28/11/2024
M**F peace panel chair Iqbal, sinabing mas mabuting matuloy ang BARMM elections sa 2025 at hindi rin nababahala kung hindi na M**F ang mamumuno sa regional government
PARA kay Moro Islamic Liberation Front peace panel chair Mohager Iqbal, mananatili silang pabor na ituloy ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections sa susunod na taon.
Isa kasi sa kinakailangan para mapag-usapan na ang exit agreement ng GPH-M**F peace deal ay ang pagkakaroon ng regular government o mga opisyal na binoto ng taumbayan.
Hindi rin anila sila nababahala kung hindi na M**F-led ang BARMM government dahil dumaan ito sa halaan.
Bago ang exit-agreement, muling magpupulong ang government at M**F panel kasama ang Malaysian facilitators at ang Third Party Monitoring Team para pag-usapan kung naipatupad ang lahat ng nakapaloob sa kasunduan.
βKahit hindi na siguro fully implemented, kahit substantial nalang,β saad ni Iqbal.
βOn the part of the M**F, kahit matalo kami, we are duty bound, susunod kami sa kasunduan,β dagdag pa ni Iqbal.
βNais namin ng regular government para mapag-usapan na ang exit agreement,β ayon pa kay Iqbal.
Ginawa ni Iqbal ang pahayag sa isinagawang deliberation ng House of Representatives' committee on suffrage and electoral reforms nitong Miyerkules hinggil sa panukalang ilipat ang petsa ng first regular Bangsamoro parliamentary elections.
:dxms radyo bida cotabato city