
07/05/2022
Sa pagsasara ng yugtong ito na magbubunga ng malaking pagbabago sa kinabukasan ng bawat isang pilipino, bilang mga kabataang mamamahayag, kaisa kami sa pagtaya sa isang gobyernong tapat na siguradong iaangat ang buhay ng lahat.
At ngayon, kung saan ang pag-asa ay nasa atin ng mga kamay, kasama kami sa paghahangad at pagsasakatuparan ng isang inklusibo at mapagkakatiwalaang pamahalaan na buong pusong inihain ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa bawat isa.
Sa huli, sa kabila ng bilang ng mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa katotohanan, bilang mga kabataan, ang aming pagtindig ay para sa kinabukasan na lagi't laging para sa bayan, at higit para sa mamamayan.
(Disclaimer: The views and opinions expressed by the organization do not represent the views and opinions of the school or any of its' affiliates)