium onion
4 cloves of garlic
2 tablespoons celery stalks (tangkay ng celery para mabango)
1 chicken broth cube
1 tablespoon kasubha or atsuete powder pampakulay
2 to 3 pieces dried bay leaves (dahon ng laurel)
fish sauce (patis) to taste
salt and pepper to taste
oil for sauteing
PROCEDURE:
1. Ilagay ang mga manok at dahon ng laurel sa kaserola. Lagyan ng tubig hanggang matakpan ang manok. Kapag kumukulo na, alisin ang puting foam na lulutang sa ibabaw. Lutuin ang manok ng 10 – 15 minuto gamit ang medium heat.
2. After 1 5minutes, ahunin na ang manok at palamigin ng kaunti. Pag kaya ng hawakan, himayin at alisin ang buto. I-reserve yung pinagpakuluan nito.
3. Ibabad sa tubig ang sotanghon ng 10 minutes para medyo lumambot, at para di rin masipsip nito ng husto ang magiging sabaw ng soup.
4. Magpainit ng mantika. Igisa ang bawang, sibuyas at ang hinimay na manok. timplahan ng asin at paminta. Ilagay ang celery at igisa ng konti.
5. Then, ilagay na chicken broth cube at yung pinagpakuluan ng manok. Magdagdag ng tubig kung kailangan or pag gusto mo ng mas masabaw. Lutuin hanggang sa kumulo ito.
6. Kapag kumukulo na, ilagay ang sotanghon. Haluin para maghi-hiwalay ang strands. Sunod na ilagay ang kasubha o atsuete para magkakulay. Lutuin pa ito ng ilang minuto hanggang maluto ang sotanghon.
7, Tikman at iadjust ang lasa gamit ang patis. Ilagay ang carrots at lutuin pa ng 2 – 3 minuto hanggang lumambot ang carrots. Enjoy!