Bicol Politics, News & Updates

  • Home
  • Bicol Politics, News & Updates

Bicol Politics, News & Updates Ang page na ito ay ginawa para ilahad ang katotohan at itama ang mga FAKE NEWS na pinapalabas ng mga

BASAHIN‼️BICOL SARO PARTYLIST REPRESENTATIVE AT TATLONG KONGREGISTA SA CAMARINES SUR, IDINEKLARANG "PERSONA NON GRATA" N...
08/08/2022

BASAHIN‼️

BICOL SARO PARTYLIST REPRESENTATIVE AT TATLONG KONGREGISTA SA CAMARINES SUR, IDINEKLARANG "PERSONA NON GRATA" NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG AKLAN

Isang resolusyon ang ipinasa at inaprubahan ng 19th Aklan Sangguniang Panlalawigan na nag dideklarang Persona Non-Grata sa Lalawigan ng Aklan kina Cong. Luis Raymund ‘LRAY’ F. Villafuerte ng 2nd district ng Camarines Sur, Cong. Miguel Luis R. Villafuerte ng 5th district ng Camarines Sur, Cong. Tsuyoshi Anthony G. Horibata ng 1st district ng Camarines Sur at Cong. Nicolas C. Enciso VIII ng Bicol Saro Partylist.

Ang naturang mga kongresista ang nag-propose ng Boracay Island Development Authority (BIDA) bill.

Ang resolusyon ay sponsored ni Vice Governor Reynaldo Quimpo at lahat ng SP members

📷: Aklan Sangguniang Panlalawigan

LOOK: BICOLANA BEAUTY QUEEN FLAUNTS HOLY NATIONAL COSTUME | Bb. Pilipinas 2022 candidate Kryzzia Lynn Moreno from Camari...
05/07/2022

LOOK: BICOLANA BEAUTY QUEEN FLAUNTS HOLY NATIONAL COSTUME | Bb. Pilipinas 2022 candidate Kryzzia Lynn Moreno from Camarines Sur proudly showcased her national costume called "Amor a La Virgen de Peñafrancia", a masterpiece by Khandie Segovia.

Said costume would like to give honor to the Patroness of Bicol, the Our Lady of Peñafrancia.

TINGNAN || Vice President Sara Duterte, bumisita sa lamay ni dating House Majority Leader Rolando “Nonoy” Andaya Jr.📸: P...
05/07/2022

TINGNAN || Vice President Sara Duterte, bumisita sa lamay ni dating House Majority Leader Rolando “Nonoy” Andaya Jr.

📸: PTV

DARAGANG MAGAYON WEARING HER ‘SALAKOT’ ⛰Here’s a stunning photo of Mayon Volcano in Albay province with lenticular cloud...
04/07/2022

DARAGANG MAGAYON WEARING HER ‘SALAKOT’ ⛰

Here’s a stunning photo of Mayon Volcano in Albay province with lenticular clouds that look like the traditional, wide-brimmed hat locally known as “salakot.”

Photo was taken around 5:30 a.m. of July 1 at Bicol International Airport by Angelo Fulgar.

📸 Angelo Fulgar

12 HOURS NA BYAHE METRO MANILA TO BICOL VV, MAGIGING 4 HOURS NA LANGPNR South Long Haul : Train to Bicol 🚉China's first ...
04/07/2022

12 HOURS NA BYAHE METRO MANILA TO BICOL VV, MAGIGING 4 HOURS NA LANG

PNR South Long Haul : Train to Bicol 🚉
China's first EMU exported to the Philippines debuts "energy storage" plus "smart" to define future urban rail transit"

Ang 160kph diesel EMU ay ang unang domestic Chinese EMU train na na-export sa Pilipinas. Mayroon itong business seat, first-class seat at second-class seat.

Ang PNR Bicol ay bubuuin ng 565-kilometrong riles, na magdudugtong sa Metro Manila sa mga lalawigan ng Sorsogon at Batangas sa Southern Luzon. Babawasan nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Metro Manila at Bicol mula sa kasalukuyang 12 oras sa pamamagitan ng kalsada, magiging 4 na oras na lang.

Ang mga pampasaherong tren ay tatakbo sa bilis na hanggang 160 kilometro bawat oras, habang ang mga tren ng kargamento ay tatakbo sa bilis na hanggang 100 kilometro bawat oras. Sa panahon ng konstruksyon, ang proyekto ay inaasahang makakalikha ng higit sa 5,000 direktang trabaho kada taon.

Courtesy l Emerging Philippines

JUST IN‼️Jose Calida is the new Commission on Audit chairman.Calida, before he was solicitor general under Duterte, was ...
29/06/2022

JUST IN‼️Jose Calida is the new Commission on Audit chairman.

Calida, before he was solicitor general under Duterte, was a justice undersecretary under Gloria Arroyo.

📷 Inq

GRACE POE: NATIONAL ID BAKIT ANG TAGAL?Ito ang naging pahayag ni Senator Grace Poe ukol sa mabagal na paglabas ng Nation...
29/06/2022

GRACE POE: NATIONAL ID BAKIT ANG TAGAL?

Ito ang naging pahayag ni Senator Grace Poe ukol sa mabagal na paglabas ng National ID.

"Nananawagan tayo sa Philippine Statistics Authority na bilisan na ang pamamahagi ng National ID at tiyakin na wasto ang mga datos nito. Kung may ID na, mas mapapadali sana ang mga transakyon ng ating mga kababayan sa gobyerno at pribadong sektor."- Sen
Grace Poe on Facebook.

Photo by Grace Poe (Instagram)

Hinirang bilang Mutya ng Pili Festival 2022 si Ms. Lienel Navidad ng Malinao Albay habang nasungkit naman ng Sorsoganon ...
29/06/2022

Hinirang bilang Mutya ng Pili Festival 2022 si Ms. Lienel Navidad ng Malinao Albay habang nasungkit naman ng Sorsoganon na si Ms. Jannel Mendee Calleja ang titulong Mutya ng Pili Festival Tourism 2022. 1st Runner up si Ms. Aliya Rohilla ng Tiwi, Albay; 2nd Runner up naman si Ms. Mikki Angela Barcela ng Bacacay, Albay at 3rd Runner-up si Ms. Margarette Briton mula Tabaco, Albay.

MAY BAGYO NA! 🌀⚠Ganap nang bagyo o Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area sa kanluran ng   kaninang 8PM...
29/06/2022

MAY BAGYO NA! 🌀⚠

Ganap nang bagyo o Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area sa kanluran ng kaninang 8PM at binigyan ng local name na ng PAGASA. | via Philippine Weather System

P3.4M NA HALAGA NG SHABU NAREKOBER SA DRUG BUY BUST OPERATION SA NAGA CITYP3.4M na na halaga ng hinihinalang shabu ang n...
29/06/2022

P3.4M NA HALAGA NG SHABU NAREKOBER SA DRUG BUY BUST OPERATION SA NAGA CITY

P3.4M na na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Naga City Police Office sa drug buy bust operation sa Barangay Peñafrancia.

Nakabili ang operatiba ng dalawang plastic ng shabu na nasa 500 grams ang bigat sa subject na si Eymard Rey Batan alias B**g, 43-anyos ng San Juan St., Brgy. Peñafrancia parehong lungsod.

Itinanggi naman ng suspek ang pagkakasangkot, 'di daw kanya ang item.

HABAGAT AT BAGYO ⛈🌀☔Magbabalik na muli ang Habagat o Southwest Monsoon sa bansa na hahatakin ng isang potensyal na bagyo...
23/06/2022

HABAGAT AT BAGYO ⛈🌀☔

Magbabalik na muli ang Habagat o Southwest Monsoon sa bansa na hahatakin ng isang potensyal na bagyong mabubuo malapit sa next week.

Asahan ang mas maulang panahon!

Wind Gust Map from GFS Model
June 30, 2022

LOOK: Bahagi ng pinakamahabang ilog sa Italy, natigang na dahil sa matinding tag-tuyot.Ayon sa mga eksperto, ang lumalal...
23/06/2022

LOOK: Bahagi ng pinakamahabang ilog sa Italy, natigang na dahil sa matinding tag-tuyot.

Ayon sa mga eksperto, ang lumalalang climate change ang sanhi ng matinding pagka-tuyot ng Po River sa Italy.

📸 Guglielmo Mangiapane/Reuters

ANCIENT ROMAN TEMPLE IN NETHERLANDS?LOOK: Archaeologists have discovered an ancient Roman sanctuary with a relatively in...
22/06/2022

ANCIENT ROMAN TEMPLE IN NETHERLANDS?

LOOK: Archaeologists have discovered an ancient Roman sanctuary with a relatively intact Roman temple in the Dutch central-east Gelderland province, the country’s cultural heritage agency said, describing the find as “exceptional.”

Volunteers made the first discovery in 2021 in a city near Unesco World Heritage Roman Limes – which represents the border line of the Roman empire at its greatest extent in the 2nd century AD – and alerted the agency. | 📸: Reuters

READ: https://inq.news/roman-temple
Inquirer.net

TINGNAN: Direktor na si Darryl Yap, ipinakita ang unang sulyap sa kanyang pelikula na ‘Maid in Malacañang’ kung saan map...
22/06/2022

TINGNAN: Direktor na si Darryl Yap, ipinakita ang unang sulyap sa kanyang pelikula na ‘Maid in Malacañang’ kung saan mapapanood sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang sina Imee Marcos, Ferdinand "B**gbong" Marcos Jr., at Irene Marcos.

“Kahit lagi mong kaaway, lagi mo ring kakampi,” ani Yap. (📷Darryl Yap/Facebook)

PAALAM, OVPMalinis na ang opisina ni outgoing Vice Pres. Leni Robredo matapos niyang mag-impake ilang araw bago ang nala...
22/06/2022

PAALAM, OVP

Malinis na ang opisina ni outgoing Vice Pres. Leni Robredo matapos niyang mag-impake ilang araw bago ang nalalapit na pagtatapos ng kaniyang termino.

📸: VP Leni Robredo (Facebook)

NATUPOK ang loob at labas na bahagi ng bus na ito ng Tripolds matapos masunog kani-kanina lamang habang nasa tapat ng Wi...
20/06/2022

NATUPOK ang loob at labas na bahagi ng bus na ito ng Tripolds matapos masunog kani-kanina lamang habang nasa tapat ng Winwin Mall, Diversion Road, Naga City.

Ayon sa driver ng bus, pagarahe na aniya ito ng makarinig ng pagsabog at may magsimula nang umapoy. Mapalad naman na walang pasahero ang bus ng mangyari ang insidente.

Naapula na ang sunog ng mga rumespondeng kawani mula sa Bureau of Fire Protection-Naga City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga BFP upang matukoy ang pinagmulan nito. | Via Dionel Bonafe

MALI ANG NATAPAKANAksidenteng bumangga ang isan van sa waiting shed sa San Isidro Bombon Camarines Sur.Nag-aaral pa lama...
20/06/2022

MALI ANG NATAPAKAN

Aksidenteng bumangga ang isan van sa waiting shed sa San Isidro Bombon Camarines Sur.

Nag-aaral pa lamang magmaneho ang driver, nataranta ito at sa halip na preno ang tapakan e silinyador.

Photos: PSMS B**gon

VP Leni Robredo pinangunahan ang oath-taking ceremony ng buong Team NagaNasa Camarines Sur si Vice President Leni Robred...
19/06/2022

VP Leni Robredo pinangunahan ang oath-taking ceremony ng buong Team Naga

Nasa Camarines Sur si Vice President Leni Robredo nitong Sabado para panumpain ang mga nanalo noong halalan sa Naga City sa pangunguna ni 2nd termer Mayor Nelson Legacion, labindalawang araw bago ang opisyal na pagbaba niya sa pwesto sa Hunyo 30.

Ginanap ang okasyon sa makasaysayang Plaza Quezon. Dito rin pormal na nag-umpisa ang kampanya ni Robredo sa pagkapangulo noong Pebrero.

Sa talumpati niya, muli niyang pinasalamatan ang mga kababayan dahil bukod sa nanguna sa lungsod ang Leni-Kiko tandem at TRoPang Angat, ipinanalo rin nila ang buong Team Naga.

Kilala ang Team Naga sa slogan na “Ubos kun ubos, gabos kun gabos” na nag-umpisa noong mayor pa ng Naga ang asawang si Jesse Robredo.

“Binilang ko, sa ikasampung pagkakataon na, mula 1992. Ang pagkapanalong ito, alam nating hindi tsamba; patunay ito ng matino at epektibong pamamahala, na hanggang ngayon ay nakaangkla sa paniniwalang ang kapangyarihan, laging nasa kamay ng ordinaryong Nagueño,” wika ni Robredo sa salitang Bikol.

Inamin naman ni Robredo na kinabahan siya sa resulta ng mga nagdaang halalan sa Naga dahil sa talamak na paggamit ng pera ng ilang kandidato para makakuha ng boto.

“Ang lagi ko pong pakiusap: Patuloy nating pangalagaan ang pinakamamahal nating siyudad, lalo na para sa susunod na henerasyon. Maswerte po tayo dahil karamihan sa ating constituents, buo pa ang pananalig at marunong pang manindigan sa tama. Pero ang pagkabahala, naririyan pa rin—na kung hindi tayo magbabantay, baka hindi natin mamalayang unti-unti na palang nakakabalik ‘yung klase ng pulitikang matagal na nating iwinaksi dito sa Naga,” saad pa ni Robredo.

Umaasa rin si VP Leni na pag-iibayuhin ng mga nanumpang opisyal na patuloy na maging magandang halimbawa ang Naga sa pagsusulong ng good governance.

Samantala, isinabay ang oath-taking ceremony sa pagdiriwang ng 74th Charter Anniversary ng Naga, kaya isinapubliko na rin ang logo ng diamond jubilee celebration ng lungsod sa 2023. | via Bicol.PH

PATAY ANG DALAWANG SUNDALO AT ISA ANG SUGATAN SA NANGYARING SHOOTING INCIDENT SA MISMONG KAMPO SA PILI CAMARINES SUR. Is...
19/06/2022

PATAY ANG DALAWANG SUNDALO AT ISA ANG SUGATAN SA NANGYARING SHOOTING INCIDENT SA MISMONG KAMPO SA PILI CAMARINES SUR.

Isang sundalo na may ranggong Kapitan, binaril ang mga kasamahang sundalo na may ranggong Major at Sergeant sa loob mismo ng Camp Weene Martillana, Pili, Camarines Sur dakong ala 1:30 ng madaling araw nitong Sabado, Hunyo 18, 2022.

Batay sa ulat, nagkakaroon ng pagpupulong ang suspek at mga biktima kasama ang Commanding officer sa loob ng kampo nang umalis ito at nang bumalik may dala ng baril at dito na binaril ang mga biktima.

Matapos ang insidente, umuwi ang suspek sa tinutuluyang apartment at dito na nagbaril sa sarili.

Sa ngayon po ay patuloy na inaalam ang kalagayan ng mga biktima.

Source: Radyo Bicolandia News Online

Nag-collapse ang Borja bridge sa Brgy. Alegria, Catigbian, Bohol, umaga ng June 16.Dumadaan ang isang dumptruck na may k...
16/06/2022

Nag-collapse ang Borja bridge sa Brgy. Alegria, Catigbian, Bohol, umaga ng June 16.

Dumadaan ang isang dumptruck na may kargang mga buhangin nang unti-unting bumigay ang naturang tulay. Wala namang naiulat na nasugatan sa mga pasahero.

Inabisuhan ang mga motorista na papuntang Sagbayan o kalapit na lugar na tumahak muna ng ibang mga ruta para maiwasan ang mga delay.

📸: Catigbian Police Station, BPPO
Source: News5

Baka sign mo na ito? May pag-asa ka pang manalo!Mahigit P205 milyon jackpot sa 6/55 Grand Lotto, wala pa ring nanalo.📷 M...
16/06/2022

Baka sign mo na ito? May pag-asa ka pang manalo!

Mahigit P205 milyon jackpot sa 6/55 Grand Lotto, wala pa ring nanalo.

📷 Manila Bulletin

Kasalukuyang nagpapagaling ang 21 anyos na si Jojet Borja matapos itong mapag-initan at bugbugin noong Hunyo 10, 2022 sa...
16/06/2022

Kasalukuyang nagpapagaling ang 21 anyos na si Jojet Borja matapos itong mapag-initan at bugbugin noong Hunyo 10, 2022 sa Brgy. Tacolod San Jose, Camarines Sur.

Isinama raw si Jojet ng kanyang pinsan sa isang handaan at napagbintangan ito na tumulak sa likod ng isang lasing.

Nakatakbo pa raw si Jojet ngunit naabutan ito ng mga suspek. Pinagsusuntok at pinalo pa diumano ito ng bote sa ulo ng anim hanggang sampung katao.

Ayon sa mga kaanak nito, sumuko na raw sa barangay ang ilang mga suspek na pawang mga menor de edad habang patuloy pang pinaghahanap ang iba pang mga suspek.

Hangad ng pamilya ni Jojet na mahuli na ang iba pang suspek upang hindi na ito makapanakit pa ng iba at mabigyan sila ng hustiya. I via Marvin Naperi, ADNU Intern/Bicol.PH

TINGNAN‼Ipinakita ni Mayor Son Legacion ng lungsod ng Naga City ang proposal para isang Museum Building sa Plaza Quezon....
15/06/2022

TINGNAN‼Ipinakita ni Mayor Son Legacion ng lungsod ng Naga City ang proposal para isang Museum Building sa Plaza Quezon. May underground parking area na mas lalong magpapaganda ng kasalukuyang stage nito...

📷 Mayor Son Legacion FB

‘𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬’ 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘𝗦 𝗥𝗜𝗧𝗘𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔-𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟BNFM BICOL – Ipina-alala ng Departm...
15/06/2022

‘𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬’ 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘𝗦 𝗥𝗜𝗧𝗘𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔-𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟

BNFM BICOL – Ipina-alala ng Department of Education o DepEd Bicol sa mga g**o at principal ng eskwelahan ang ‘No Contribution Policy’ o ipinagbabawal ang paghingi ng anumang halaga sa mga magulang upang maisagawa ang Recognition o Graduation Rites ngayong end-of school year.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad ng DepEd Bicol, hindi pwedeng humingi ang mga g**o at principal ng paaralan sa mga magulang ng mga estudyante ng anumang ambag upang maidaos ang isa sa mga pinakaimportanteng seremonya sa mga mag-aaral.

Aniya, noon pa man ay iniimplementa na ang ‘No Contribution Policy’ lalo pa ngayong bakas parin ang kahirapan ng bawat pamilya dahil sa pandemya.

Dagdag pa ng opisyal, ipinagbabawal din ang ‘prescribed attire’ sa mga estudyante kung magsasagawa ng pagmartsa sa aktibidad.

Sa kabila nito, nakadepende parin sa mga local government units ang paglunsad ng Face-to face Graduation Rites sa mga eskwelahan kung saan ang bayan ay kinakailangan na nasa mababang Alert Level o kaya naman ay may permit galing sa LGU.

Credits: BNFM Bicol

LOOK: Hindi bababa sa 400 na mga baka ang namatay dahil sa matinding heat wave na nararanasan sa Kansas, USA. | via PWS📸...
15/06/2022

LOOK: Hindi bababa sa 400 na mga baka ang namatay dahil sa matinding heat wave na nararanasan sa Kansas, USA. | via PWS

📸 Local Media News

GOODBYE, INTERNET EXPLORER 🥺👋🏻Opisyal nang ire-retiro ang Internet Explorer bilang web browser simula ngayon, June 15, 2...
15/06/2022

GOODBYE, INTERNET EXPLORER 🥺👋🏻

Opisyal nang ire-retiro ang Internet Explorer bilang web browser simula ngayon, June 15, 2022 ayon sa Microsoft.

Balikan ang anunsyo ng Microsoft: https://www.gmanetwork.com/.../microsoft-announces.../story/
Pero binaggit ng Microsoft na maari pang gamitin ang Internet Explorer-based websites at applications sa Microsoft Edge hanggang 2029.

Delivery rider ng isang online shop, natagpuang patay sa AlbayNakapiring at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lal...
09/06/2022

Delivery rider ng isang online shop, natagpuang patay sa Albay

Nakapiring at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa tabing kalsada sa Barangay Solong, Camalig, Albay dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules, Hunyo 8.

May mga tama ito ng bala sa leeg, likod at iba pang bahagi ng katawan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Omar Alemania, 28 anyos ng Barangay Maopi, Daraga, Albay at delivery rider ng isang online shop.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Camalig Municipal Police dakong alas-7 pa ng umaga nang umalis sa kanilang bahay ang biktima para magdeliver ng mga parcel sa Barangay San Vicente at kalapit pang barangay sa bayan ng Daraga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

7 basyo ng 45 baril at 1 basyo ng 9mm ang narekober ng otoridad sa crime scene.

Credits: Bicol.PH
Photo by: Camalig MPS

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Politics, News & Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share