Panoorin | Mensahe ng pasasalamat ni Mayor Ben Patron ng San Jose, Batangas kay Sen. Bong Go sa kanyang buong-pusong suporta sa pagpapatayo ng Super Health Center sa kanilang bayan. 🏥✨
Kuya Bong Go
Bago na mga kumare ni Bong Go
San Jose, Batangas Tourism Office
LGU San Jose, Batangas
Vanessa Patron
Southpost PH
South News Digest
The Kliping Times Online
#KuyaBongGo #BongGo #BisyoAngMagSerbisyo #MrMalasakit #mayorbenpatron #ParneSaSanJose #SerbisyongPATRON #benpatron
#MalasakitCenter #SanJoseBatangas #SerbisyongTotoo #ParaSaBayan
Live
Inauguration of the Newly built Super Health Center at San Jose Batangas with Senator Bong Go.
Live
SM City Santa Rosa Grand Magical Parade
Kabakahan Festival 2024: 75th Founding Anniversary ng Padre Garcia
"Turismong Garciano, Kakai-BAKA: Disiplinado at Mabuting Tao" 🐮
Masayang ipinagdiwang ng bayan ng Padre Garcia, Batangas ang kanilang 75th Founding Anniversary sa ilalim ng temang “Turismong Garciano, Kakai-BAKA: Disiplinado at Mabuting Tao.”
Highlight ng selebrasyon ang parada ng 50 lechong baka, na pinagsaluhan ng mga residente at mga bisita mula sa iba't ibang lugar.
Dumalo sa pagdiriwang sina Gng. Leila de Lima, Sen. Bato Dela Rosa, Gov. Hermilando Mandanas, Cong. Lianda Bolilia at Cong. Caloy Bolilia, na nagbigay suporta sa pagpapaunlad ng turismo sa bayan.
Bukod sa parada at kainan, nagkaroon din ng makukulay na aktibidad at pagtatanghal na nagbigay-diin sa kultura, kasaysayan, at kahalagahan ng disiplinado at mabuting pamayanan sa pag-unlad ng Padre Garcia bilang sentro ng kalakalan ng baka sa bansa.
Mike C. Rivera
Mike Rivera
Municipality of Padre Garcia
Tourism PadreGarcia
Live
Live | Kapihan sa Tanauan Component City Police Station with Lt. Col. Virgilio Jopia.
Philip Salvador, Kaagapay sa Serbisyong Pangkalusugan ng Bayan
Malvar, Batangas – Pinatunayan ng batikang aktor na si Philip Salvador , kilala bilang “ Mr.IPEktibo ,” na ang malasakit at pagkakaibigan ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.
Kahapon, Nobyembre 21, naging saksi si Salvador sa makasaysayang inauguration ng Super Health Center at turnover ng mga ambulansya para sa Malvar at Sta. Teresita, Batangas. Sa harap ng mga mamamayan, ipinahayag niya ang suporta at paghanga sa matalik niyang kaibigan, si Senator Bong Go, sa patuloy nitong dedikasyon sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.
“Ang tunay na magkaibigan ay walang iwanan at nagrerespetuhan,” mariing binigkas ni Salvador habang pinupuri ang malasakit ni Go sa sambayanan. Ayon sa kanya, ang mga proyekto ng senador ay patunay ng tiwala ng tao sa kanyang pamumuno.
Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng programa ni Senator Go na magbigay ng abot-kamay at dekalidad na serbisyong medikal para sa mga Pilipino. Para kay Salvador, ang pakikiisa sa ganitong mga proyekto ay hindi lamang tungkol sa pagkakaibigan kundi pati na rin sa pagmamahal sa bayan.
Muling nagpamalas ng inspirasyon si Philip Salvador, hindi lamang sa larangan ng pelikula kundi pati na rin bilang katuwang sa pagbibigay ng tunay na serbisyo para sa kapwa. Via Kristal Candaza |Team Southpost
Southpost PH
South News Digest
The Kliping Times Online
Bago na mga kumare ni Bong Go
Kuya Bong Go
#calabarzontoday #NewsUpdate #SouthNews #teamsouthpost #MrMalasakitSenatorBongGo #MrIPEktibo #PhilipSalvador #BongGo
Taos-Pusong Serbisyo, Hatid ni Gov. Sol Aragones sa San Pedro at Santa Rosa, Laguna!
San Pedro, Laguna –Nobyembre 12, 2024, muling pinatunayan ni Governor Sol Aragones ang kanyang malasakit sa mga kababayan sa Laguna. Personal niyang binisita ang mga komunidad sa San Pedro at Santa Rosa upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa Barangay Landayan, mahigit 1,400 residente ang nabigyan ng relief goods. Ang bawat tulong na ipinamahagi ay nagbigay ng ginhawa at pag-asa sa mga pamilyang patuloy na nagsusumikap sa kabila ng hamon ng buhay.
Pagkatapos sa San Pedro, nagtungo si Gov. Sol sa Barangay Macabling, Santa Rosa, kung saan personal niyang ipinamahagi ang tulong sa Sitio Iraq at Centennial. 500 katao ang nakatanggap ng ayuda sa bawat bahagi ng barangay, at sa bawat ngiti at pasasalamat na ipinarating ng mga residente, ramdam ang malasakit ni Aragones.
Maraming nagpasalamat hindi lang sa relief goods kundi sa pagkakataong makausap si Gov. Sol—isang lider na hindi lamang nagdadala ng tulong, kundi nakikinig at nakikisalamuha sa mga pangarap at pangangailangan ng bawat isa.
Sa kabuuan, mahigit 1,300 residente sa Santa Rosa ang natulungan, at sa bawat pagbisita ni Gov. Sol, hindi lang siya nagbigay ng tulong, kundi ng isang paalala na may gobyernong handang magsakripisyo at maglingkod para sa mga mamamayan. Via Kristal Candaza |Team Southpost
GOByernong may SOLusyon
Southpost PH
South News Digest
TheKliping Times Online
AKAY ni SOL
#calabarzontoday #teamsouthpost #NewsUpdate #SolAragones #SouthNews
#GovSolAragones #TulongParaSaLahat #GobyernongMaySOLusyon #AkayNiSol #AkayNiSolPartylist
PANOORIN | Good news, mga taga-Calamba! 🎉 Bukas na ang Calamba City Action Center ni Sol Aragones para sa libreng branded na maintenance medicines! 💊💙
Sa bawat pagpunta sa Action Center, maaaring makakuha ng libreng gamot tulad ng:
✅ Amlodipine
✅ Losartan
✅ Metformin
✅ Rosuvastatin
📅 SCHEDULE: Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 9 AM hanggang 3 PM
📍 Matatagpuan sa Barangay Uno, Riverside, halos kaharap ng Meralco
**REQUIREMENTS:**
✅ Pinakabagong reseta mula sa doktor
✅ Family Card
Huwag palampasin ang serbisyong ito para sa mas malusog na komunidad!
AKAY ni SOL
Sol Aragones
GOByernong may SOLusyon
Southpost PH
South News Digest
TheKliping Times Online
Via Kristal Candaza | Team Southpost
#calabarzontoday #NewsUpdate #SouthNews #teamsouthpost #AkayNiSol #SolAragones
Live
Live | Join us this morning for an insightful discussion at Kapihan sa Bagong Pilipinas, featuring the National Irrigation Administration Calabarzon.