21/01/2023
โANO ANG BIRTH MONTH MO?โ
JANUARY - [Happy Go Lucky] Sila yung go lang basta makakapagpasaya sa kanila. Madalas sarili yung inuuna kasi takot silang masaktan. Focus sila sa sarili nilang happiness. Kapag nagmamahal naman, hindi nila binubuhos lahat, kumbaga kailangan din nilang protektahan ang sarili nila. Natuto na kasi sila sa nakaraan kaya nagiging maingat na.
FEBRUARY - [Survivor] Sila yung mga taong parang maraming pinagdaraanan sa buhay. Pero after those challenges, nakakaya nila. Nakakabangon sila. Hindi sila pumapayag na maging talunan. May mga maling choices man sila noon, natututo naman sila ngayon. Lahat ng pagsubok kinakaya nila. Napapagod pero hindi sumusuko. Nagpapahinga pero hindi humihinto.
MARCH - [Emotional] Sila yung taong madaling ma-fall, madaling mapasaya, madaling mapaibig pero madali ring saktan. Kadalasan, puso ang inuuna kaysa utak, kaya naman lagi siyang nasasaktan, nagagamit, naiiwan sa ere. Sila yung sabik na mahalin at pahalagahan. Pero once na masira mo ang tiwala nila, kaya ka nilang bitawan. Mabuting kaibigan, nakakatakot na kaaway.
APRIL - [Happiest Person] Sila yung parang walang problema sa buhay. Laging masaya, laging positibo ang tingin sa buhay. May mga problema man, nakangiti nilang hinaharap. Dahil masayahin sila, gusto rin nilang masaya ang mga taong mahalaga sa kanila. Kaya naman kapag malungkot sila, halos lahat ng tao sa paligid niya ay nababahala. Hindi kasi sila sanay na makita siyang malungkot.
MAY - [Adventurous. Risk Taker] Lahat susubukan, lahat gagawin. Matapang. Parang walang kinakatakutan. Ma-fail man, sarili niya ang bubuhat sa kanya. Minsan magulong kausap dahil napakaraming ideas sa utak, ang daming gustong sabihin, gawin, ikwento, dreamer, mataas ang pangarap. Hindi nagpapadala sa stress. Hindi nagpapadala sa sinasabi ng iba. Basta ang importante, masaya siya.
JUNE - [Sentimental] Sila yung mapagpahalaga sa mga memories niya kasama ang mga taong naging bahagi ng buhay niya. Laging nasasaktan pero kinaka