12/18/2024
For 2024, sobrang laki ng winala ko sa Social Media, hindi na ako sing dalas katulad nung 2022 or 2023. Ngayon masaya na ako kung may 1 minute post 2-3 times a week, dati βper dayβ yang 2-3 times post.
I love creating content, I love sharing my adventures here sa Canada, I love helping our Kababayans, pero ang dami din talagang Filipino dito sa Canada na sobra kung makapag salita ng sobrang sakit. Na, nawawalan na ako ng gana. Honestly po for the past 2 years, because of my social media, mga 200+ na ang natulungan nating mga Pilipino, na nalayo sa hindi magandang employer, nabigyan natin ng grocery, rent, ano ang dapat gawin, at natulungan magkaron ng Open Work Permit. Pero I never once na makiusap sa kanila na ipost sa social media, never! At sinasabi kong wag. Kami kami na lang nakakaalam. kasi ginagawa ko yun, dahil gusto ko at mahal ko mga kababayan natin dito sa Canada, at ayaw kong may nakikitang kababayan natin na naghihirap laloβt hindi nila kasalanan.
Ang daming Filipino na, kung ano ang buhay nila dito sa Canada, yun lang dapat ang tama. May kanya kanya tayong buhay dito sa Canada. Yung pinag dadaanan mo, ay sariling mong adventure sa buhay.
1. Dati, wala akong sasakyan, grabe ang sinasabi na hindi ko mahal ang pamilya ko. Wala akong kwentang tatay. Ngayong meron, napaka yabang ko na.
2. Ang dalas ko daw mag bakasyon, hindi man lang daw ako nag tatrabaho, ang yabang ko na.
3. Umalis daw ako ng Vancouver at lumipat ng Langley, tapos bumili daw ako ng sasakyan. Ang yabang ko na.
4. Nag wowork from home daw ako, wala man lang physical job. Ang yabang ko na.
5. Tumutulong ka nga, hindi mo naman kami nirereplayan, mag reply ka. (Kahit mag isa lang ako, I do my best, I work 8-12 hours a day para makatulong po).
6. Yabang ko daw, naka iPhone ako.
7. Hindi ko man lang sinasama ang Pamilya ko sa mga video, kinakahiya ko daw sila.
8. Bumili ng bagong sapatos na New Balance na $78 Sale, ang yabang ko na.
9. Vinivideohan ko sasakyan ko, ang yabang ko na.
10. Wala ka na sa basement, ang yabang mo
11. Ang laki ng rent mo, bakit hindi ka na lang mag basement, ang yabang mo.
12. Hindi ka man lang bumili ng bahay, siguro hindi mo m**al pamilya mo.
13. Etc etc
Saan pa ako lulugar? Lol. π Minsan, iniisip ko na tumigil, pero mas madami parin talaga ang nag susupport kesa diyan sa mga iilan na hihilahin ka pababa. At itong social media kasi ang way para mareach out ako ng mga kababayan natin na need ng tulong. Yun din naman ang nag pupush sa akin to keep going. (Sasabihin nanaman, there are other ways naman to reach out, - sasabihin ko ito yung way ko). Lol.
Pero sobrang tuwang tuwa ako, tuwing nakakakita parin ako ng mga message na tuwang tuwa sila sa kung ano ang mga na achieve ko ngayon sa buhay. Na, nasubaybayan nila ang story ko, na nag lalakad ng 10-15mins a day para lang makapunta sa bus stop. Na nag lalakad ng 10-20mins minsan para lang mag grocery. Na sinamahan ako sa dati naming inuupahang basement. Na nakita nila yung 6 years old ko nang sapatos at mga damit na paulit ulit. Na nasubaybayan nila yung panahon na lubog kami sa utang. Na hindi nila nakikita yun as yabang, kundi genuine na natutuwa sila sa akin. I really appreciate you po.
Lahat yan may tamang oras, meron iba dito, 2 years palang sa Canada nakabili na ng Bahay, meron mga client ko, na mas malaki pa sweldo kesa sa akin, mas magaganda ang sasakyan. Naiingit ako sa kanila? Hindi! Natutuwa ako para sa kanila! Bakit ako maiinggit? Kung ano man yung meron sila, dahil yun sa actions nila. Wala akong ambag dun. Life will bless you if you give positivity sa mga tao. Kaya imbis na mainggit, be happy for them, and ikaw gawin mo din yung kailangan mo gawin.
Dadating din ang panahon natin. Wag tayong mainip. Focus lang tayo sa mga nag susupport. Sa mga may goal, totoo yung quote na βWHEN YOU FEEL LIKE Quitting, THINK ABOUT Why You Started In The First Placeβ.