09/06/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ณ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฆ๐ฆ๐ฆ๐ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ป๐ผ๐ธ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ
Naipasa na ang mga posisyon sa pitong bagong halal na opisyal ng College of Arts and Social Sciences Student Government (CASSSG) kasunod ng kanilang opisyal na proklamasyon at panunumpa ngayong araw, Hunyo 9.
Matatandaang pinangalanan noong ika-24 ng Mayo ang mga nanguna sa halalan kung saan kinilala si Jewellei Adriano bilang Governor, si Jose Rajee Ramiscal bilang External Vice Governor (EVG) at si Joshua Peralta bilang Internal Vice Governor (IVG).
Samantala, nanguna naman si Riscel Felicity Roque sa Committee on Campaigns and Advocacy (CCA), Elijha Roque sa Committee on Finance and Audit (CFA), Danielle Balbido sa Committee on Information and Publicity (CIP), at si Czarina Pangilinan sa Committee on Student's Right and Welfare (STRAW).
Kaugnay nito, nagpasalamat si Ma'am Bessie May Soriano, CASSSG adviser at College Electoral Board (CEB) Chairperson 2025, sa mga outgoing officers at pinangunahan naman ang oath-taking ng mga bagong opisyal.
"Nagpapasalamat ako sa kanila [outgoing officers], sa mga binigay nila sa college at sa pagmamahal at effort na ginawa nila. At sa incoming officers naman, hindi ko alam kung ako pa rin ang magiging adviser niyo pero congratulations. And hopefully ay sama-sama tayo para maging maayos ang ating kolehiyo para sa ating CASS students at even sa mga CLSU students," ani Ma'am Soriano.
Samantala, aminado si former Governor De Guzman na halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayong naipasa na ang posisyon sa mga bagong officers.
"Honestly, mixed emotions siya ['yong turn-over] for me. Happy kasi finally, naipasa na namin 'yong tungkulin sa bagong set of leaders, and at the same time, may sad part din kasi parang may isang malaking chapter ng buhay ko ang natapos. Pero more than that, proud akoโproud sa mga nagawa ng council at excited kami sa mga kayang gawin pa ng bagong officers," pagbabahagi niya.
Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Governor Adriano sa tiwalang binigay sa kanila ng CASS community at nangakong hindi ito bibiguin.
"First off po, we are very grateful to be granted this position by the student body of CASS, and we in the CASSSG will ensure that all the trust from the body will not be misplaced and we will do our best to serve them po," pahayag ng bagong governor.
Dagdag pa niya, mas palalakasin nila ang student involvement sa pamamagitan ng mga inihandang campaigns at activities.
"What to expect this upcoming term for CASS and the CASSSG is more events dedicated towards honing and exploring different skills of our CASSamas along with more exciting, fun-filled, and educational activities for all of our CASSamas to enjoy. Additionally, we are looking forward to increasing involvement from the student body in terms of policies, campaigns, and activities they wish to launch. And overall hope to strengthen and better the connections between each department across CASS," dagdag pa niya.
Sinaksihan ni Dr. Jay C. Santos, dekano ng kolehiyo, ang naturang oath-taking at ipinabatid ang kaniyang suporta sa mga student initiatives.
Bukod pa rito, sumentro ang kaniyang pahayag sa mga planong nakakasa sa kolehiyo ngayong akademikong taon, maging sa mga proyekto para sa lima hanggang 10 taon mula ngayon na tinawag niyang "unrecognizable CASS."
Kinahapunan, isa-isang tinalakay ng outgoing officers ang mahahalagang bahagi ng kanilang trabaho bilang oryentasyon sa pangunguna nina Govenor Bert Paul De Guzman, External Vice Governor Rodrigo Padiernos Jr., CFA Head Cassandra Nicole Yee, STRAW Head Lifred Troi Marzan at OIC CIP Head Christine Joy Ocampo
Hudyat ng pagtatapos ng mga gawaing ito ang pagsisimula ng pitong student leaders sa kanilang panunungkulan para sa akademikong taon 2025-2026.
Ulat ni Loriebel Solis
Kuha nina Dana Jen Sta. Ines, Jhettro Oconer, Amiel Elijah Santos at Loriebel Solis
Balangkas ni Dana Jen Sta. Ines