03/05/2024
Ano ba talaga ang papel ng isang babae sa buhay ng isang lalake?
Una, niligawan mo yan ,ginawa mo lahat ng effort para makuha mo sya kaya wala kang karapatan na saktan sya sa isip o katawang lupa. At hindi mo yan pinakain at inalagaan mula pagkabata hangang kinuha mo sya sa kanyang mga magulang.
Pinagkatiwalaan ka nya,binigay ang buhay nya para sayo,lahat lahat kinuha mo wala na syang tinira para sa sarili dahil pinasakop na nya sayo ang buhay na kasama ka.
Ang babae mahina,walang lakas para gantihan ka.tanging bunganga ang sandata.Ano ba naman ang lakas ng isang babae kumpara sa isang lalake? Isang malakas na sampal,tadyak,bugbog ba ang ganti mo sa bawat pagkakamali ng esposa mo? GAANO BA KALAKI NG KASALANAN NYA PARA UMABOT PA SA PAMBUBUGBOG MO? dapat alam nyo rin ang limitasyon mo bilang isang lalakeng may dignidad. Dahil ang tunay na lalake hindi magawang manakit ng babae.
Pangalawa, Pinakasalan mo sya. Sya ang nagpuno ng pangarap mong buhay.Binigay nya buong pagkatao,binigyan ka ng tahanan na ang inaasam mo.Mga anak na magmamana sa apelyedo mo.
Pinagsisilbihan ka. Kaya naman dapat kang mahiya. hindi porket somobra sya sa kaseselos o kabubunganga ay dapat mo ng saktan? Hindi? Ang sabihin mo wala kang kwentang asawa dahil hindi mo naiintindihan ng damdamin ng esposa mo.Hindi basehan ng pambUbugbog mo sa ano man pagkakamali ng isang babae.
Kung may lakas ang mga babae na kayang tumbasan ng lakas mo,100% sure kahit magkamatayan hindi yan uupo o sasalo sa mga suntok,tadyak o sampal na pinararanas mo.Gaganti ang mga yan.Wag naman sanang dumating yung panahon ng kamuhian ka nya dahil sa mga nararanasan nya sa poder mo.Dahil kapag nawala na ang pagmamahal ng esposa mo,magiging malamig na ang binuo nyong pugad.Hindi na maibabalik ang tunay na pag-ibig kapag sobrang nasaktan.
Note: ANG TUNAY NA LALAKE AY HINDI NANANAKIT NG ISANG BABAE😥