Abante Palawan

  • Home
  • Abante Palawan

Abante Palawan DYAP Radyo Patrol 765 is a radio station owned and operated by ABS-CBN Corporation

30/11/2023

Nag-aalala ang National Security Council (NSC) sa dami ng barkong lalahok sa Christmas convoy ng grupong ‘Atin To’ coalition sa West Philippine Sea.

Ayon sa NSC, makikipagpulong sila sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard para mapagdesisyunan ang bilang ng barkong papayagang sumama.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/11/30/23/nsc-concerned-christmas-convoy-will-be-philippine-version-of-swarming

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

29/11/2023

Nilinaw ng Philippine Coast Guard na kailangan pa rin humingi ng permiso sa Maritime Industry Authority ang grupong ‘Atin to Coalition’ para makapaglayag sa West Philippine Sea.

Ito ay kahit pumayag na ang National Security Council na maglayag ang Christmas convoy mula El Nido, Palawan sa Disyembre 5.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/video/news/11/29/23/40-boats-to-join-west-ph-sea-convoy

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

23/11/2023

Lumubog ang isang barkong galing Vietnam sa karagaratang sakop ng Balabac, Palawan.

May kargang tone-toneladang bigas ang MV Viet Hai Star galing Ho Chi Minh at patungo ito ng Cagayan De Oro nang mangyari ang insidente.

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

10/11/2023

Muling hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa National Task Force for WPS patungo sa Ayungin Shoal ang mga barko para sa isang routine resupply mission sa BRP Sierra Madre nang mangyari ang insidente.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/11/10/23/ph-accuses-china-of-firing-water-cannon-at-resupply-boat

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

09/11/2023

Umarangkada na ang 7th Kamandag Exercises sa pagitan ng Philippine at US Marine Corps. sa Philippine Marine Corps (PMC) headquarters sa Taguig City.

Isasagawa ang Kamandag Exercises o Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat sa iba’t-ibang sites sa Luzon, Batanes, Zambales, Tawi-Tawi, at Palawan simula ngayong araw, Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 20.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/11/09/23/ph-us-marines-begin-7th-kamandag-drills

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

08/11/2023

Tinalakay ng special committee on West Philippine Sea (WPS) sa kamara ang ginawang panghaharang ng barko ng China na nauwi sa pagbangga nito sa isang barko ng Pilipinas sa WPS kamakailan.

Ayon kay committee chairman Rep. Nepali Gonzales layon nila maibestigahan ang mga detalye at implikasyon ng insidente.

Kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/news/11/07/23/acceptance-recognition-of-2016-sea-ruling-growing-dfa��

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

07/11/2023

Tiniyak ng National Economic and Development Authority at (NEDA) sa mga mangingisda at magsasaka na makakatanggap sila ng ayuda sa gitna ng inaasahang El Nino sa susunod na taon.

Kasama din sa mabibigyan ng ayuda ang mga nasa vulnerable sectors na maapektuhan ng mataas na presyo ng mga bilihin.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/11/07/23/farmers-fishermen-to-get-ayuda-amid-el-nio-neda

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

02/11/2023

Hinimok ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Pilipinas na maghain ng kaso laban sa China para resolbahin ang mga maritime issues sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc.

Ayon kay Carpio, ang pagtanggi ng China na humarap sa hukuman ay patunay na hindi kapani-paniwala ang mga pahayag nila tungkol sa West Philippine Sea.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/amp/video/news/11/01/23/carpio-urges-ph-to-file-fresh-case-vs-china-on-territorial-dispute

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

01/11/2023

Magiging maulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa 3 weather systems ngayong Undas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) uulan sa Metro Manila, Cagayan, Isabela, Bulacan, CALABARZON, Marinduque, Quirino, Aurora, Camarines Norte at Quezon dahil sa low pressure area (LPA).

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/11/01/23/rainy-all-saints-day-in-luzon-flooding-and-landslides-possible

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

31/10/2023

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga kuwentong panig sa China na ipinakakalat umano ng ilang grupo.

Ayon sa PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Jay Tarriela isinusulong ng mga ito ang mga salaysay ng China at kinokontra ang mga factual report ng mga awtoridad ng Pilipinas.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/10/31/23/ph-coast-guard-exposes-pro-china-narratives-of-some-filipinos

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

31/10/2023

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na maging tapat at unahin ang kapakanan ng mga nasasakupan.

Sa isang video message, binati ng pangulo ang lahat ng nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/10/31/23/marcos-tells-new-barangay-sk-leaders-be-honest

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

30/10/2023

Mapayapa sa pangkalahatan ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon sa poll watchdog, may ilan lang na naiulat na insidente gaya ng pamimigay ng sample ballots at ilang botante na nahirapan mahanap ang kanilang precinct number.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/10/30/23/bske-2023-smooth-generally-peaceful-poll-watchdogs

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

27/10/2023

Isasailalim sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) simula bukas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ide-deploy na rin ang mahigit 187,000 na pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

25/10/2023

Pinag-iisipan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng joint resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kasama ang mga kaalyadong bansa.

Ayon kay AFP chief of staff Lt.Gen. Romeo Brawner Jr. kagaya ito ng mga ginawang joint maritime patrol kasama ang US, Canada at Japan.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/10/25/23/afp-mulls-joint-resupply-missions-with-other-countries

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

24/10/2023

Magsasagawa ang Pilipinas ng mas maraming maritime patrols sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang mga agresibong aksyon ng China.

Ayon kay Jonathan Malaya, assistant director general ng National Security Council, may namonitor na namang mga barko ng Chinese military militia hindi lang sa areas malapit sa Ayungin Shoal kundi pati sa Bajo De Masinloc (Scarborough Shoal) at Sabina (Escoda) Shoal.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/video/news/10/24/23/more-ph-patrols-as-chinese-ships-spotted-in-west-philippine-sea

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

11/10/2023

Courtesy of TeleRadyo Serbisyo.

Posibleng mabuo ang isang bagong low pressure area sa West Philippine Sea ngayong Huwebes bagamat kikilos ito palayo sa bansa, ayon kay ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas.

22/09/2023

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang kaugnayan ang volcanic smog (VOG) mula sa Bulkang Taal sa nararanasang smoke at fog (smog) sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Sec. Renato Solidum ng Department of Science and Technology (DOST), nabubuo ang smog dahil sa thermal inversion na nagaganap kapag ang malamig na hangin ay nananatili sa ibabaw ng atmosphere.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/09/22/23/smog-afflicts-southern-metro-manila

Sumali sa ABS-CBN News Viber community para sa latest na balita at impormasyon: https://abscbn.news/Viber

21/09/2023

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na dapat pagbayarin ang China ng bilyong bilyong piso dahil sa pagsira umano sa mga coral reefs sa West Philippine Sea. Ito ay matapos kumpirmahin ng Philippine Coast Guard na ang pinsala sa Rozul Reef at Escoda Shoal ay maaring kagagawan ng mga Chinese maritime militia vessel.

Kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/video/news/09/21/23/coral-restoration-could-take-years-says-up-marine-expert

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

18/09/2023

Inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga kuha nilang video na nagpapakita ng malawakang pinsala sa Rozul Reef at Escoda Shoal. Ito ay base sa kanilang underwater surveys, kung saan makikitang nagkaroon na ng discoloration sa sea bed at halos wala nang buhay na makikita sa marine ecosystem sa mga nasabing lugar sa West Philippine Sea.

BASAHIN: https://news.abs-cbn.com/news/09/18/23/pcg-videos-show-damage-to-rozul-reef-escoda-shoal

Para sa mga balita sa ibang panig ng bansa bisitahin ang https://news.abs-cbn.com/patrol/tag/regions

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abante Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share