
24/05/2024
𝐌𝐚𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟏𝟑𝟓 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐨 𝟏,𝟑𝟔𝟕 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐛𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥 (𝐞𝐯𝐚𝐜𝐮𝐞𝐞𝐬) 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐩𝐚𝐜𝐮𝐥𝐚𝐨, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚
Mahigit sa 135 pamilya o 1,367 indibidwal ang nakabalik na sa kanilang mga tahanan kahapon na sa ngayon ay normal na ang sitwasyon sa Dipaculao, Aurora.
Ito ay sa pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na agad nagsagawa ng evacuation sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan at terroristang Komiteng Rehiyon sa Gitnang Luzon (KRGL) ng New People’s Army (NPA) nitong lunes at martes.
Ang mga pagtulong sa pagbibigay ng libreng pagkain, tents, relief goods at iba pang mga pangangailangan ay mula sa gobyerno hanggang sa maiuwi ang ating mga evacuees sa kanilang mga tahanan.
Todo-todong pasasalamat ang ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa ipinakitang pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na naging instrumento upang mapanatiling mapayapa, matahimik at maayos ang ating barangay sa Toytoyan at Salay.
Nagpahayag din ng pasasalamat si 91st IB acting commanding officer, Lt. Col. Aries A. Quinto sa pamahalaan at mga residente na nagbigay ng napapanahon na impormasyon upang mapigilan ang paghahasik ng lagim ng mga terorista, pagkabigo na makakuha ng baseng masa at extortion sa mga tao.
Pinuri din ng opisyal ang mga suporta, kooperasyon at pagsisikap sa nakaraang engkwentro na naging sanhi ng matagumpay na laban sa mga terorista.
Dahil dito ay balik normal na ang ating mga kababayan sa Dipaculao, Aurora.
(Ulat ni :Jason De Asis)