12/08/2024
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
โ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐โ
Wikang Filipino bilang Instrumentong Nagpapalaya
Sa gramatikang Filipino, ang panlaping-unlaping โMapagโ ay nagsasaad ng kawilihan o pag-uugali tulad ng mapagkalinga, mapagkawang-gawa, mapagpatawadโsa tema ngayong taรณn ay MAPAGPALAYA. Kung sa gayon, itรณ ay pag-uugaling nagpapalaya ang mapagpalaya.
Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya?
1. Kung mayroong wikang magbibigkis sa gitna ng hidwaan, mawawakasan ang sigalot sa dalawang panig na hindi nagkakaunawaan.
2. Kung may mga publikasyon o babasahin na mababasa ng mga batang nasa laylayan ng lipunan, makalalaya sila sa iliterasiya.
3. Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan, gaya ng winika ni Sen. Lito Lapid (2022):
โSadyang napakahalaga po sa ating bansa na lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan ang lahat ng mga dokumento at sulatin ng ating gobyerno. Kung madali pong maintindihan ang ating mga batas ay mas ma-eengganyo po ang ating mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas, kundi makilahok po sa mga usapan patungkol sa mga pambansa at pampublikong mga isyu.โ
4. Kung wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapuputol ang tanikala ng kahirapan sa bansa na itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987):
Article II, Section 24. The State recognizes the vital role of communication and information in nation-building.
Article III, Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.
Sa ganitong framework o kaisipan ninais ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wika bilang instrumento sa pagtatamo ng social justice. Sa madaling sabi, isang kainhustisyahan kung hindi natin tatangkilikin ang ating sariling wika sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kaya, isang mahusay na ehemplo nito ay ang mga balita sa telebisyon na hanggang sa ngayon ay gamit ang Filipino. Ito ay patunay na mas mauunawaan ng madla ang paggamit ng sariling wika.
Idagdag pa rito ang wika ay tulay sa pagtatamo ng mga konseptong abstrak na magpapalaya sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan na napakahalagang gampanin ng wika lalo sa ating mga mag-aaral at kabataan. Ang wika ang susi sa pagpapatahan sa umiiyak na bata, susi sa wastong pagpapalaki sa anak, susi sa wastong pagtuturo, susi sa hinaharap ng ating bayan. Ang wika ay nakapagpapalaya at nakapagbibigay ng aliw at inspirasyon sa kabataan upang higit na maabot nila ang kanilang pangarap at umangat ang ating bansa sa kabuoan.
Ayon kay Virgilio Enriquez (1986), sa kaniyang artikulo sa Sikolohiyang Pilipino na may pamagat na โAng Kaisipang Pilipino sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalayaโ na:
Ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. โ###
Ginamit ni Enriquez ang salitang โmapagpalayaโ upang ilarawan ang sikolohiyang Pilipino na magkaugnay ang kaisipan sa aspekto ng tao sa kaniyang pag-uugali at iniisip. Kaya, ang konsepto ng salitang โmapagpalayaโ ay bahagi nang malawak na kultural na pagmamay-ari ng ating sikolohiyang Pilipino.
Hinggil sa Aktibidad
Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).
Tampok din ang ibaโt ibang gawaing pangwika sa buong buwan ng Agosto sa lalong pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 kabilang ang limang (5) serye ng webinar, tertulyang pangwika sa pamamagitan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa ibaโt ibang unibersidad sa Pilipinas, mga timpalak at gawad, Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, at Gabi ng Parangal.
Simbolismo sa Poster
Kaugnay sa sikolohiyang Pilipino sa pagiging mapagpalaya ay makikita sa poster ngayong paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ang krokis at dibuhong may mga Pilipinong naglalakad na may ibaโt ibang kasuotan mula sa payak na pananamit hanggang sa kultural na mga kasuotan na sumisimbolo sa dibersidad ng mga wika sa Pilipinas na patungo sa kanilang mga gawaing magbibigay sa kanila ng kasiglahan, saysay, at kalayaan sa paggawa. Gayundin ang nasa mga kuwadrong guhit na may senyas na wika, pakikipagkapuwa, pakikinig, pagbabasa, pagtuturo, at mga gawaing nagbibigay nang matiwasay na pagpapakahulugan tungo sa makabuluhang paggamit ng wika bilang instrumentong titiyak sa emansipasyon sa anumang hamon at suliranin na kanilang kinakaharap. Wika ang susi sa ugnayang-pantao na magtatawid sa mabuting tunguhin na makikita sa poster sa gitna nang mabilis na pag-usad ng mundo.
---
Maaaring i-download ang digital copy ng poster sa https://drive.google.com/file/d/1dtT5IhoSj-2gspNxESydWyE-uZRjhJiH/view?usp=sharing
Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, makipag-ugnay sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon sa pamamagitan ng email sa [email protected].