09/01/2025
TUMAWA KA😁
Isang araw may isang foreigner na pumunta sa barberya para magpagupit.
Foreigner: “Hi, can i have my hair cut?”
Barbero: “yes sir, what hair cut?
Foreigner: “ ordinary cut”
At umupo na ang foreigner sa upuan.
Ng malapit ng matapos, hinasa ng barbero ang labaha para sa trimming sa mga pinong buhok na naiwan sa batok at sa may tainga. Naisip ng barbero na sabihin sa foreigner na patapos na siya habang hinahasa ang pang-ahit. Pero nakalimutan niya sa ingles kung paano sabihin ito. Nag-isip sya ng malalim at bigla naalala niya ang palabas sa sine sa katapusan na THE END.
Barbero: “ Sir, this is your THE END.”
Foreigner: Biglang tumayo at kumaripas ng takbo ng napakatulin na naiwan ang tsenelas at walang lingonlingon.
Barbero: natulala at napakamot sa ulo😁🤣😁🤣😁🤣😂😁🤣😂🤣