04/11/2025
Kapag may nakikita akong nagreresign kahit wala pang bagong trabaho, hindi ko ito tinitingnan bilang padalus dalos na desisyon kundi bilang isang mensahe.
Hindi lang ito tungkol sa paghahanap ng mas magandang oportunidad. Madalas, ito ay tungkol sa pag-alis sa isang lugar na hindi na tama ang pakiramdam.
Natutunan ko na walang umaalis nang “wala lang.” Umaalis sila dahil sa kultura, pamumuno, o kapaligiran na unti-unting kumitil sa kanilang motibasyon o tiwala sa sarili.
Bilang mga pinuno, dapat nating tigilan ang pagtrato sa mga ganitong resignations bilang normal. Sa halip, dapat natin itong ituring na babala , isang senyales ng mga bagay na hindi na nasasabi ng ating mga team.