09/03/2024
BAGO KA PUMASOK SA RELASYON: PERIOD, PURPOSE, PERSON, PERSPECTIVE. Kung jowang-jowa ka na, reflect muna. Ayusin muna ang pagtingin sa apat na iyan kung nais ninyo ng relasyong hindi dudurog sa inyong pagkatao. Else, baka maging bopis ang puso ninyo.
Una, alamin ang tamang panahon (period) kung kailan ba talagang dapat nang magkajowa. That is, kung ready na ang buo mong pagkatao na harapin ang responsibilidad ng pagkakaroon ng isang partner. Ang seryosong relasyon ay hindi pambata, kundi sa mga taong buo na ang puso at diwa. Tandaan: “Kapag wala sa
tamang panahon, mahirap i-sustain ang relasyon”
Pangalawa, reflect bakit ka magjo-jowa (purpose). Kung trip-trip lang iyan ay huwag na. Sasaktan mo lang ang iyon sarili o ang iba. Seryoso ka bang dalhin yan for long-term commitment o pafling-fling lang? Isang institusyon na nilikha ni Lord para sa maayos na pagsasama ay ang kasal. It is not only a piece of paper but a covenant design for partners to be one in all domains of their lives--physically, emotionally, mentally, socially and spiritually. Tandaan: “Kapag mali ang dahilan, wait ka lang kung kailan ka masasaktan”
Pangatlo, alamin ang ugali ng jojowain (person). Hindi kumo pogi o maganda ay fit na kayong dalawa. Consider his/her family background and genuine behavior and attitudes. In the context of friendship, doon mo mas lubos makikilala ang isang tao. Get to know the person first then you decide kung kaya mo siyang makasama habambuhay. Tandaan: “Kapag hindi meant to be, huwag mong tawaging “baby”.
Lastly, paano mo tinitingnan ang relasyon (perspective) in the light of eternity? We are created for God's pleasure and glory (ref. Rev. 4:11, Acts 17:28), Isaiah 43:6-7. Siya ang unang pini-please dapat, hindi ang sarili o iba. At the end of our lives, Siya pa rin ang dapat nagmamay-ari ng ating buong pagkatao. Single o taken, dapat si Lord ang first and endless love mo. :)