09/05/2024
Let's talk again about S! ๐คซ
For this today, let's talk about STUDIES.
* Gaano nga ba kahirap mag-aral?
* Is it true na hindi hadlang ang kahirapan sa pagaaral?
* Diploma o Diskarte, ano nga ba ang mas mahalaga?
First and foremost, ibang iba na ang studies compared before. Dati kasi kailangan pa namin pumunta ng library kapag need namin ng reliable reference about a topic, hindi laging may access sa internet kasi kailangan pa mag-log in sa desktop at hindi lahat may laptop.
Kaya din nahilig ko magbasa ng libro dahil iyon lang ang available source na madaling makuha. Don't get me wrong, sobrang ganda ng education na naprovide ng parents ko for me. I was sent to private schools na talaga namang maganda ang turo at magagaling ang teachers.
But if you'll compare it sa ngayon. Ngayon kasi mas convenient na magaral dahil kahit hindi ka mag-enroll, pwede ka mag-youtube. May mga short courses that could give you certifications, at kahit formal education ay nagproprovide na ng distance learning program or may iba naman modular.
Mahirap ba mag-aral?
For those of you didn't know, I'm a graduate of BS Psychology with an award of best in research paper in Psychology Department sa LPU Cavite.
Registered Psychometrician for almost 6 years. I didn't have any major unlike sa ibang graduates but I did take 12 units of Masters in Clinical Psychology sa De La Salle U-Belt, and naka 18 units na rin ako sa law school sa PLM.
So, KD madali pala mag-aral? Sa mga sinabi mo at nilapag mong credentials parang ang dali-dali ha. Huwag mong sabihing nahirapan ka?
๐
Maniwala ka man o hindi, mahirap mag-aral. Sa aming magkakapatid, ako iyong hindi academically achiever. Kasi kapag hindi ako nag-aral, kita mo iyan sa grades ko. Wala akong "stock knowledge" ๐
Hindi nga ako papasa sa scholarship kasi hindi naman ako, A+ student!
But what I do have, a particular set of skills. Skills that I've acquired of very long career. Skills that make me a nightmare for people like you ๐ณ๐ฌ Ay! Sorry carried away haha kung gets mo iyang reference na iyan, magasawa ka na.
Kidding aside, mahirap magaral and since hindi ako academically achiever, I did what I do best. I built genuine connections and professional relationships with my classmates and teachers. Natuto akong makisama sa mga pala-aral at matalino kasi kailangan ko ng sipag at diskarte nila.
Mahirap magaral. So don't make your life way harder, choose the people around you.
Is it true na hindi hadlang ang kahirapan sa pagaaral? No.
Pansinin niyo kung bakit hindi ko natapos iyong Masters at nag-stop sa law school? It's because I cannot afford it.
I want to study, but I can't afford it. Pangalawa, I had to choose ano iyong mas priority, to study or to work, in my case... To work.
I can't give up my work just to study because I have a family to support. May sarili rin akong need supportahan.
Kulang lang ba ako sa diskarte o kulang na sa pananampalataya?
Hala! Studies lang usapan bakit napunta sa Faith?
Huwag ka muna matakot.. Ishshare ko lang iyong tanong ng teacher ko noong High School. He asked the whole class, "Bakit ka nag-aaral?"
May mga sumagot, para maganda iyong kinabukasan. May konti na nagsabi kasi sabi daw ng parents nila. May iilan na nagsabi na para makatulong.
At isa ako sa sumagot na "gusto ko maging mayaman." Hindi nga kasi ako academically achiever, so pera na lang talaga ang solusyon para mas guminhawa buhay ko.
Nagaral ka para yumaman? Hindi para matuto? Iyan yong balik na tanong ng teacher ko. Sumagot ako ng "Oo" kasi akala ko noon pera ang sagot sa lahat ng problema.
Biglang sabi ni Teacher, "Where do you see yourselves 10 years from now?"
Bogsh! Dami kong pangarap. I just realized, ang taas ng pangarap ko. Sobrang taas. Na hindi ko na alam paano ko ba siya maabot.
It was high yet vague.
Then my teacher added, "You will need to identify the reason, kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, kung bakit mo gustong yumaman so that you will know if it's worth it or not."
Then tada! Nakatapos ako.
Akala ko iyon na. Ito na ang simula ng magandang buhay, but boy... It wasn't..
Fast forward to 2024, I never thought that I would be a full-time writer. Nope, I didn't become a Psychologist but am I happy?
YES!
Edi sana di ka na lang ng Psychology? NOPE. I AM GLAD I chose and finished that degree, dahil sa totoo lang, I am in this field (writing) because I was able to understand and listen to other people, so that I could write better.
Everything worked out on its end! Did I plan this? Not entirely, but I knew God has a purpose why He allowed it.
Kaya ikaw, if you have the privilege to study, go and study. But never take for granted the opportunity to learn, because it is always available.
After all, learning is not confined to classrooms; it's a lifelong journey of discovery and growth.
Until next "S"!