A&B DAILY DIARY

A&B DAILY DIARY ANO ANG KWENTO NG BUHAY MO!❤️ (for collaboration email [email protected]

Hello po sa lahat Ng mkabasa nito😊 AKO PO SI MISS M 22 YRS OLD MAY BABY AKO KAKA ONE YEAR NYA LANG ...SHARE KO LANG PO T...
01/06/2025

Hello po sa lahat Ng mkabasa nito😊 AKO PO SI MISS M 22 YRS OLD MAY BABY AKO KAKA ONE YEAR NYA LANG ...

SHARE KO LANG PO TO YUNG NARARANASAN KO NUNG NAG AARAL PALANG AKO SI PAPA KO PATAY NA SYA 3YRS AGO TAPOS NUNG NAWALA NA SYA PUMUNTA AKO SA MAYNILA MAGTRABAHO KASO UMUWI AKO THEN NAKAPAG SIDELINE² DIN PAG WALANG PASOK SIMULA NUNG NAMATAY SI PAPA AKO NA NAG PAPAARAL SA SARILI KO KAHIT NAPAKAHIRAP PO KASI NAKAKAPAGOD MAG HANAP NG PERA .. ALAM NYO BA NUNG NAG BOBOARD AKO SOBRANG HIRAP KASI KULANG TALAGA PERA KO MAY BAYARIN SA BH, ALLOWANCE KO INUUNA KO TALAGA ANG BIGAS KASI KAHIT WALANG ULAM OKAY NA SAKIN NASANAY NA AKO SA WALANG ULAM PALAGI HABANG KUMAKAIN AKO UMIIYAK DIN AKO KASI ANSAMA NG LOOB KO MISMONG PAMILYA KO MGA KADUGO GINAGAWAN AKO NG KWENTO SA LUGAR NAMIN 🥺 MARAMI NA AKONG HINIHIRAMAN NA PERA SA MGA KADUGO KO PERO HINDI NILA AKO PINAPAHIRAM KAHIT SINO NALANG DIN PO HINIHIRAMAN KO NG PERA PANDAGDAG SA ALLOWANCE O BAYARIN KO MARAMI NA AKONG UTANG .. BUTI MABAIT DIN YUNG MAY ARI NG BH NAINTINDIHAN NYA SITWASYON KO KAYA OKAY LANG SA KANYA NA LATE AKO MG BAYAD AT HINDI BUO MINSAN YUNG BINABAYAD KO ALAM NYA KASI LAHAT E .. TAPOS MISMONG KAPATID KO DIN NA BABAE SINISIRAAN NYA AKO DATI PA PERO OKAY LANG SAKIN KASI WALA NAMAN AKONG PAKE SA MGA TAO KUNG AYAW NILA SAKIN KUNG MASAMA NA AKO SA KANILA EWAN KO BA BAKIT GANYAN SILA SAKIN🥺 TAPOS NUNG MAY BAYARIN AKO SA BH TSAKA WALA NA AKONG ALLOWANCE KASI HINDI AKO NAKAPAG SIDELINE KASI DALAWANG ARAW DIN AKO NILAGNAT KAYA HINDI AKO NAKAPAGLINIS LABA SA ISANG BAHAY AT HINDI AKO NKABENTA NG MGA LIPTINT KAYA WALANG WALA TALAGA AKO NAG CHAT AKO SA MGA TITA KO MGA COUSIN SIDE NG PAPA KO WALA TALAGA HINDI AKO PINAHIRAM KASI NAKA RINIG DIN AKO NG CHISMIS NA HINDI DAW AKO NAG AARAL GINAGASTOS KO DAW SA LALAKI YUNG PERA GANUN TSAKA PAG MAY MYDAY AKO NA NASA SCHOOL AKO OR MAG SABI SA MYDAY NA KONTING TIIS NALANG MKAPAGTAPOS DIN TINATAWANAN PO YAN NG ISANG PINSAN KO NA BABAE KAYA LAHAT NG MGA PAMILYA KO MGA COUSINS TITA TITO BINLOCK KO LAHAT YAN .. TAPOS NUNG SUMUKO NA TALAGA AKO KASI HINDI KO NA KAYA PAGOD NA PAGOD NA AKO SA LAHAT NAG STOP NA AKO HINDI NA AKO NAG ARAL NAWALAN AKO NG GANA KASI HINDI NAMAN PROUD MGA FAMILY KO SAKIN IBANG TAO YUNG PROUD SAKIN NKITA KASI NILA E YUNG HIRAP NA PINAGDADAANAN KO.. MAY BOYFRIEND PO AKO KASO NAG BREAK KAMI KASI MARAMI DIN AKONG DAHILAN KASI KILALA DIN SYA NG KAPATID KO AT ALAM KO NA SIRA NA AKO SA BF KO TSAKA MAY KA CHAT DIN AKO NA SINCE 16 PALANG AKO KASO PA MINSAN MINSAN KO LANG SYA NIREREPLYAN AT NUNG TIME NA WALANG WALA TALAGA AKO KAHIT PAMASAHE NAG HIRAM AKO SA KANYA NG PERA PINAHIRAM NYA DIN AKO MABAIT DIN SYA AT LAGI NYA DIN AKO CHINACHAT KAYA NAGKATULUYAN DIN KAMI AT NAGKITA KAMI GUMALA KASI GUSTO KO TALAGA MAY MKAUSAP AKO AT MAY NAGYARI SAMIN TSAKA DINALA NYA AKO SA BAHAY NILA SUMAMA NALANG PO AKO KASI WALA NAMN AKONG MATITIRHAN E AT GINUSTO KO DIN NA MAG ASAWA NALANG KASI SIRA NADIN AKO SA LAHAT NG TAO NA NAKAKILALA SAKIN AT NUNG NALAMAN NGA MGA RELATIVES KO AYUN GRABE NA MGA SINASABI NILA SA GC MAY GC KASI KAMI HINDI PA AKO NAG LEAVE MARAMI NA SILA SINASABI NA AH KAYA PALA MANG HIRAM NG PERA PARA IGASTOS KO LANG DAW SA LALAKI SCAMMER DAW AKO LAHAT NALANG SINABI NILA LAHAT NG SASABIHIN NILA SINABI KAYA NAG LEAVE NA AKO SA GC UMIIYAK AKO ANSAMA NG LOOB KO WALA NA TALAGA AKONG KINIKILALA NA PAMILYA SI MAMA NALANG SI MAMA KO MAY ASAWA NA DIN NA BAGO WALANG ANAK KASO MATANDA NA SILA .. BUMIBISITA NALANG AKO MINSAN DUN KAY MAMA TINATIMING KO LANG DIN NA WALA YUNG IBA KONG KAPATID KASI HATE NA HATE NILA AKO AYAW NILA SAKIN .. DATI PAG MAY KAILANGAN SILA SAKIN ANJAN AKO AGAD TAPOS NUNG AKO NA MAY KAILANGAN HINDI NILA AKO TINUTULUNGAN AT HINDI SILA SUPPORTIVE SAKIN 🥺HINDI NILA NA APPRECIATE LAHAT NA GINAWA KO .. MASAYA NA AKO NGAYON KAHIT MAHIRAP YUNG BUHAY MARAMI PA AKONG PINAGDADAANAN SA BUHAY SIMULA NUNG NABUNTIS NA AKO AT TUMIRA SA BAHAY NG LALAKI AT KASAMA KO PAMILYA NYA PERO THANKS GOD MALAKI NA BABY KO KAHIT SOBRANG HIRAP NAKAYANAN KO PO🥺 HABANG TINATYPE KO TO UMIIYAK AKO ... NAALALA KO LANG TALAGA LAHAT NA PINAGDADAANAN KO .. SALAMAT DIN PALA SA MGA TAONG NAGING PARTE DIN NG BUHAY KO YUNG MGA TAONG NAKAKAINTINDI SAKIN YUNG MGA TAONG TUMULONG SAKIN SILA YUNG MGA TAO NA MALAKI YUNG BINIBIGAY SAKIN NA SAHOD HEHEHE KAHIT NAGLALABA LANG KO NG DAMIT NILA AT NILILINISAN KO YUNG BAHAY NILA .. HANGGANG NGAYON MARAMI PA AKONG UTANG HAHAHA 2025 NA HINDI PA NABAYARAN YUNG IBA 😊 SALAMAT PO SA PAGBASA NITO SA MGA KATULAD KO DIN JAN NA NAG AARAL PA SA NGAYON PAGBUTIHIN NYO LANG PO ANG PAG AARAL NYO HABANG MAY NAG PAPAARAL PO SA INYO ANG SWERTE NYO KASI MAY NAGSUSUPURTA SA INYO .. WAG NYO AKONG GAYAHIN HA NA MAG ASAWA KAAGAD 😊 THANK U❤️

WAG NA WAG MONG IKUMPARA YUNG ANAK MO SA IBANG TAO. KASI IBA-IBA TAYO NG SKILLS, TALENT, AT DESTINY.✍️Don't ever compare...
01/06/2025

WAG NA WAG MONG IKUMPARA YUNG ANAK MO SA IBANG TAO. KASI IBA-IBA TAYO NG SKILLS, TALENT, AT DESTINY.

✍️Don't ever compare your child to others, okay? We all have different skills, talents, and destinies. Parang, you might think other kids are way smarter or more talented, but that doesn't mean your child is any less special.

✍️It's easy to feel like other kids are ahead, but everyone has their own pace. Kaya don't let anyone's opinion affect you. Your child will find their way in their own time. Lahat tayo may kanya-kanyang story, and as a parent, your job is to support them, no matter what.

✍️In the end, your child's success is theirs to achieve, and you just need to believe in them, because they have their own unique purpose.

!!!!TAMAAAAAA……..

Hi, please hide my identity po kwento kolang po yung nangyari sakin before, I'm 20 yrs old po may anak napo akong isa hi...
01/06/2025

Hi, please hide my identity po kwento kolang po yung nangyari sakin before, I'm 20 yrs old po may anak napo akong isa hiwalay po kami ng father nya, then after ko manganak ko my old friend was court me when i'm 3months after ko manganak then naging kami po we're 8months po nung una okay po kami kahit ilang beses po sya nag sisinungaling sakin tinatanggap kopa din sya ng tinatanggap this May inaya nya po akong umuwi dun sa kapatid nya sa Las Piñas 1month po kami nagsama don then June umuwi po kami sa papa nya sa Caloocan 1month din po kami don the after 1month pumasok po kami ng trabaho na magkasama kami ilang buwan din po kami sa trabaho then dumating napo kami sa point na nagkakasakitan napo kami both in physical haha, nagbago po ugali ko dahil sa mga ginawa nya sakin dahil sa mga pang gagago nya sakin tumagal po yung ganung sitwasyon namin then this December 20 umalis po yung partner ko don sa trabaho namin ang sabi nya sakin uuwi daw sya sa papa nya naniwala ako non pero nung nabasa ko yung chat nya sa kapatid uuwi pala sya don Las Piñas then nabasa kodin na pinapachat nya yung ex nya dun sa kapatid nasaktan po ako don kasi kaya pala atat na atat sya umuwi dun bukod sa pamilya nya umuwi din sya para sa ex nya nung nabasa ko na pinapachat nya ex nya 9:00pm umalis po ako dito sabahay bumyahe po ako here in bulacan to las piñas that wala nadin akong masyadong masakyan pero di ako sumuko kasi gusto kopa ding maayos yung relasyon namin saka inisip kodin na baka di totoo yung nabasa ko kasi kilala kosya 1:00 napo ng madaling araw pero wala padin akong masakyan sa Buendia nagtanong tanong nako kung may sasakyan pako then tinulungan ako ng guard don binigyan nila ko pamasahe kasi kulang nadin ako ng pamasahe pinag grab nadin nila ako para makarating nadin ako dun sabahy ng kapatid nya 2:00 nakarating nako don pero alam ko talaga dun sya (yung partner ko) umuwi sabahy ng mama nya then kahapon po nalaman ko narinig ko sa mga sinabi ng mama nya na magkasama pala yung partner ko then yung ex nya habang pala nagchachat ako saknya na nagmamakaawa ako saknya katabi nya na pala ex nya haha inantay ko silang magpunta dun sabahy ng kapatid nya at nagpunta nga magkasama sila ng ex nya nagkabalikan na pala masakit din para sakin yung nakita ko pero pinaglaban kopadin yung sarili ko na inaway ko yung babae nung sinampal ko babae nya nagalit sya naka cover sya dun sa girl kung alam kolang na nagbalikan sila ng ex nya dina sana ako nag effort na pumunta dun sa las piñas masakit pero gusto ko syang bawiin dun sa girl, advice lang po wag nyo din po sana ako i-judge kasi nagmahal lang din ako advice nalang po sana dapat kopo bang bawiin ko yung minsang naging part ng buhay ko at tumulong sakin sa lahat o hayaan konalang sila ng ex nya? sobra ko pong minahal yung tao masakit po sakin lahat ng nangyari.

✍️Grabe ka 2025, kakasimula mo palang pero ganito na binigay mo sa akin.. Kong gaano ako ka swerte nong 2024, mas lalo m...
01/06/2025

✍️Grabe ka 2025, kakasimula mo palang pero ganito na binigay mo sa akin.. Kong gaano ako ka swerte nong 2024, mas lalo mo pa ako biniyayaan ngayong 2025…..

✍️Kaya ang masasabi ko lang sa inyo, Forget and forgive sa mga taong nanakit sayo at nakalimot, Dahil mas lalo kang e blessed…

✍️ Wala pa tayo sa kalahati sa buwan nato pero ito kana… 🙏🙏🙏🙏

✍️ Syempre mamimigay din tayo sa mga laging nandito……

✍️ minsan lang talaga ako mag p**ita baka kasi sabihing nagmamayabang,😂😂😂😂😂😂😂

✍️ kayo nalang magbilang huh… kong magkano yan . Convert nyo nalang ang USD to pesos….

✍️🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
Maraming salamat sa lahat ng nandito , sanay di kayo magsawa .

“ Ang Swerte mo kapag meron kang ganitong kaibigan, Pupuntahan kalang sa bahay nyo para siya na maghugas ng mga pinggan ...
01/05/2025

“ Ang Swerte mo kapag meron kang ganitong kaibigan, Pupuntahan kalang sa bahay nyo para siya na maghugas ng mga pinggan ninyo”😂😂😂😂 Aw … wag natin abusuhin baka di na yan babalik dito wala na akong taga pag hugas ng pinggan at taga vacuum … 😂😂
Janerose Rivera…

“LAPAG GKASSSS # at picture na nag hugas kayo ng mga pinggan gaya nitong jumega ko.. mamili ako dito sa comment section…

✍️ Sana araw arawin mo madamdamin huh ang pag punta😂😂😂
✍️ tapos si markus ang taga linis sa toilet namin kasi gusto nya din mag linis….


Good evening A&B Isa po Akong silent reader niyo lagi kopong binabasa Ang mga nag sesent ng story Sayo...itago niyo nala...
01/05/2025

Good evening A&B Isa po Akong silent reader niyo lagi kopong binabasa Ang mga nag sesent ng story Sayo...itago niyo nalang po Ako sa pangalan na Melanie totoo kopo itong account A&B p**i tago nalang po may asawat anak po Ako tatlo ung anak ko lahat po sila ay lalake may problema po Kasi ako ung bunso kopong anak is mag 5months palang po ngayong January 8 ung problema kopo maraming p**a2x sa katawan Niya ung tumutubo tapos Nung Friday ung pampers niya na may ihi parang p**a tapos kanina po ung pampers niya parang may plema Ewan kopo ba hinde kopo alam humihingi po Ako ng advice sa Inyo kung ano poba Ang dapat kong Gawin pasensiya napo kayo sa sulat ko Hinde po Ako marunong gumawa ng sulat sana maiintindihan niyo po at mabigyan niyo po Ako ng advice
Thank you po A&B

✍️Marerealize nyo lang ang lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang nyo kapag pagod na yung laging umiintindi sa inyo.Kap...
01/05/2025

✍️Marerealize nyo lang ang lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang nyo kapag pagod na yung laging umiintindi sa inyo.
Kapag natutunan na nilang magpatawad, ngunit hindi na kaya pang maghintay.

✍️Kapag laging andiyan para sa'yo, pero dumating ang panahon na kailangan na nilang magpahinga, at doon mo lang napagtatanto na matagal na nilang isinakripisyo ang sarili nila para lang sa'yo. Hindi lahat ng tao kayang magtitiis magpakailanman.
✍️
Minsan, kailangan natin alalahanin na hindi lang tayo ang may mga pinagdadaanan, kundi pati sila na walang sawa sa pag-unawa sa atin. Kaya bago mo masabi na "nandiyan lang naman sila palagi," isipin mo muna kung gaano karaming oras, pasensya, at pagmamahal ang inalay nila para lang mapanatili ang relasyon.

✍️Huwag mong hintayin na maging huli na ang lahat bago mo matutunan ang mga bagay na hindi mo kayang ipaliwanag.

I ALREADY ACCEPTED THE FACT THE PERSON WITH DISABILITY NA AKO AT PILAY NA LIFETIME.Sana basahin nyo, magbabasa ako ng co...
01/04/2025

I ALREADY ACCEPTED THE FACT THE PERSON WITH DISABILITY NA AKO AT PILAY NA LIFETIME.

Sana basahin nyo, magbabasa ako ng comment or thoughts nyo about my situation, thank you.^^

Hi, readers. Second story ko na here if ever mapost 'to, but will not mention what was the first story.

August 2024, naaksidente kami ng friend ko sa motor (may kabanggaan kaming tricycle pampasada). Backride ako at yung friend ko ang driver (gay sya), from the start sa kanya na talaga ako lagi nakaangkas kapag may rides ang tropa at yung aksidenteng kinasangkutan namin ay first time ever namin yun parehas. We all thought na yung friend ko ang nagrabe ng tama since nabiak ng malalim ang noo nya na need tahiin, madaming rungas sa braso at binti at nagkahiwa ng mahaba ang legs nya na need din tahiin, samantalang ako ang tama ko lang ay rungas sa braso, binti at tuhod. Yung driver ng tricycle na nakabangaan namin walang sugat kahit ano. Buong akala namin ako ang mabilis na makakarecover at yung friend ko ang medyo matatagalan sa pag recover since mahahaba ang tinahi ng ulo at legs nya. Pero ilang linggo lang yung friend ko magaling na, nakakapaglakad na ng parang walang nangyari though may mga peklat talaga sya. Samantalang ako eto, never na ata akong makakapaglakad ng ayos since yung tuhod ko ay hindi na naging okay.

Walang MRI/XRAY na nangyari sa tuhod ko kasi hindi sinagot ng nakabanggaan namin kasi ang sabi nung nakabangaan namin nung nag usap kami sa barangay ay kung magdedemand kami ng gamot/xray/ct scan/ etc. ay magdedemand din sya (yung nakabangaan namin) na ipaayos daw namin yung tricycle nya since nawasak yung salamin sa harap at nayupi yung harang sa harap. Wala kaming ganung halaga para ipaayos ang tricycle nila kaya nag give na lang kami, nagkanya kanya ng pampagamot kumbaga. Nagpahilot lang ako sa traditional hilot dito samin at ang sabi ay okay naman daw ang tuhod ko hindi naman na dislocate or what pero until now talagang hindi ako makapag lakad ng ayos.

May part sakin na naiinggit ako dun sa friend ko kasi okay na okay sya, peklat lang yung natira sa kanya, nakakapaglakad sya ng ayos at nakakapag drive na ng motor ulit samantalang ako ilang buwan ng nakatengga sa bahay at pag napapag usapan namin dito sa bahay yung aksidente pinagagalitan ako ng mama ko at naiiyak ako pag naiisip ko na lifetime na yata akong magiging pilay at talagang person with disability na ako.

Pinanghihinaan ako ng loob sa tuwing naiisip ko ang future ko, like ano na mangyayari sakin in the future? Ganto na lang ba ako? Hanggang dito na lang ba ako? May manliligaw at magkakaasawa at anak pa kaya ako? Makakapag abroad pa ba ako kagaya ng pangarap ko?

But I set aside those thoughts of mine and accepted the fact na eto pilay na yata talaga ako lifetime but my future and dream will never stop. I will continue pursuing my dreams for me to have a better future. Plan ko ulit na this year 2025 ay makapag work ulit and hopefully may tumanggap saking company kahit na ganto ang kalagayan ko.

Sa friend ko, bii naiinggit ako sayo pero okay lang ako. Always cheering myself up, don't worry about me na.

Sa nakabangaan namin, condolence po sa family nyo, your wife will never feel the pain na po at happy na po sya sa heaven, binabantayan kayo ng mga anak nyo.(nasa ospital at lumalaban sa sakit yung wife nya nung time na naaksidente kami).

To myself, go bii! Cheer up! For your future sake you can do it! Don't be negative na ha? Always be positive na. Gagaling ka din tiwala lang!

💕 DOON KA BUMAWI SA TAONG TUMULONG SA'YO NOONG WALANG-WALA KA, HINDI SA TAONG BUMAIT LANG SA'YO NOONG NAKABANGON KA NA.✍...
01/04/2025

💕 DOON KA BUMAWI SA TAONG TUMULONG SA'YO NOONG WALANG-WALA KA, HINDI SA TAONG BUMAIT LANG SA'YO NOONG NAKABANGON KA NA.✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

✍️May mga taong dumating sa buhay mo noong panahon na halos wala kang maibigay, walang maip**ita, at walang maipagmamalaki. Sila yung hindi nagdalawang-isip tumulong kahit walang kasiguraduhan na may maibabalik ka sa kanila. Sila yung umunawa noong oras na hindi mo pa kaya, at sila rin ang naniwala noong p**iramdam mo'y wala nang naniniwala sa'yo.

✍️At ngayon, nakabangon ka na. Dumami na ang taong bumait sa'yo. Pero, tandaan mo: ang tunay na pagpapahalaga, hindi dapat nakabase sa kung sino ang nandiyan noong maganda na ang lahat. Bumalik ka sa mga taong sinamahan ka noong magulo pa ang mundo mo. Sa kanila mo ibigay ang pasasalamat, hindi lang sa salita, kundi sa gawa……………..😅

✍️Dahil sa dulo ng lahat ng tagumpay, mahalaga pa rin ang tanong na: "Sino ba ang nandiyan noong walang-wala ka?" Sa kanila dapat ang lahat ng pagmamahal at pagpapahalaga, dahil ang hirap at sakit ng buhay mo noon ay naging mas magaan dahil sa kanila………………

✍️✍️✍️📝📝📝📝📝📝📝💕💕💕💕💕
😂😂😂📝📝📝📝📝📝📝📝💪💪💪💪🙏🤭🤭🤭🤭🤭

Naranasan niyo na bang questionin ng nanay niyo yung pisikal na kaanyuan niyo at punahin lahat ng kakulangan mo?Kasi ako...
01/04/2025

Naranasan niyo na bang questionin ng nanay niyo yung pisikal na kaanyuan niyo at punahin lahat ng kakulangan mo?

Kasi ako OO....

Simula noong bata pa'ko ay madalas ko na marinig si mama na nagrereklamo about every aspects of me. Mabuti sana kung yung nirereklamo niya is about my attitude or behavior lang kasi kayang-kaya kong iadjust yun but hindi e, madalas niya 'kong icompare sa mga kasing edad ko na magaganda ang katawan, mapuputi, magagaling umawit at sumayaw. Anong magagawa ko? Pinanganak niya kong morena ang balat, hindi matangos ang ilong at wala rin akong kaakit-akit na boses at malambot na katawan pagdating sa sayawan. The only thing na nakita kong way para ma satisfied ko siya is to finish my studies and follow all her rules but sadly, nagtapos lang ako ng college na the same thing pa rin ang inerereklamo niya about me and the worst is, dinadamay niya na ang profession ko, like sasabihin niya na teacher nga daw yung tinapos ko pero wala naman akong katalent-talent ni isa. It tears me down every time naririnig ko yun sa kanya. I even questioned myself kung ano bang magaling sa'kin. During my college days, she expected me to graduate with flying colors but unluckily hindi ko na bigay yung gusto niya. Hindi naman mababa yung grades ko kasi ilang points nalang sana mapapabilang na'ko sa cm laude pero hindi inabot e. Hindi niya sinabi pero alam kong disappointed siya. One time during my review days ay biniro ko siya na gagalingan ko ng sobra sa pagrereview para maging top 1 sa board exam, alam ko naman na malabo yun kasi sobrang hirap ng Major ko but she answered me this way, "Ay nako, wag ka nang umasa na mapapabilang ka sa topnotcher, e nong college ka nga hindi mo nagawang maging cm laude sa board exam pa kaya na ang daming matatalino." Honestly, upon hearing her response ay sobrang nasaktan ako but hindi ko yun pinahalata, instead I smiled at her and said " Oo nga ma, sana maka 75 pa'ko." Sobrang nakakapanghina pala ng loob kung yung mismong pamilya mo ang walang tiwala sa kakayahan mo. All my life, never kong naramdaman na naging satisfied siya sa kung anong meron ako because she always forced me to become someone na hindi naman ako. I've tried my best to reach her standard of a good daughter but my best wasn't good enough to make her proud of me. Sa aming magkakapatid, ako yung laging nandiyan pag may problema siya but I never became her favorite. Pag may school works ang kapatid ko na kahit sobrang dali lang naman dapat ay obligated ako na gawin yun para sa kanya kasi pag hindi pagsasabihan ako ni mama na wag akong panay reklamo kasi tulong ko nalang daw yun sa kapatid ko, sa isip ko, hindi naman tulong yun kundi tinotolerate niya ang katamaran ng kapatid ko. At pagdating naman sa isa pa naming kapatid na walang matinong desisyon sa buhay ay palagi niya akong pinagsasabihan na pagmatanda na kami ay wag na wag ko raw pababayaan ang kapatid namin kasi walang magandang trabaho, dapat daw bigyan ng tulong. Pero pagdating sa akin, never ko siyang narinig na pinagsabihan ang mga kapatid ko na pag ako nangailangan ng tulong wag na wag nila akong pababayaan. Kahit naman hindi niya na ako pagsabihan ay gagawin ko talaga yun kasi kapatid ko sila pero ang ikinakasama ng loob ko eh ipinapamukha niya sa akin na ang damut ko raw kasi hindi ako nagbibigay sa kapatid ko kahit piso, e wala talaga akong maibibigay kasi wala pa naman akong maayus na trabaho.

By the way, before I end my story, I am Gel and it's my third time sharing my personal experiences here in this page. The very first story na sinend ko dito is about my complicated love life which is now already resolve because of the advice came from the readers. Second is about my emotionally abusive father which is not totally resolve because paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang pagiging mapintas niya sa words. And I'm hoping na maka receive ulit ng good advice regarding my story above. Thanks everyone.

!!! A place i can actually call "home"and i promise to build a home where there will be no yelling, screaming, or fighti...
01/03/2025

!!! A place i can actually call "home"
and i promise to build a home where there will be no yelling, screaming, or fighting. just a comfortable space where everyone can be vulnerable and can communicate their feelings without being invalidated. where everyone is heard and appreciated. I promise to build a place that i can actually call "home"…..📝📝📝📝✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
❤️❤️❤️🏠🏠🏠🏠🏠🏠🏠🏠

A&B DAILY DIARY 📝📝📝✍️✍️✍️

Dear miss A&B gusto ko lang e share sa inyo tsaka sa members dito ung about sa love life ko Wala lang magawa kaya share ...
01/03/2025

Dear miss A&B gusto ko lang e share sa inyo tsaka sa members dito ung about sa love life ko Wala lang magawa kaya share share lang haha itago niyo na lang po ako sa pangalang Airah Isa PO akong maranao(MUSLIM)actually naka 4 boyfriend na ako pang 5 ung ngaun hahah kaso yung iba sa messenger lang nakuha lang sa filter hahahah so ito na ung first diko pa feel ung about sa love love parang ung sinasabi nilang poppy love lang parang ganun naramdaman ko lang ng mainlove ngaun sa jowa ko oo magkaiba kami ng relehiyon Isa syang bisaya be4 kami nagkakilala balik Islam na sya tsaka diko pa alam nun na iba pala sya alam kung bawal ung makipag relasyon sa hindi namin kauri pero anung magagawa ko admin kung ganito talaga sadyang bulag naba talaga ang pag ibig mag 3 yrs na kami ng nabuntis nya ako tapos umuwi kami sa kanila ng hindi alam ng mga parents ko kasi alam kung pag nalaman nila kakalimutan na nila ako pero mahal na mahal ko pa Sila miss na miss Kona din Sila pero hindi ako maka uwi sa kalagayan ko ngaun hindi ko alam kung anung gagawin ko gusto ko lang sana advice kung paano ko to lalabanan mahal na mahal ko PO kasi ung jowa ko tsaka lagi kung sinasabi na kahit manganak pa ako hinding hindi ko sila iiwan dahil gusto ko dalawa kaming magksamang gagabay sa magiging anak namin kaso hindi ko alam kahit dipa man malaman ng pamilya ko yung sitwasyon ko ngayon diko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila baldng araw na may anak ako ang hirap kasi hindi nila tanggap yung jowa ko pero ung pamilya ng jowa ko ang Ganda ng trato nila sa akin lalo na yung mama nya bat ganun bat napaka unfair dati ipapaasawa nila ako sa hindi ko mahal hindi ko kilala tapos nung pinakilalla ko sa kanila yung jowa ko ayaw namn nila ano ba ang dapat kung Gawin admin hanggang dto na lang muna sorry diko alam kung maiintindihan ba ung story ko diko PO kasi alam kung paano sisimulan hahaha basta sguro tama nga yung sabi nilang love is blind😩..



A&B DAILY DIARY 📝📝📝📝

“✍️ Life will always test us, often in the moments we least expect. It's not about counting how many times you've stumbl...
01/03/2025

“✍️ Life will always test us, often in the moments we least expect. It's not about counting how many times you've stumbled or fallen.

✍️What truly matters is how many times you've picked yourself up, dusted off the pain, and faced the world again-stronger, braver, and wiser.

✍️Each fall is not a failure but a lesson. Each moment you rise is a testament to your courage. When you reflect on the battles you've faced, remind yourself of all the times you thought, "I can't do this anymore," yet somehow, you did.

✍️So, the next time life throws another storm your way, pause and tell yourself, "I've conquered this before. I'll conquer it again." Every challenge you overcome builds your resilience. Every victory, no matter how small, is proof that you're capable of surviving, thriving, and shining in ways you never imagined.

✍️Remember, you're not defined by your falls but by the power of your comebacks. Keep going-you are unstoppable.💯💯💯💯

……..✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️📝📝📝📝📝📝📝📝📝✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
💯 percent True ….


A&B DAILY DIARY 📝📝📝✍️

!!!MUST READ….✍️✍️✍️📝📝📝📝📝📝📝📝.👉Ngayong 2025, huwag mong gawing biro ang sarili mo. Huwag mong hayaang magamit ka ng ibang...
01/03/2025

!!!MUST READ….✍️✍️✍️📝📝📝📝📝📝📝📝.
👉Ngayong 2025, huwag mong gawing biro ang sarili mo. Huwag mong hayaang magamit ka ng ibang tao para sa kanilang sariling interes.

👉Isang ton na naman ang nagbukas, at panahon na para mas maging wise ka sa mga desisyon mo, lalo na sa mga taong pumapaligid sa'yo. Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay may magandang layunin. May mga taong makikita mo lang kapag kailangan nila ng tulong, pero kapag ikaw na ang nangangailangan, naglalaho sila.💪💪💪

📝Mahalaga na maging mapanuri ka sa mga taong pinapayagan mong magpaka-close sa'yo. Iwasan mong maging uto-uto, dahil may mga tao na hindi tapat sa'yo, at ang tanging layunin nila ay makuha ang mga bagay na meron ka, o ang mga
pagkakataon na ikaw ay mahina. Matuto kang magtakda ng boundaries, at huwag mong hayaang manip**ahin ka ng iba. Ang tunay na mga tao na nagmamahal sa'yo ay hindi ka papabayaan, hindi ka gagamitin, at higit sa lahat, susuportahan ka sa bawat hakbang ng buhay mo.

📝Kaya ngayong taon, magtulungan tayo na iwasan ang mga toxic na relasyon at magpokus sa mga bagay na magpapalago sa atin. Iwasan ang pagiging uto-uto at magtulungan tayo na maging mas matalino sa mga taong pinipili nating pagkatiwalaan.✍️✍️✍️✍️

📝📝📝✍️✍️✍️✍️✍️💝💝💝

Hello A&B DAILY DIARY gusto ko lang po e share saiyo/sainyo ang kwento nang buhay ko, itago nyo nalang po ako sa pangala...
01/03/2025

Hello A&B DAILY DIARY gusto ko lang po e share saiyo/sainyo ang kwento nang buhay ko, itago nyo nalang po ako sa pangalang Zara, ako po ay nakatira sa south cotabato.

Ako ay ipinanganak noong hulyo taong 2005.
Nung ipinanganak ako ay nahihirapan ang nanay ko na e ere ako dahilan nang kanyang pagkawala at ako ang sinisisi nang aking mga kapatid(ate't kuya) dahil malas daw ako.

Nung tumungtong ako sa edad na labing lima ay nakaranas na ako na para bang iba kung tratuhin nang mga kapatid ko lagi nila akong pinapagalitan kahit wala namang dahilan.

Nung nag moving up ako nang g-6 ay tanging madrasta ko lang ang umakyat sakin, nung nawala kasi ang inay ay nag asawa ulit ang itay, wala lang nakakaproud lang kasi sa dami rami pa nang aakyat sya pa na madrasta ko lang🥹❤️ na minsan mabait madalas plastic grabe ang iyak ko nun kasi iniexpect ko na si papa ang aakyat sakin pero di man lang sya pumunta pero still blessed parin kasi andun ang madrasta ko🥹. At nung g-10 ay tanging si ate lang ang humatid sakin, at pagka abot ko nang bahay ay may konting handa and nagsalo salo na kami doon.

Pagka graduate ko naman nang g-12 ay naiinggit ako sa mga kasama ko kasi may dala silang mga magulang na maghahatid sa upuanan nang graduates habang ako na nag iisa lang nagmamarcha, at sobra ang hagulgol/hagulhol ko nang iyak noon dahil sa pinakamasayang araw ko doon pa walang may umatend sakin haha🥺 at naiinggit din ako sa mga kaibigan ko dahil may natatanggap silang regalo galing sa mga mahal nila sa buhay habang ako na nakaupo lang at nag aantay na makarating ang mga mahal ko sa buhay, at ang masaklap pa don ay wala man lang ako ni isang natanggap na greetings galing sa kanila like di man lang nila ako ni congratulate😭

Pagpasok ko naman sa college ay dito ko na naranasan ang pinaka worst dahil night class ang nakuha kong sched at dito na rin lumabas ang totoong kulay nang kuya ko, first day of class hinatid sundo nya ako at nung mga 4-5days of class na ay dito ko na naranasan ang paglalakad papuntang school, medyo malayo ang school saamin 30/40mns kung lalakarin bago marating school, Ang pasok ko kasi is 4-9pm so bale 9 ako mag a-out, so bale out ko na noon bale nagchat ako sa kanya sabi ko “kuya pasundo ako kasi gabi na” pero ang tangi nya lang sinabi ay walang gas kahit na meron naman, nag reply ako sa kanya na makihiram muna sya sa asawa nang ate kasi gabi na at gutom na gutom nako at ang sabi nya sakin ay maglakad ka nalang, parang wala syang pake sa akin sa kung may mangyari sakin sa daanan, mag isa lang kasi akong naglalakad pero hndi na ako natatakot siguro dala na nang gutom at pagod, tas nung pagkarating ko nang bahay ay exact 9:30/40 ata kasi ang curfew ko is alas otso pinagalitan ako nang lola ko kasi kasi bat daw late na ako umuwi, ang sabi ko ay naglakad lang ako kasi walang sumundo saakin, oo binibigyan nga nila ako nang allowance pero ang ibinibigay lang nila sakin na allowance is only 30 pesos at ipinagkakasya sa dalawang araw na ginagamit ko pa para sa pambili nang manila paper at marker pang gamit sa reportings at kung bibigyan man nila ako nang medyo lalaking halaga mga 50pesos na ipagkakasya kopa nang tatlong araw. Minsan nakikitulog pa ako sa bahay nang pinsan ko kasi angdilim na nang daanan papasok saamin at medyo magubat pa, natatakot ako na baka may mangyari sakin, ayoko maiwan ang lola ko kasi mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko.

Nung bakasyon ay syempre hndi ako nakapag bakasyon taong bahay lang ako eh lahat nang inuutos sakin sinusunod ko, dito kona naranasan ang minamaltrato ibig kong sabihin ay hndi patas na trato, oo may kuya nga ako pero sutil naman, Ramadan noon alas sais pm magbuka/kakain na kami at kakatapos ko lang maligo nun may nagpadala saamin nang binignit/sindol, Sabi ko lang sa kuya “kuya tirhan mo lang ako ha, dipa kasi ako nakabuka” pero ang ginawa nya itinapon nya sa akin ang mainit na sabaw nun😭

At ngayong 19 nako naranasan ko rin na sabunutan nya sabay suntok nang ulo ko at tanging pangalan lang nang madrasta ko natatawag ko, at nung pagpasok ko sa bahay nila ay nadatnan ko ang papa ko na galit na galit sakin, pinagbabantaan pa ako na kakatayin nyako pag di ako tumigil, galing kasi kami nang mga barkada ko nun sa resort naligo kami nang alas tres at nakauwi ako nang alas singko, pagkabukas ko palang nang pinto doon na ako minumura nang lola ko sabing “ngayon kalang umuwing hayop ka”😭 Sabi ko “bakit po”?, Sabi nya walang tubig mag igib ka, at nag igib nanga ako kasi wala pa kaming gripo kaya sa poso kami umiigib, pagkapasok ko nang mga gallons ay doon ay sinabihan ko lang si lola na “bat ako pa hinintay nyo na mag igib e andyan naman si kuya na nakahiga lang”at dun na sila nagalit hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang sakit nang ulo ko at parang may tumubong bukol at nalagas ang buhok ko, diko alam bat ganyan sya sakin pero ang suspetsa ko ay siguro kaya sya ganyan sakin ay ako ang sinisisi nya sa pagkamatày nang nanay namin.😭💔

Maraming salamat po A&B!❤️

Address

7888 Street
Vancouver, BC
V5P0A5

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A&B DAILY DIARY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to A&B DAILY DIARY:

Videos

Share