01/11/2023
‘THE RESULT OF PURE LOVE’ 🥹💗
Tila naantig ang karamihan sa kwentong ibinahagi ng netizen na si RJ, kung saan tampok ang “rags to riches” story ng kanyang rescued furbaby na si Suchi.
Kwento ni RJ, noong una nilang natagpuan si Suchi ay marami itong pinagdaraanang kundisyon.
“Rags to riches, not literally but sa totoong love siguro. Antagal namen naghanap ng owner nya, hindi lang kame umasa na may magmessage, sinuyod namen lahat ng missing posts. Nung nagstart na na dalin namen sya sa vet, dun namen nalaman story nya. Adult na sya. Her nails are very long na curvy, sign daw na naka cage sya. Possibly a breeder dog. Her vitals are all irregular. Severe mange, yung ngipin nya one-seat-apart na nga umuuga pa, yung infection sa ear nya hanggang ngayon hindi pa rin mawala wala sa sobrang grabe, her kidneys, liver, halos lahat ata hindi normal,” kwento niya sa PSND.
“Nung pasko, bale pababa ako ng sasakyan nun and pagtalikod para kumuha ng gamit, napansin ko agad sya dahil sa mata nya. Nagpost agad kami sa group chat ng community namen looking for the owner, and even ask for help to keep the dog for a while since may large dogs kame sa bahay, habang hinahanap yung owner. For a month, wala, may ilan na gustong mag-adopt sa kanya pero kasi pa new year ’non. Nagdoubt kame na ibigay kasi pano pag pinabayaan sya ulit. Ang plan to keep her only until after holiday pero wala, na-attached na e,” kwento niya pa.
“May nagclaim na owner… nakita nya yung dog, sabi nya babalikan nya ko, took weeks ako pa nangulit, sabi nya sa totoo lang di na daw sya sure kasi mukhang malaking gastos. It broke our heart. We took down all the post about her since we decided na to keep her. Alam naman na namen na pinabayaan na sya talaga," pagpapatuloy niya pa.
Humanga naman ang mga netizens sa naturang kwento ni Suchi.
“The result of pure love,” komento naman ng isang netizen. (Facebook/Nana Zepol, suchikoh)
©credits: Pilipino Star Ngayon Digital