Ang Malaya Online

  • Home
  • Ang Malaya Online

Ang Malaya Online Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralang Marcelo H. del Pilar (MHPNHS)

Manatiling ligtas, Del Pilarians!
24/07/2024

Manatiling ligtas, Del Pilarians!

Sa patuloy na pagbuhos ng matinding ulan na dulot ng Bagyong Carina, kaligtasan ng bawat isa ang mahalaga. Narito ang mg...
24/07/2024

Sa patuloy na pagbuhos ng matinding ulan na dulot ng Bagyong Carina, kaligtasan ng bawat isa ang mahalaga. Narito ang mga emergency hotlines na maaari ninyong tawagan sa mga pagkakataon na tayoโ€™y mangangailangan ng tulong:

BULACAN PROVINCE
Meycauayan Bulacan
Rescue - (044)323-04-04
- 0915-707-7929
- 0925-707-7929
Fire - (044)228-91-67
- 0922-210-3168
PNP - 0916-582-7475

Malolos Bulacan
Rescue - (044)760-51-60
PNP - (044)796-24-83
- 0933-610-4327
Red Cross - (044)662-59-22

Calumpit Bulacan
Rescue - (044)913-72-95
- 0923-401-4305
- 0916-390-3931
PNP - 0995-966-4427
- 0933-197-8736
Fire - (044)913-72-89
- 0925-522-5237

Hagonoy Bulacan
Rescue - (044)793-58-11
- 0925-885-5811

Baliuag Bulacan
Rescue - 0917-505-7827

Norzagaray Bulacan
Rescue - 0916-359-0233

Sta.Maria Bulacan
Rescue - 0925-773-7283

Bustos Bulacan
Rescue - (044)761-10-98

San Miguel Bulacan
Rescue -(044)762-10-20
- 0995-059-5054
- 0928-187-6784

Panatilihin ang kaligtasan ng bawat isa, iwasan ang paglabas ng tahanan hanggaโ€™t maaari. Manatiling nakasubaybay sa balita upang maging alerto at maging maalam sa mga kaganapan sa kapaligiran para mapaghandaan at makagawa ng mga agarang kilos. Lumikas at pumunta sa pinakamalapit na evacuation center kung kinakailangan upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

ALERT ๐Ÿ”ดItinaas na ng PAGASA ang Code Red Heavy Rainfall Warning sa Bulacan. Inaasahan ang mahigit 200mm na dami nang ula...
24/07/2024

ALERT ๐Ÿ”ด

Itinaas na ng PAGASA ang Code Red Heavy Rainfall Warning sa Bulacan. Inaasahan ang mahigit 200mm na dami nang ulan.

โš ๏ธ Mataas na ang tyansa nang pagbaha sa mababa at mga malalapit sa ilog na lugar

MAG EVACUATE KUNG KINAKAILANGAN

24/07/2024
22/07/2024

Pagsisimula ng Brigada Eskwela 2024

Sinimulan ng mga mag-aaral ang Brigada Eskwela sa paghahandog ng ibaโ€™t ibang booths upang ito ay mas mabigyang kulay. Hindi hadlang ang pagbuhos ng ulan para sa mga Del Pilarians upang makapaghatid ng kasiyahan at para na rin makapaglingkod sa mga mag-aaral at sa paaralan.

Ang mga booths na ito ay patuloy na isasagawa hanggang sa biyernes, ika-26 ng Hulyo. Kayaโ€™t halinaโ€™t makiisa sa Brigada Eskwela at bisitahin ang mga booths na inihanda ng mga Del Pilarians!

22/07/2024

Pagsisimula ng Brigada Eskwela 2024

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw, napuno ng tuwa at pagkakaisa ang buong paaralan sa paghahanda para sa nalalapit na bagong taong panuruan.

Sama-sama ang mga g**o, mga mag-aaral, at iba pang mga panauhin kung saan ay nanaig ang pagtutulungan upang magkaroon ng sapat na mga kagamitan para sa paglilinis ng buong paaralan at para sa kalusugan ng bawat estudyante. Bukod pa rito, marami ring inihandang mahahalagang programa ang inabangan para sa pagbubukas ng taong pampaaralan 2024-2025.

19/07/2024

Opisyal na pagtatapos ng National Learning Camp 2024

Sa pagtatapos ng National Learning Camp 2024 ngayong ika-19 ng Hulyo, nag-uumapaw na tuwa ang nangibabaw sa puso ng mga mag-aaral kasama ang kanilang mga g**o at magulang. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay ang mas napalawak ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa tulong ng mga g**o at pati na rin sa pagsuporta ng kanilang mga magulang.

Malaki ang naging tulong ng National Learning Camp para sa mga estudyante upang sila ay mas maging handa para sa paparating na taong panuruan. Sa pamamagitan ng paglahok dito, natutunan din ng bawat mag-aaral na maging determinado na mapaunlad ang kanilang kaalaman at sarili. Alamin ang buong detaye hatid ni Inah Mindo ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ—ž๏ธ

AGTEK๐๐ˆ๐“๐ˆ๐๐† ๐‘๐„๐€๐‹๐ˆ๐“๐˜: ๐Š๐€๐†๐€๐“ ๐๐† ๐‹๐€๐Œ๐Ž๐Š, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐”๐๐˜๐€๐† ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐…๐„๐‚๐“๐„๐ƒ ๐๐€ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐Isa sa mga isyung hindi kadalasan...
17/07/2024

AGTEK
๐๐ˆ๐“๐ˆ๐๐† ๐‘๐„๐€๐‹๐ˆ๐“๐˜: ๐Š๐€๐†๐€๐“ ๐๐† ๐‹๐€๐Œ๐Ž๐Š, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐”๐๐˜๐€๐† ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐…๐„๐‚๐“๐„๐ƒ ๐๐€ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐

Isa sa mga isyung hindi kadalasang nabibigyang pansin ay ang kalusugan ng mga taong nakatira malayo sa kapatagan, sa mga liblib na lugar, at mga isla. Isa na rito ang kasalukuyang kinahaharap ng Barangay Babatnin sa Malolos, Bulacan.

Ang Barangay Babatnin, isa sa mga isla sa Lungsod ng Malolos, ay humaharap sa matinding krisis dulot ng dengue outbreak. Nito lamang ika-13 ng Hulyo ay naitala ang 45 total cases at limang active cases ng Dengue-H Fever dito. Ayon kay Kapitan Carlito "B**g" Borlongan Jr., unang naitala ang confirmed case noong Marso 21, at mula noon, tuloy-tuloy na tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue. Tanging ang Barangay Babatnin lamang ang nag-iisang lugar sa mga coastal areas ng Malolos na may outbreak.

Ang Barangay Babatnin ay dating malawak na bakawan na napalilibutan ng mga ilog. Mararating ito sa loob ng 30 minutong biyahe mula sa Barangay Atlag sakay ng bangkang de motor. Para sa mga mamamayan ng Babatnin, nakapagtataka ang misteryosong pagtaas ng mga kaso ng dengue dahil sa paniniwalang namamatay ang mga lamok sa tubig alat.

BLOODSUCKER ALERT: LAMOK SA TUBIG-ALAT

Hindi ito tipikal na Dengue kundi Severe Dengue o tinatawag ding Philippine, Thai, o Southeast Asian Hemorrhagic Fever. Ito ay isang immunopathologic na sakit na maaaring magsimula bilang karaniwang dengue fever, ngunit pagkatapos bumaba ang lagnat (3-7 araw pagkatapos magsimula ang sintomas o minsan sa loob ng 24 oras) ay lumilitaw ang mga senyales ng plasma leakage, kasama nito ang hemorrhagic symptoms tulad ng pagdurugo mula sa mga sugat, gastrointestinal bleeding, at hematuria. Maaaring magtaglay rin ang mga pasyente ng matinding pananakit ng tiyan, tuloy-tuloy na pagsusuka na may kasamang dugo, pagkapagod, at febrile seizures (sa mga bata).

Naaakit ang mga lamok sa tubig, lalo na sa mainit at mahalumigmig na lugar, kaya gustong-gusto nila ang stagnant water sa tag-init. Karamihan sa mga species ng lamok ay nangingitlog sa stagnant water, ngunit ang ilan ay natutunan na ring mangitlog sa saltwater. Habang ang mga larvae ng ibang lamok ay mabilis na namamatay sa saltwater, ang ilang species tulad ng Aedes solicitous at Aedes taeniorhynchus ay mistulang nag-evolve upang makapangitlog sa mga lugar na basa ng brackish o saltwater.

INFECTED HEALTHCARE

Sa gitna ng outbreak, lumitaw ang isang pangunahing isyu; ang kakulangan ng akses sa healthcare sa Barangay Babatnin. Ayon kay Shailo Andrei Buluran, isa sa mga residenteng nagpositibo sa dengue, labis siyang nahirapan dahil malayo ang ospital sa kanilang kinaroroonan. Nakaramdam siya ng pananakit ng katawan na noon ay akala niya'y lagnat lamang o trangkaso. Noong ika-25 ng Hunyo, nagpa-check up siya at doon na nakumpirmang bumaba ang kaniyang platelets kaya naman siya ay na-confine sa San Vicente Hospital. "Mahirap talaga maospital, lalo na sig**o kaming mga taga-Isla, malayo kami sa itaas kaya kapag may naramdaman, titiisin mo muna. Tapos kapag nasa ospital ka na, iniisip mo na paano mo mapapagaling at mapapalakas agad sarili mo kasi masama na pakiramdam mo, iniisip mo pa kung paano kayo makakabayad sa ospital," aniya.

Dagdag pa niya, "Kawawa 'yong mga matatanda na nagtitiis lang, hindi sila makapagpadoktor kahit sobrang sama ng pakiramdam nila kasi pamasahe pa lang, malaki na ang gastos."

May malapit na ospital sa Barangay Babatnin, ang Pamarawan Hospital, ngunit kulang ito sa mga kinakailangang kagamitan at walang laboratoryo kaya ang mga samples ng dugo ay kailangan pang dalhin sa bayan para mai-test. Dahil dito, ang mga residente ay napipilitang magpunta sa bayan para magpagamot. Ang hiling ni Shailo at ng mga mamamayan, "Magkaroon sana ng laboratory na abot-kamay ng mga taga-coastal areas."

Ayon kay Kapitan B**g, humingi sila ng tulong pinansyal at medikal mula kay Mayor Christian Natividad at nabigyan naman ang mga pasyenteng may dengue. Sa kasalukuyan, nagpaabot ng tulong si Governor Daniel Fernando at nagbigay rin ng suporta si Congressman Danny Domingo.

ITCH BE GONE: HAKBANG KONTRA LAMOK

Upang labanan ang epidemya, ipinatutupad ng Barangay Babatnin ang mga sumusunod na programa bilang tugon: 4 O'clock Habit, โ€˜Tapat Mo, Linis Moโ€™, โ€˜Tanim Halaman, Kontra Lamokโ€™, at โ€˜Sagip Ilog Programโ€™.

Ayon pa kay Kapitan B**g, nais niyang makiisa ang mga mamamayan ng Barangay Babatnin sa mga programa upang masolusyunan ang kinakaharap nilang problema.

โ€œSana ay huwag nang madagdagan pa ang mga kaso ng dengue sa ating barangay. Ang kalinisan sa barangay ang isa sa mga solusyon na maaari nating gawin.โ€ dagdag niya.

May higit sa 3,500 iba't ibang species ng lamok, at lahat sila ay namumugad sa tubig, kahit gaano man ito kaunti. Ang mga bagay tulad ng discarded cups, gulong, mga takip ng basurahan, balde, at paso ay maaaring maging pugad ng lamok. Mahalaga ang pagbutas sa ilalim ng mga ito upang makadaloy ang tubig kapag umulan at hindi maipon ang tubig na maaaring maging breeding ground ng lamok.

Patuloy na nananawagan ng suporta at dasal ang Barangay Babatnin para sa mga residente nito. Nawa'y mabigyan ng pansin ang pangyayaring ito at matutukan ang isyu ng akses sa healthcare sa mga liblib na lugar. Nawaโ€™y maipalaganap ang kaalaman at magawa ang mga kinakailangang aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng ganitong uri ng epidemya sa hinaharap.

Artikulo ni Angelica Caรฑete
Dibuho ni Justine Cardenas
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

๐ƒ๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ค๐ข๐›๐š๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!Taos-pusong pagbati sa Presidente ng Supreme Secondary Learner Governm...
16/07/2024

๐ƒ๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ค๐ข๐›๐š๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!

Taos-pusong pagbati sa Presidente ng Supreme Secondary Learner Government na si Steven Owen Dela Cruz, sa pagiging parte ng pag presenta para sa Region III sa Learners Convergence Philippines 2024!

Isang mainit na pagbati rin sa ating alumna, Ruth Jedidiah L. Durolfo, para sa kaniyang natatanging karangalan bilang Honorable Mention Awardee ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) na ginanap sa Bali, Indonesia, noong nakaraang Hulyo 12-15, 2024.

Ang mga ito ay patunay na ang inyong kahusayan at dedikasyon ang magdadala sa inyo sa mas marami pang karangalang magbubunga ng magandang kinabukasan. Muli ninyong pinatunayan na ang galing ng isang Del Pilarian ay may kakayahang makipaglaban sa kahit saang entablado. Kayo ay lubos naming ipinagmamalaki at patuloy naming kayong susuportahan sa inyong mga susunod na hakbang sa pagkamit ng inyong mga hangarin!

Caption ni Aeryn Ianna Buenavista at Dwayne Dela Cruz
Pag-aanyo ni Athena Mateo

Taos pusong pagbati, Christian Dorega!Sa ginanap na Palarong Pambansa 2024, bigyan natin ng isang mainit na pagbati si C...
16/07/2024

Taos pusong pagbati, Christian Dorega!

Sa ginanap na Palarong Pambansa 2024, bigyan natin ng isang mainit na pagbati si Christian Dorega sa pag-uwi ng kampeonato sa larangan ng badminton nitong ika-13 ng Hulyo.

Ang iyong tagumpay ay patunay ng iyong sipag, dedikasyon, at galing. Ikaw ay naging inspirasyon, hindi lamang sa iyong mga kasamahan kundi sa lahat ng Del Pilarians. Iyong ipagpatuloy ang pagbabahagi ng iyong ipinamalas na husay at magbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng iyong hindi matitinag na talento.

Muli, binabati ka namin, Christian Dorega, sa pagkamit ng kampeonato sa Palarong Pambansa 2024!

Caption ni Klaine Cathleen Martin
Larawang galing kina Ashley Bernardino at Angelino Bernardino

KOLUM๐๐š๐ -๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งMapagpalayang marinig na nagbitiw na si Pangalawang Pangulong Sara Duterte bilang kalihim n...
15/07/2024

KOLUM
๐๐š๐ -๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Mapagpalayang marinig na nagbitiw na si Pangalawang Pangulong Sara Duterte bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Sa pagkapangalan ng hahalili na si Senador Juan Edgardo โ€˜Sonnyโ€™ Angara, buong pwersa nating huwag hayaang muling maulit ang kwestyonable at palpak na pamumuno ng nakaraang kalihim.

Bulag na loyalista na lang talaga ang magsasabing naging matagumpay ang pamamalakad ng Bise Presidente sa DepEd. Sangkaterbang problema kaya ang iniwan niya, isabay pa ang kaniyang mga kaliwaโ€™t kanang kontrobersyal na isyu.

Nitong nakaraan, nagbitiw siya nang walang binibigay na matinong dahilan. Tanging malasakit lang daw para sa kaguruan at kabataang sinubukan niyang huthutan ng milyones na confidential funds. Kahit sa kanyang huling oras sa kagawaran ay hindi pa rin nya nabigay ang kapanatagan na nararapat para sa ating mga Pilipino. Consistent!

Ngayon, may bagong papalit sa eksena. Senador na may maayos na educational backgroundโ€”katulad ng pinalitan; galing sa pamilya ng mga politikoโ€”kagaya ulit ng pinalitan; at taong hindi na naman, isang g**o. Paano ako makasisiguradong magagamot ang sakit ko ng hindi naman isang doktor?

Maaaring ikatwiran ng isa na may kontribusyon na si Senador Angara sa sektor ng edukasyon katulad ng pagsulat niya ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12). Ngunit masasabi mo bang sapat na ito upang magtiwala ang katulad kong mag-aaral na magiging maayos ang pamamalakad niya sa DepEd?

Mahirap magsalita nang maaga, ngunit mas mahirap manahimik hanggang sa dulo. Ilang taon na ang nakalilipas pero kulelat at bulok pa rin ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi maiaalis sa aming mga estudyante na mag-alala sa kung anong dadanasin namin sa hinaharap, gayong sa kasalukuyan ay lantad na lantad sa aming dalawang mata ang kakulangan ng gobyerno sa pagtalima nila sa sinumpaang tungkulin.

Kung ang senador ay magiging panibagong variant lamang na mas magpapalala pa sa krisis ng edukasyon sa Pilipinas, mukhang hindi lamang kaming mag-aaral ang dapat ibalik sa paaralan. Sapagkat ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapatunay rin na mababa na nga talaga ang kwalidad ng edukasyon sa bansa.

Kung nais talaga ng senador na mapaunlad ang edukasyon sa bansa, nawaโ€™y makinig siya sa kaguruan at sa aming mga mag-aaral, kagaya na rin ng pahayag ng Teachers' Dignity Coalition (TDC). Ang grupong kagaya nila ay handang makipagtulungan para sa kapakanan ng sektor ng edukasyon.

Isa naman sa mga suhestyon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sa halip na umasa tayo sa Programme for International Student Assessment (PISA) upang matukoy ang uri at lawak ng krisis sa pag-aaral, dapat itulak ni Angara ang pagbuo ng โ€œculturally appropriateโ€ na pambansang pagsusulit at magpatupad ng โ€œevidence-based education recovery program.โ€

Higit sa lahat, sa tingin ko ay marapat din nating tiyaking walang mangyayaring hidden agenda sa kanilang pagpapatakbo sa kagawaran. Walang bahid ng korapsyon, walang paglilinis ng apelido, walang paggamit sa aming mga estudyante para sa kanilang sariling benepisyo, at walang pagbabago sa masalimuot na kasaysayan ng Pilipinas.

Hangarin ko para sa aming mga estudyante ay ang matamasa ang mataas na kwalidad ng edukasyon sa Pilipinas, at ang kaguruan ay masuklian nang makatarungan sa kanilang pagiging mahusay na instrumento para makamit ito. Kung hindi ito layunin ng senador, mabuti pang huwag na siyang tumuloy sa pwesto.

Kailangan ng kagawaran ngayon ay isang kwalipikadong g**ong makapaglalatag ng detalyadong plano, at may kakayahang iimplementa ito. May paninindigan, at malasakit para sektor ng edukasyon ng bansa.

Napakalaki ng gampanin ng mga opisyal sa paghulma ng kinabukasan naming mag-aaral, hindi ito isang roletang kung sinong matapatan ay siyang mapipiling mamuno. Hindi lahat ay magsisimula sa aming mga kabataan, kailangan ding magpakatino ng mga nasa kapangyarihan.

Sa laban para sa pag-unlad ng edukasyon, walang puwang ang kapabayaan at pipitsuging kilos ng pamahalaan. Kung maaari lang ay dapat isabay ang mga pulitiko na ibalik sa eskwelehan upang mapag-aralan nila ang tamang pamamalakad ng edukasyon. Walang confidential funds at late submissions; mapantayan man lang nila ang pagsusumikap na makapagpasa ng mataas na kwalidad na gawain ng katulad kong mag-aaral.

Artikulo ni Edcel John Cruz
Dibuho ni Chad Jeoffrey Dela Cruz
Pag-aanyo ni Ameerah Jacinto

๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐†๐๐€๐†, ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€!Dala ang pangalan ng ating paaralan, isang malaking karangalan para sa Ang Malaya an...
13/07/2024

๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐†๐๐€๐†, ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€!

Dala ang pangalan ng ating paaralan, isang malaking karangalan para sa Ang Malaya ang maibahagi at magkamit ng tagumpay sa paglikha ng ating dyaryo. Sa likod ng dyaryong ito ay ang mga mag-aaral at g**o ng ating publikasyon na nagbuhos ng kahusayan at determinasyon para dito, itoโ€™y isang malaking tagumpay na resulta ng pagkakaisa.

Bunga ng tiyaga at pagod sa paghahanda, itoโ€™y isang karangalan at lubos na kaligayahan para sa bawat isa na makatuntong sa malaking kumpetisyong ito. Walang tigil na ipagmamalaki ang Ang Malaya na binubuo ng mga dedikadong mag-aaral at g**o para sa responsableng pamamahayag. Ang ibong malaya ay muling magbabalik nang may bagong sigla at lakas. ๐Ÿ•Š๏ธ

Bisitahin ang aming mga pahina at tuklasin ang mga kwentong nagbibigay-sigla at aral, mga balitang nagbibigay-kaalaman, at mga artikulong pumupukaw sa damdamin:

๐—ง๐—ข๐— ๐—ข ๐—Ÿ๐—ฉ๐—œ๐—œ๐—œ ๐—•๐—Ÿ๐—š. 1: https://online.pubhtml5.com/cxcz/yhrh/
๐—ง๐—ข๐— ๐—ข ๐—Ÿ๐—ฉ๐—œ๐—œ๐—œ ๐—•๐—Ÿ๐—š. 2: https://online.pubhtml5.com/cxcz/rzkj/

Patuloy pa rin tayong lilipad sa larangan ng pamamahayag na hindi bibitawan ang layuning makapaghatid ng makatotohanang impormasyon para sa bayan! ๐Ÿ“œ

Caption ni Venus Manalad
Pag-aanyo ni Patrick Camua

๐€๐‹๐€๐ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐€๐! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ†Isang mainit na pagbati sa mga mamamahayag na Del Pilarian na nagkamit ng Ikatlong Puwesto sa National Sc...
12/07/2024

๐€๐‹๐€๐ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐€๐! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ†

Isang mainit na pagbati sa mga mamamahayag na Del Pilarian na nagkamit ng Ikatlong Puwesto sa National Schools Press Conference 2024 (Collaborative Desktop Publishing Filipino - Secondary). Patuloy na iwagayway ang bandila ng pamamahayag.

Ang inyong dedikasyon, talino, at pagsusumikap ay tunay na nagbunga ng tagumpay na ito. Ipinagmamalaki namin ang inyong natatanging husay at galing sa inyong larangan. Nawa'y maging inspirasyon ang inyong tagumpay sa iba pang kabataang nagsusumikap at nangangarap.

Salamat sa patuloy na pagdadala ng karangalan sa ating paaralan. Mabuhay kayo, mga Del Pilarian! ๐ŸŽ‰

Caption ni Mark Crizen Tapang
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

Taos-pusong pagbati kay Deine V. Umali sa pagkamit ng Ikalimang Puwesto sa National Schools Press Conference 2024 (News ...
12/07/2024

Taos-pusong pagbati kay Deine V. Umali sa pagkamit ng Ikalimang Puwesto sa National Schools Press Conference 2024 (News Writing - Secondary). Ang iyong tagumpay ay hindi lamang patunay ng iyong husay at galing sa pagsusulat, kundi pati na rin ng iyong walang kapantay na sipag, determinasyon, at dedikasyon.

Ipinagmamalaki ka namin, hindi lamang dahil sa karangalang iyong natamo, kundi dahil sa inspirasyon na iyong ipinapakita sa bawat isa sa amin.

Nawa'y magpatuloy ka sa iyong paglalakbay sa mundo ng pamamahayag, dala ang iyong kahusayan at pagnanais na maghatid ng katotohanan sa ating lipunan. Salamat sa pagbigay ng karangalan sa ating paaralan. Mabuhay ka, Deine! ๐ŸŽ‰

Caption ni Mark Crizen Tapang
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

Sa ginanap na National Festival of Talents 2024, ating bigyang pagbati si Juan Francisco S. Dimagiba sa pagkamit ng pagk...
11/07/2024

Sa ginanap na National Festival of Talents 2024, ating bigyang pagbati si Juan Francisco S. Dimagiba sa pagkamit ng pagkapanalo sa Lingo Stars (Foreign Language Writing Skills - Nihongo)! Sa isang malaking pagkapanalong kaniyang nakamit, ating bigyang pugay at pasasalamat din si Ginang Rhoan Lyka B. Pasubillo sa walang sawang pag-gabay, pagtuturo, at pagsuporta bilang g**ong tagapagsanay ni Juan.

Ang iyong ibinuhos na galing at dedikasyon ay muling nagresulta ng isang hindi malilimutang pagkapanalo. Ang pagtatagumpay na ito ay isang patunay na puno ng mga talento ang bawat del Pilarian!

Muli, pagbati sa ating Lingo Stars (Foreign Language Writing Skills - Nihongo) Champion, Juan Francisco S. Dimagiba!

Caption ni Jaya Samaniego
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

๐Ÿ“ฃ HEADS UP, JHS-DELPIPS ๐Ÿ’šTake note of the building, homeroom, and adviser assignements for your section.For Grades 8-10,...
10/07/2024

๐Ÿ“ฃ HEADS UP, JHS-DELPIPS ๐Ÿ’š

Take note of the building, homeroom, and adviser assignements for your section.

For Grades 8-10, these will be the rooms where you will proceed on your enrollment day.

Be guided accordingly. See you soon! ๐Ÿ˜Š

Sa mga del Pilarian na kalahok sa gaganaping Larong Pambansa 2024, kami ay buong pusong sumusuporta sa inyo at hiling na...
06/07/2024

Sa mga del Pilarian na kalahok sa gaganaping Larong Pambansa 2024, kami ay buong pusong sumusuporta sa inyo at hiling naming lahat na itoโ€™y inyong maipanalo!

Laging tandaan na ang tagumpay ay isang resulta ng matibay na pagtatrabaho at determinasyon. Inyong ipagpatuloy ang pagbabahagi ng inyong kakayahan at itoโ€™y pagyabungin. Manalo o Matalo, kami ay patuloy na nakasuporta sa inyo!

Caption ni Rhica Jhane Hutalle
Dibuho ni Justine Cardenas
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

Para sa nalalapit na National Festival of Talents 2024, buong puso naming inihahandog ang suporta at pagmamahal para sa ...
06/07/2024

Para sa nalalapit na National Festival of Talents 2024, buong puso naming inihahandog ang suporta at pagmamahal para sa bawat del Pilarian na magpapakita ng kanilang talento para sa kumpetisyon na ito.

Ang inyong natatanging talento ay patuloy na ipagmamalaki upang magsilbing inspirasyon para sa nakararami. Nawaโ€™y ang inyong pagod ay masuklian ng isang hindi malilimutang pagkapanalo!

Caption ni Aeryn Ianna Buenavista
Dibuho ni Justine Cardenas
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

BALITA๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง๐ข๐š๐ง๐š ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ, ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐š๐ค๐ฌ๐ž๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž ๐ง๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐จTangkilikin kasaysayan natin! Inil...
06/07/2024

BALITA
๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐
๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง๐ข๐š๐ง๐š ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ, ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐š๐ค๐ฌ๐ž๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž ๐ง๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐จ

Tangkilikin kasaysayan natin! Inilunsad ang Digital Bulacaniana Project ng Special Collections committee sa ilalim ng Malolos: A City That Reads (ACTR), na layong bigyang access ang mga kabataan sa Bulacaniana ng Bulacan Provincial Library (BPL) nitong Martes.

Binigyang-diin ni Jalaine Bautista, pinuno ng Special Collections at Digital Bulacaniana Project, na importante ang proyektong ito upang mapanatili ang Bulacaniana Collections.

โ€œThis project can help scholars sa kung ano man โ€˜yung need nilang hanapin for their studies na about sa history of Bulacan, made available na ito sa website namin,โ€ ani Bautista.

Ayon pa sakanya, mas โ€˜hassle freeโ€™ para sa mga tao ang naturang website.

Sa pahayag naman ni Angelica Caรฑete, Special Collection Volunteer, mas mapapalapit ang interes ng mga kabataan ngayon dahil mayroon nang Online Public Access Catalog (OPAC) kumpara noong nasa sulok lamang ang mga libro ng aklatan.

โ€œMas mapapalapit โ€˜yung loob nila sa library kasi nga mas konektado โ€˜to sa mga araw-araw nilang ginagawa katulad ng pagbrowse sa social media,โ€ ani Caรฑete.

Naipresenta ng MALOLOS: ACTR ang website at nailipat ang mga output katuwang ang BPL.

Artikulo nina Juliana Francheska Gonzales at Khristen Jenica Pulumbarit
Larawang kuha ni Jerry Aaron Saquibal

Lalaban kasama ang determinasyon at katotohanan!Para sa mga mamamahayag na muling magpapakitang gilas dala ang kanilang ...
06/07/2024

Lalaban kasama ang determinasyon at katotohanan!

Para sa mga mamamahayag na muling magpapakitang gilas dala ang kanilang natatanging husay, talino, at pagiging determinado sa gaganaping National Schools Press Conference 2024, hangad namin ang inyong pagtatagumpay sa laban na inyong pinaghandaan! Walang sawang suporta ang aming iniaalay para sa inyo!

Aming hiling na ang inyong pagsisikap ay magbunga ng isang matagumpay at ligtas na paglalakbay. Nawaโ€™y makamit ninyo ang inyong inaasam na pagkapanalo at kayoโ€™y patuloy na magningning sa larangan ng pamamahayag!

Caption ni Venus Manalad
Pag-aanyo ni Dwyane Padero

ISPORTS๐†๐ข๐ฅ๐š๐ฌ ๐’๐ข๐ง๐š๐ค๐ฆ๐š๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ญ๐ฏ๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐Ÿ–๐Ÿ—-๐Ÿ–๐ŸŽInararo ng Gilas Pilipinas ang World No.6 Latvia sa unan...
05/07/2024

ISPORTS
๐†๐ข๐ฅ๐š๐ฌ ๐’๐ข๐ง๐š๐ค๐ฆ๐š๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ญ๐ฏ๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐Ÿ–๐Ÿ—-๐Ÿ–๐ŸŽ

Inararo ng Gilas Pilipinas ang World No.6 Latvia sa unang pagkakataon mula noong 1960 matapos simulan ang kagilagilalas na FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga Arena nitong Hulyo 4.

"I'm totally shocked to be sitting here in front of you guys after winning this basketball game," Pahayag ni coach Tim Cone sa kanyang postgame news conference.

Minaneho ni Justin Brownlee ang atake ng Gilas na nagtala ng 26 puntos at siyam na rebounds, hindi rin nagkulang ang nakuhang suporta nang nagdadag ng tulong si Kai Sotto ng 18 puntos at walong rebounds. Naging daan ang naging four-point play ni Brownlee para mairehistro ang 85-71 na kalamangan sa Pilipinas na may 3:30 minuto na lang ang natitira.

Lumiko ang ihip ng hangin ng homecrowd, lalo na't ang Latvia ang host ng laban at may ranngong ika-6 noong nakaraang FIBA, habang ang Gilas ay ika-37 lamang.

Maagang nagmaneho ang Gilas sa simula na nagtala ng 8-0 run at natapos ang unang yugto sa 32-16 kalamangan. Lumaki ang lamang ng Pilipinas hanggang 26 puntos, 74-48, matapos ang three-pointer ni Dwight Ramos.

Sa huling yugto, ay nanataling malakas ang laban ng Latvia na pinamunuan ni Rodions Kurucs ang 15-4 run upang malapit ang laban sa 81-71.

Tuluyang pinigilan ni Brownlee ang Latvia sa huling mga minuto ng ika-apat na yugto, matapos magdala ng momentum na nagbigay ng three-pointer at foul dahilan upang maging sapat ang kalamangan nito. Tinuldukan ng Gilas ang laban sa Final Score na 89-80.

"We're not here to win a game. We're here to win a tournament, to win the whole thing," Ani Cone.

Nag-aabang ang kasunod na makakalaban ng Gilas na World No.23 Georgia ngayong huwebes, 8:30 ng gabi.

Inaasahan na ang pagkapanalo laban sa Georgia o kahit pagkatalo na hindi hihigit sa 18 puntos ay magbibigay ng tiket sa semifinals para sa koponan ng Gilas.

Artikulo ni Stephanie Kith Martos
Pag-aanyo ni Athena Mateo

๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐ง๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ก๐š๐ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ ๐‡. ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซSa pagtatapos ng araw na ito, huwag nating k...
04/07/2024

๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐ง๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ก๐š๐ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ ๐‡. ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ

Sa pagtatapos ng araw na ito, huwag nating kalimutang bigyang pag-alala ang ika-128 taong anibersaryo ng kamatayan ng ating Dakilang Propagandista na si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan. Si Marcelo ay isa sa mga kilalang bayani sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Espanya. Bukod pa rito, sa kaniyang murang edad pa lamang, siya ay nagsimulang magsulat ng mga artikulo kung saan itoโ€™y naging kaniyang paraan upang magsiwalat ng mga saloobin tungkol sa katarungan at kalayaan na nais niyang ipahiwatig para sa bawat indibidwal sa ating bansa.

Sa kaniyang bawat pagsulat, marami ang namulat sa katotohanan na kaniyang hatid. Ang kanyang gamit na pluma ang kaniyang naging sandigan at sandata sa paghahangad ng isang malaya at makatarungang bansa.

Si Marcelo ay isa sa naging inspirasyon ng nakararami upang maging mahusay na mamamahayag. Ang kaniyang mga naging kontribusyon ay naghatid ng malawak na impluwensya sa bawat Pilipino upang makamit ang hangad na kalayaan. Ang kaniyang mga sakripisyo ay huwag natin ibaon sa limot bagkus ating pahalagahan ang kaniyang sinimulan at nawaโ€™y hanggang sa dulo, ating dalhin ang paninindigan na makapaglahad ng mga makatotohanang impormasyon upang magbukas ng isipan ng bawat mamamayan.

Caption ni Ma. Ysabel Jaya Samaniego
Dibuho ni Justine Cardenas
Pag-aanyo ni Dwyane Lucky Padero

BALITA ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€, ๐๐€๐†-๐€๐’๐€๐‘ท๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’“๐’ ๐’•๐’ ๐‘น๐’†๐’‚๐’…, ๐‘น๐’†๐’‚๐’… ๐’•๐’ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’“๐’, ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’–๐’๐’”๐’‚๐’… ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’๐’๐’๐’†รฑ๐’Isinagawa ng Sanggun...
04/07/2024

BALITA
๐๐€๐†๐๐€๐’๐€, ๐๐€๐†-๐€๐’๐€
๐‘ท๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’“๐’ ๐’•๐’ ๐‘น๐’†๐’‚๐’…, ๐‘น๐’†๐’‚๐’… ๐’•๐’ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’“๐’, ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’–๐’๐’”๐’‚๐’… ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’๐’๐’๐’†รฑ๐’

Isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Look 2nd ang proyektong Learn to Read, Read to Learn, na layong tulungan at gabayan ang mga kabataan na bumasa sa covered court ng nabanggit brgy. sa lungsod ng Malolos, nitong Martes.

Kasama ang A City that Reads, Ex Libris, at Rotaract Club of Barasoain, opisyal na sinimulan ang proyekto sa pamamagitan ng pre-assessment upang matukoy ang kakayahan ng mag-aaral sa pagbasa.

Ayon kay Chloe Bautista, Pangulo ng Ex Libris, madalas makalimutan ang mga kabataan sa mga proyektong nagtataguyod ng reporma, kung kayaโ€™t isa ito sa nag-udyok upang isagawa nila ang programa.

โ€œWhat keeps me steady and driven sa objective ko, and namin sa organization is the impact we will leave sa buhay ng batang tinuruan namin, sakaling dalhin niya iyon sa higher points ng buhay niya, kumbaga, hindi ka natatakot isugal yung sarili mo para sa ikabubuti ng nakararami,โ€ ani Bautista.

Dagdag naman ni Niรฑa Santiago, SK Councilor ng Look 2nd, ang kasanayan sa pagbasa ay isa sa pundasyon ng tao upang maintindihan at maunawaan ang mundo.

โ€œMahirap matuto kapag hindi ka sanay magbasa, kahit anong turo ng ibang tao sayo, kung hindi mo nauunawaan yung tinuturo sayo, balewala rin, para ka lang nagkwento sa bato,โ€ aniya.

Patuloy namang isasagawa ang proyekto sa Brgy. Look 2nd tuwing Martes at Huwebes ng Hulyo upang tulungan at gabayan sa pagbasa ang kabataang Maloleรฑo.

Artikulo ni Arwel Clyve A. Camaring
Larawang kuha ni Jerry Aaron Saquibal

BALITA๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ฒ ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐Ÿ‘ ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐‚, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐Idinaos ng Rehiyon 3 ang makabagong training strategy na 3...
03/07/2024

BALITA
๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ฒ ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐Ÿ‘ ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐‚, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐

Idinaos ng Rehiyon 3 ang makabagong training strategy na 3-day 2024 Regional Intensive Training Program (RITP) upang mas makapaghanda ang mga delegado sa nalalapit na National Schools Press Conference (NSPC).

Ito ay alinsunod sa Regional Memorandum No. 428 s. 2024, kung saan sama-samang nagsanay ng kani-kaniyang mga kategorya ang mga delegado kasama ang mga resource speakers sa Bulacan State University (BulSU) โ€“ Main Campus.

Ayon kay Irenio Bucsit Jr., Pangulo ng Regional Secondary Association of School Paper Advisers ng Rehiyon 3, makabago ang training strategy ng rehiyon dahil mas idinikit ito sa mismong araw ng NSPC.

โ€œThis is unlike our previous RITP where one month ang naging pagitan from NSPC and we observed na nawawala โ€˜yung nasanay nung bata, so mas nilapit natin sa date para mas fresh โ€˜yung natutunan nung delegates,โ€ ani Bucsit.

Kaakibat nito, umani ng positibong reaksyon ang ginanap na RITP sa mga coaches at campus journalists mula sa malalayong parte ng Rehiyon dahil sa karagdagang lecture at tips mula sa mga resource speakers.

โ€œAs a coach myself, may mga limitation ako sa kaalaman when it comes to the categories so yung mga speakers natin ay napakalaki ng impact na nabigay sa mga bata,โ€ pahayag ni Eric Dumlao, Coach ng News Writing Secondary Filipino sa Division of Zambales.

Maliban dito, tinalakay rin sa RITP ang tamang preparasyon at pre-departure orientation ng mga delegado sa takdang araw ng NSPC sa Carcar City, Cebu sa darating na Hulyo 8 hanggang 12.

Artikulo ni Jessie Claire Santos

02/07/2024

National Learning Camp, opisyal nang isinagawa ngayong araw sa mga mag-aaral ng Marcelo H. del Pilar National High School.

Dala ang layuning mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng bawat estyudante, alamin ang buong detalye kay Chloe Sisperez ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ—ž๏ธ

๐Ÿ“ฃ TARA NA, SA SPJ FILIPINO! โœจMalapit na ang pagbubukas ng Taong Panuruang 2024-2025, at kami ay nasasabik nang makilala ...
30/06/2024

๐Ÿ“ฃ TARA NA, SA SPJ FILIPINO! โœจ

Malapit na ang pagbubukas ng Taong Panuruang 2024-2025, at kami ay nasasabik nang makilala at makita ang mga bagong sibol na mga mamamahayag, na magiging bahagi ng lumalaking pamilya ni Tata Celo.

Kaya naman, magpatala na at mag-enroll sa SPJ Filipino! Pumunta lamang sa Gusali C, Kagawaran ng Filipino, sa nakatakdang petsa at oras, at sundin ang mga sumusunod na panuto.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin din ang anunsyo sa FB page ng MHPNHS.

Halika at pagyabungin natin nang sama-sama ang galing at husay ng manunulat at mamamahayag na tatak Del Pilarian! ๐Ÿ’š

๐Ÿ“ฃ HEADS UP, JHS DEL PEEPS ๐ŸซกThereโ€™s really no going back! School Year 2024-2025 is on sight and is fast approaching! ๐ŸคฉWit...
30/06/2024

๐Ÿ“ฃ HEADS UP, JHS DEL PEEPS ๐Ÿซก

Thereโ€™s really no going back! School Year 2024-2025 is on sight and is fast approaching! ๐Ÿคฉ

With that, make sure to enroll and get signed up for another year of fun, excitement, and learning. Below are the details for the enrollment including the dates, time, requirements, and the focal person you should look for!

Buckle up as we begin our journey this July 29! We are looking forward to seeing you! ๐Ÿ’šโœจ

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Malaya Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Malaya Online:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share