Lavender Book of Stories

  • Home
  • Lavender Book of Stories

Lavender Book of Stories (Please read our notes for rules: https://www.facebook.com/notes/lavender-book-of-stories/lavender-b individual interests and stories to share.
(11)

Lavender Book of Stories was founded by Ian Joseph Barcelon on December 2012. Together with his co-writers, they were able to build the reading community at its finest. LBOS do not limit the stories (genre) of interested writers who want to share their works on the page for the admins and writers believe that we, as people, have different taste. LBOS published its first book by the month of May 2015.

[Check us on wattpad: http://www.wattpad.com/user/LBOSAccount ]

07/10/2023

hi, how is everyone are you still reading stories

SORRY SAPAGHIHINTAY NG MATAGAL! :)That Girl is My Slavewritten by:RPChapter 8Lee's POVS**t! Minamalas ako ngayon. Matapo...
09/08/2023

SORRY SAPAGHIHINTAY NG MATAGAL! :)

That Girl is My Slave
written by:RP

Chapter 8

Lee's POV

S**t! Minamalas ako ngayon. Matapos nabasag ang window glass ng aking kotse ngayon nabugahan naman ako ng kanin sa mukha. At isa lang ang nakikita ko na nagdadala ng malas sa akin. Walang iba kundi ang ignoranteng babae na yun. Bakit pa kasi ako pumayag na samahan siya sa pamimili eh. Basta nalang akong umo-o sa pahayag ni Lola na samahan siya rito. Eh, kung tutuusin di naman talaga ako sanay pumupunta rito sa mall at mamili ang worst pa ay pumila ako sa counter na halos kalahating oras din. Asar talaga! Swerte naman niya ah! Ako pa talaga ang sumama sa kanya at ako pa ang nabugahan ng kanin!

Matapos akong mabugahan ng mga kanin sa mukha ay agad akong nagpunta sa isa CR ng mall at doon naghilamos muna. Humarap sa salamin at okey parin naman ang mukha ko. Pwede pa namang maipasyal kahit pa maghapon. Kahit badtrip na ako ay nagpasya parin akong balikan sila. Naabutan ko ang mga kasama ko na tapos ng kumain at handa nang umalis.

"Oh? Asan na yung babaeng yun?" tanong ko sa mga magagaling kong kaibigan.

"Malay namin dre! Umalis eh, susundan ka raw?" sagot ni Sky.

Napakamot ako sa aking batok.

"Bakit di niyo pinigil?" inis kong sumbat sa kanila.

"E text mo nalang dre." mungkahi ni Cloud.

"Abah! May cellphone na pala ang mga Amazona!" natatawang turan ni Sky.

Binatukan naman siya ni Cloud.

"Kanina ka pa ah! Porke't nakakuha ka ng sampal nagkakaganyan ka na! Ayos ka rin ano?" tugon ni Cloud. Nagbitaw lang ng tawa si Sky habang ka holding hands si Kat.

"Yun ang problema eh! Wala ata yung phone! Teka hanapin ko lang! Problema talaga ang dala nun sa akin! Asar!" sagot ko at sabay hakbang papalayo sa kanila.

Chiara's POV

Asan na ba ako? Mukhang nalibot ko na ata ang buong mall na to ah di ko parin nakikita si Lee. Andami naman kasing mga tao eh. Malabong mapapansin ko siya kaagad. Lord, help me. Please, guide me.

Iginala ko ang paningin ko sa kapaligiran nagbabaka sakaling makita ko si Lee. Sa ibaba, wala! Sa gilid, wala! Sa itaas , wala! Sa unahn! BOoOoOgGzZz!

"Ouch!" tili ng babae at hinabol ang cellphone niya na natapon sa sahig.

May nabunggo ako! Tatlo sila pero yung isa lang ang nabunggo ko. Awtomatikong napataas ang kilay sa dalawang babae na nasa harapan ko. Yumuko ako sa harapan nila para manghingi ng paumanhin.

"Sorry! Pansensiya na po kayo. May hinahanap kasi ako." saad ko.

"Ba't di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?" pagtataray nung isa.

"May hinahanap po kasi ako eh. Pansensiya na po talaga!"

Nakalapit na sa amin yung babaeng nabunggo ko at dala dala na niya yung pinulot niyang phone niya. Pinakita niya sa akin.

"See my phone? Nag crack yung Screen. You should pay for this!" mahinahon niyang sambit pero may diin ito.

Napadilat naman ang mga mata ko. Kahit peso wala akong dala. Paanö na to? Ano ang gagawin ko? Mukhang nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Pe-Pero, wala po akong pera."

Tumawa yung isa. "You will pay? Or We will call a guard?" banta nito.

"Maawa po kayo! Kahit pesong duling wala talaga akong maibibigay sa inyo!" pagsusumamo ko. Marami ng nagtitinginan sa amin.

"GUARD!" sigaw nung isa.

"Te-Teka lang. . Please! Gagawin ko ang lahat! Wag lang. . "

"GUARD!" putol nito sa sasabihin ko.

May lumapit na dalawang guard.

"Ma'am, ano po yun?" tanong nung isang guard.

"Ngayon Miss? Pay or Jail?" taas kilay na sambit sa nabunggo ko.

"Wa-Wait!" nauutal na wika ko sabay tanggal sa dalawang hilaw sa aking tengga.

"Heto po! Kunin niyo na, silver ang mga yan. Regalo yan ng nanay ko! Yan lang talaga ang maibibigay ko." bigay ko sa kanila.

"Ano ma'am? Okey na po ba yang ibinigay niyang mga hikaw?" sabat ng isang guard.

Kinuha nila mula sa aking palad ang dalawang hikaw ko. Tinitigan nila iyon.

"HmMmM, pwede na!" saad nito.

Umalis na ang dalawang guard at naiwan kame.

"Naku miss, alam kong kapag isasangla ko ang mga hikaw na to di parin ito kasya para makabili ako ng bagong phone. Pero dahil sa mabait ako! Okeyl na to. Ingat-ingat din next time hah." wika nito at sabay hakbang silang papalayo sa akin.

Tiningnan ko nalang sila na papalayo na sa akin. Napabuga ako ng hangin. Pero, parang maiiyak na talaga ako kasi may sentimental value yung mga hikaw na yun sa akin. Regalo yun ng inay ko nung ika labing dalawang kaarawan ko. Huhu.
May biglang umakbay sa akin. Tiningnan niya ako.

"O? Naliligaw ka na ba Amazona? Kaya ba naiiyak ka na?" ani Sky na binusisi pang pagmasdan ang mga mata ko. Inilayo ko ang sarili ko sa pagkakaakbay niya.

"Kasi, yung mga hikaw ko eh!" sumbong ko at di ko na talaga napigil ang pagpatak ng mumunting butil ng luha sa aking mga mata.

"WeEh? Bakit nasaan?"

"Binayad ko sa mga babaeng yun oh!" turo ko sa tatlong babae na medyo malayo-layo na sa amin.

Agad hinabol ni Sky ang tatlong babae at nasa likod naman niya ako. Kaagad naabutan namin ang tatlo. At batid kong parang nabigla sila sa nakita.

"SKY?" sabay-sabay na tugon nila.

Itutuloy. .

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lavender Book of Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share