Kate's

Kate's just for fun

08/07/2023
09/05/2023

‘PAPA GOD SANA MARAMI AKONG DOG FOOD EVERY DAY’ 🙏

LOOK: A photo of a stray dog that seems to be praying inside a church in Baclaran left social media users in awe.

Uploader Malou Quiambao stumbled upon the stray dog while attending a mass. After seeing the dog in its praying-like position, Quiambao took a picture of the dog’s back, showcasing the church altar at the same time.

“[Kung pwede ko lang [i-adopt] lahat ng nakikita kong [stray animals] sa kalye,” the uploader told the Inquirer, adding that she gives stray animals food and clean water instead.

Quiambao, a self-confessed animal lover, reminded the public not to hurt and abandon their pets as they also have feelings and need a loving home.

“Minsan habang nagmimisa si [Father] natutulog din [si stray dog] sa gitna,” one social media user commented.

📸: Malou Quiambao (via Angelo Abadilla/INQUIRER.net trainee)

Got any interesting stories, photos, or videos? Send us your experience here: inq.news/BAICommunity.

09/05/2023

4 Prutas Para Sa Hindi Makarumi
Payo ni Doc Willie Ong

Maraming tao ang hindi makarumi ng regular. Ang tawag dito ay constipation o pagtitibi. Ang pagtitibi ay puwedeng magpalala ng sakit sa puso, luslos at hemorrhoids.
Ang mga buntis, kababaihan at may edad ay madalas hirap makarumi. Hindi namin pinapayo ang pag-inom ng gamot o herbal tea para makarumi. Sa katagalan ay makasasama ito.
May mga prutas na mabisang lunas para sa hindi makarumi. Subukan niyo ang 4 na prutas na nag-uumpisa sa letrang “P”.
1. Pakwan – Ang pakwan ay may taglay na 92% alkaline water. Mataas ito sa vitamin A, Vitamin B, Vitamin C, lycopene at potassium. Ang pagkain ng 2 hiwa ng pakwan sa maghapon ay puwede nang magpalambot ng dumi. May benepisyo din ang pakwan para sa bibig, sikmura at bituka. Makatutulong ito sa may singaw at bad breath (mabaho ang hininga).
2. Papaya – Ang papaya ay napakabisang prutas para sa hindi makarumi. Kapag kumain ka ng 1 o 2 hiwa ng papaya ay siguradong lalambot ang iyong dumi. Kapag matamis ang papaya ay mas mabisa ito. May sangkap na papain ang papaya, isang enzyme na nakatutulong sa paglambot ng dumi. Mataas din sa vitamin C ang papaya kaya masustansya ito. Huwag lang sosobrahan ang pagkain at baka magtae ka naman.
3. Peras (Pears) – Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi. Ang fiber ay nagbibigay ng hugis (o bulk) sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi. Ayon kay Dr. Jay Hoecker ng Mayo Clinic, puwedeng bigyan ng peras ang mga sanggol at bata na hindi makarumi. Ang 2 hanggang 4 na onsa (ounce) ng katas ng peras ay maaaring makatulong sa pagdumi ng bata.
4. Prunes – Sa Pilipinas, makabibili tayo ng prune juice at dried prunes sa mga supermarkets. Ang prunes ay matagal nang lunas para sa pagtitibi. Tulad ng peras, may taglay na fiber, sorbitol at antioxidants ang prunes. Sa bawat kalahating baso ng prune juice (100 ml) may sangkap itong 6.1 grams ng sorbitol. Dahil dito, napapalambot ng prunes ang dumi. Ayon sa mga eksperto, may tulong din ang prunes sa buto at sa pag-iwas sa osteoporosis.
Kaya tandaan natin ang apat na prutas na nabanggit para maiwasan ang pagtitibi at maging malusog ang ating katawan.

08/05/2023

Basahin Ito, napakaimportante Nito 💗.

✓💗Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay.
✓ Sina Adam at Eva ang unang mga tao noon. Ang kanilang buhay ay maganda. Walang paghihirap, walang problema. Sila ay mga perpekto o banal na tao noon. Walang kasalanan.
✓Ngunit nang hindi nila sinunod ang utos ng Diyos patungkol sa huwag kainin ang isang pagkain, doon na pumasok ang dumi o “sin” or kasalanan sa buhay ng tao. Ngayon, dahil ang lahi natin ay nagmula kay Adam at Eva, kaya'y tayo ay makasalanan. Ang ipinagbawal na ipakain ng Diyos ay ang pagkaing galing kay satanas. Simula ng hindi nila sinunod ang sinabi ng Diyos, nawala ang pagkaperpekto o pagkabanal ng tao. Naitanim sa kanilang kalooban ang makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ay galing kay satanas. Ngayon, dahil sa pagkawala ng kabanalan o pagkaperpekto sa buhay ng tao, doon na pumasok sa buhay ng tao ang problema, sakit, kamatayan. Ang kasamaa'y galing kay satanas. Kung ang tao ay magagapos o makukulong sa kasalanan, sa imperno ang punta niya. “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.”
{Marcos 9:48 }

✓Gumawa ng paraan ang Diyos para ang tao ay mailigtas mula kay satanas. Ang ginawa Niya ay:

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Juan 3:16

Sinabi ng Kanyang kaisa-isang Anak na: “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”
Mateo 7:21-22

“Ako at ang Ama ay iisa.”
Juan 10:30

“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.”
Juan 14:6

All in all, nagkatawang-tao ang Diyos para matubos tayo mula sa kasalanan, para matanggap natin ang kaligtasan. Kahit sa panlabas na anyo ay isa Siyang tao, ngunit ang Kanyang Espiritu ay Diyos.

“Ngun

Binignit
07/04/2023

Binignit

25/02/2023

Welcome 🤗

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kate's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share