16/03/2024
Ngayon ko talaga napatunayan iyong sinabi sa amin ng teacher namin dati noong bata pa ako na ang tao raw ay daraan sa dalawang stages ng buhay. Una iyong maligalig ka at pangalawa iyong wala ka nang pakialam. Totoo nga kasi habang bata-bata ka pa, andyan pa iyong mga moment na nagi-explore ka ng mga bagong experience. Andyan pa rin iyong urge mo na palawakin pa ang iyong network or circle of friends. Hanggang sa dumating iyong moment na unti-unti mong nari-realize na ang buhay ay hindi naman padamihan ng kaibigan o kasama. Ang mahalaga na lang sa atin iyong kung sino ang totoo sa atin. Wala na tayong pakialam kahit iwan tayo ng mga tao na dati ay itinuring nating kaibigan. Mas natututo tayong i-value iyong mga tao na totoo sa atin sa harapaan at lalo sa talikuran. Iyong mga tao na andyan sa iyo kahit wala silang napapala sa iyo. Andyan sila kasi itinuturing ka nilang kaibigan. Ako sa totoo lang allergic ako sa mga tao na obviously ay nakikipaglapit or nakikipagkaibigan lang naman sayo kasi akala nila may mahihita sila sa akin or whatsoever. Sa mundo na puno ng mga plastic, napaka-rare ung magkaroon ka ng kaibigan na andyan sa panahon ng kalungkutan mo at hndi iyong andyan lang kapag may napapakinabangan sa iyo.
CcctoPinoyMajica