Kapuso Warriors

  • Home
  • Kapuso Warriors

Kapuso Warriors Mahal namin si Gozon! Mahal namin ang DongYan! Mahal namin ang AlDub! Mahal namin ang mga Kapuso! Mahal namin ang GMA sa isip, sa salita, at sa gawa.

SCOOP: Humakot ng mahigit 420 MILLION online views ang kauna-unahan Star Magical Prom ng Star Magic, kung saan tampok an...
02/04/2023

SCOOP: Humakot ng mahigit 420 MILLION online views ang kauna-unahan Star Magical Prom ng Star Magic, kung saan tampok ang mga Gen Z Kapamilya stars.

Karamihan sa mga dumalo sa prom ay mga baguhan pa lamang sa showbiz subalit hindi ito naging dahilan upang hindi sila panoorin at tangkilikin ng mga Kapamilya fans sa online world.

Mula sa Facebook, Twitter, YouTube, Instagram, at TikTok, humakot ng mahigit 420,093,000 views ang nasabing prom ng Star Magic, base sa hashtags na , , , at .

Congratulations sa ating lahat, mga Kapamilya! Kita-kits sa susunod na taon! ❤️💚💙

“YOU SHOULD NEVER FEEL SUPERIOR.”LOOK: Andrea Brillantes, nagbigay ng payo sa mga bagong Star Magic artists sa naganap n...
31/03/2023

“YOU SHOULD NEVER FEEL SUPERIOR.”

LOOK: Andrea Brillantes, nagbigay ng payo sa mga bagong Star Magic artists sa naganap na .

“Bilang artista, sa trabaho natin, hindi natin sila (bashers) matatanggal. There will be and there will always be bashers. And you cannot please everyone. And honestly, ang advice ko lang, just don’t mind them. Alam ko, ang hirap no’n. Believe me. Ang hirap talaga no’n. Pero, they don’t really matter.

“You know what really matters? ‘Yung paano kayo bilang tao, paano ba kayo bilang artista. Kayo ba ay masipag? Kayo ba ay mabait sa lahat? O kayo ba ‘yung artistang nang-aapak ng iba upang makaangat?

“Kasi, a lot of us will demand and think kung ano’ng deserve natin. Iisipin natin na, ‘Sana, ako din,’ ‘Sana, ako na lang,’ ‘Kelan kaya ako, e matagal na ako dito?’ Listen, guys. Your time will come. You have to believe in God’s timing. And Siya lang talaga ang makakapagsabi kung ano’ng deserve natin.

“Ako, I had to work hard for ten years para mabilhan ko ng bahay ‘yung pamilya ko. It took some time. Pero it happened. ‘Wag kayong masayadong magpadala sa pressure.

“Nandito tayo kasi may pangarap tayo. Hindi ‘to pabilisaan. Hindi para malaman kung sino’ng mas mabilis sisikat. ‘Andito tayo kasi may goal tayong lahat...

“It’s really important to be kind to one another, hindi lang sa kapwa n’yo artista, hindi lang sa mga boss natin; dapat, sa mga staff, pati sa crew, you should give equal respect to everyone. You should never feel superior. Dahil malay n’yo, sa next project n’yo, sila na ‘yung direktor n’yo. Sila na ‘yung boss ninyo.

“And ako kasi, I’m a firm believer that if you do good, good will always come back to you. If you show humility, remain responsible, hardworking, god-fearing, and kind, everything will fall into place. Kaya let’s just focus on ourselves. If you fall, get back up! If you made a mistake, it’s okay. Lahat tayo dito, tao. Ang bata pa nga natin, ‘di ba?

“Ako, I made a lot of mistakes. Pero ang importante is natututo tayo. We learn from it; we do not make the same mistake twice. And bata pa tayo, guys. Let’s enjoy our youth. Let’s enjoy our youth na walang naaapakang iba. Let’s enjoy our youth while still taking responsibility as an actor; kasi, it’s a commitment… If you want to be successful, then, you need to prepare to make some sacrifices.

“For that being said, magtulungan tayong lahat. Nasa iisang kompanya lang tayo. ‘Lagi nating piliin ang pagmamahal.”

LOOK: Mama Loi Villarama, nakungkot at nasaktan para sa kaibigan niyang si Ogie Diaz, ang dating manager ni Hope Soberan...
01/03/2023

LOOK: Mama Loi Villarama, nakungkot at nasaktan para sa kaibigan niyang si Ogie Diaz, ang dating manager ni Hope Soberano, dahil sa controversial vlog nito.

Narito ang full transcript ng kanyang mensahe kay Hope:

“Ako ‘yung nalulungkot… and nahu-hurt para kay Nanay Ogie Diaz. Kasi, ‘di ba ‘nay, parang sa dinami-daming sinabi niya, sa dinami-dami nung oras na meron siya dun sa vlog na ‘yun, dalawang beses ko pang inulit eh… ni minsan hindi ko narinig na sinabi niyang, ‘Thank you, Tito Ogie,’ ‘Thank you ABS-CBN,’ Thank you, Tita Joni,’ at hindi ko narinig na, ‘Thabk you, Enrique Gil.’

‘Di ba, ito ‘yung mga tao, insitusyon na naging tulay para maging Liza Soberano ka ngayon? Ang tanong ko nga sa sarili ko eh, ‘Kukunin ka kaya ni James Reid kung hindi ka si Liza Soberano of the Philippines na sikat na sikat na aktres? Maggi-guest ka kaya sa Korea, sa America kung hindi ikaw si Liza Soberano na sikat sa Pilipinas? Kasi, tinitingnan din nila ‘yung body of work mo. Hindi naman basta lang sinabi ni James Reid na, ‘I-guest n’yo ‘to,’ o-oo na lang ‘yung production, ‘di ba? Iko-consider nila kung sino ka. At ‘yung kung sino ka ngayon, ang laking parte ng ‘dati’ na ‘yun ‘yung ABS-CBN, si ‘Nay Ogie, si Enrique, si Tita Joni, ‘di ba?

“Kung ano ‘yang ganda niya ngayon, na dati naman siyang maganda, sa pakiwari ko, sa personal opinion ko, ‘nay, mas lalo kang gumanda kasi naalagaan ka, naalagaan ka ni ‘Nay Ogie, ng ABS-CBN, ‘di ba? Kung talented ka ngayon na napakabilis mong umiyak, magaling kang umarte, salamat sa lahat ng ginawa mong proyekto sa ABS-CBN kaya ka naging eligible ngayon na maging aktres sa ibang bansa.

“Kaya doon ako nanggagaling, ‘nay; ‘yung lungkot ko na parang hindi man niya intensyon na ma-put kayong lahat in a bad light, sa mga sinabi niya, ganun ‘yung nangyari. Para tuloy kayo ‘yung nakaraan na hindi siya masaya. ‘Yung resentflui siya of her past, resentful siya na sumunod lang siya sa inyo, resentful siya na isinuot lang nya ‘yung gusto n’yong ipasuot sa kanya, ‘di ba? Parang ganun lang ‘yung naging dating siguro sa akin bilang fan, ‘di ba?

“Ganun ‘yung parang naging interpretasyon ko after watching her vlog. Parang, ‘Ha? So, all these years, hindi ka pala masaya?’ Ang sad.

“Kahit na gusto niyang magsimula, parang binura niya ‘yung past niya. Lalo na IG niya, sa YouTube niya, binura niya lahat ng posts niya, ‘di ba?

“Darling hindi mo na mabubura ang buong internet. Kapag merong kukuha sa atin, igu-Google pa rin nila tayo. ‘Sino ba ‘to?’ At lalabas doon lahat ng magagandang nagawa mo in the past. Kahit wala man ‘yan sa IG mo, sa YouTube mo, ‘di ba? Nasa-sad lang talaga ako, ‘nay.”

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapuso Warriors posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share