13/10/2022
"ANG AKING DAKILANG AMA"
MAIKLING KWENTO-TRAGEDY
May batang babae na nagngangalang Joanne ,masaya’t kuntento sa buhay si Joanne, sapagkat malaya siyang gawin ang lahat ng gustuhin niya. Maagang namatay ang kaniyang ina, dahil sa panganganak sa kaniyang kapatid na lalake. Tatlo na lamang sila sa kanilang bahay ang kaniyang kuya siya at ang kaniyang ama na si Mang Rolando.
Araw na nang pasukan, high school pa lamang si Joanne ng pasukin na niya ang kakaibang mundo, madilim na mundo na hindi man lamang alam ni mang rolando at kaniyang kapatid..
Napabarkada siya, lagi siyang lumiliban sa klase at pumupunta sa kumpyuteran o nakikipag-inuman sa kaniyang mga barkada. Isang gabi labis ang pag-aalala ni Mang Rolando dahil gabi na’t wala pa ang kaniyang anak na si joanne. Halos hindi siya mapakali, parang pinapaso ang puwet sa upuan ni Mang Rolando.
Dumating si Joanne na lasing at halos hirap na itong maglakad, pa handu-handusay na siya sa daan, ngunit dahil sa mabait at mapag-pasensya si Mang Rolando ay ipinag-walang bahala niya muna ang gabing pangyayaring iyon.
Pagsapit ng umaga kinausap ni Mang Rolando si Joanne, sa halip na sagutin ng tama ni joanne ang kaniyang ama ay sinigawan niya ito at umalis sa kanilang bahay. Umiyak na nagsisisi si Mang Rolando dahil sa maagang nawala ang kaniyang asawa, kaya para sakaniya kulang pa ang kaniyang ginagawa.
Halos lahat ng gawaing bahay ay si Mang rolando na ang gumagawa, naglalaba, nagsasampay, namamlantya, nagtatrabaho, halos lahat ng trabaho ay pinasok niya na, para lamang masustentuhan ang lahat ng gusto at pangangailangan ng kaniyang mga anak.
Abala sa pagtatrabaho si Mang Rolando ng puntahan siya ng isang g**o na nagngangalang Daisy kinausap siya nito at sinabi na halos araw-araw na hindi pumapasok sa skwela ang kaniyang anak na si Joanne, at sinabihan ni Mang Rolando na pagsasabihan niya na lamang si Joanne.
Agad na umuwi si Mang Rolando dahil sa kaniyang nalaman , labis ang kaniyang pagtataka na kung bakit hindi pumapasok sa skwela ang kaniyang anak. Samantalang halos mamatay at hindi kumain si Mang Rolando dahil sa pagtitipid para lamang may maipabaon ang kaniyang mga anak.
Dumating si Joanne sa kanilang bahay at lumapit lang ito sa kaniyang ama sa kadahilanang manghihingi siya ng baon, ngunit gagastusin niya lang ito sa kaniyang barkada. Galit na galit si Mang Rolando umiiyak na sinasabihan si Joanne na kung bakit ganito ang kaniyang pinag-gagagawa, sinabi niya na ibinigay niya ang lahat para sakanilang magkapatid, samantalang si Joanne ay nagmamaktol sa kaniyang ama sinigaw-sigawan niya ito, hanggang sa unti-uniting nagdilim ang paningin ni Mang Rolando at biglang nanikip ang dibdib at tuluyang nawalan ng malay.
Dinala si Mang Rolando sa malapit na hospital sa kanilang bayan, nalaman ng magkapatid na dinapuan na pala ito ng sakit, napagtanto ni Joanne na nakalimutan niyang mahalin at pahalagahan ang kaniyang Ama na iyon na lamang ang natitirang ginto o kayamanan ng kanilang buhay. At nag pasya si Joanne na humingi ng tawad sa kaniyang ama kaya dali dali niyang pinuntahan sa kwarto ang kaniyang Ama na si Mang Rolando hanggang sa nalaman niyang nag-aagaw buhay na ang kaniyang ama. Walang nagawa si Joanne kundi umiyak ng umiyak at hintayin kung ano ang mangyayari sa kaniyang ama na si Mang Rolando.
Makalipas ang ilang oras nangyari ang hindi Ina asahan na pangyayari ni Joanne tuluyan na ngang binawian ng buhay ang kaniyang ama na si Mang Rolando, labis ang pag-sisisi ni Joanne dahil sa nangyari sa kaniyang ama alam niya sa kaniyang sarili na siya ang dahilan kung bakit nawala na ang kaniyang ama.
Sa ngayon kahit na tuluyang ulila na si Joanne sa kaniyang mga magulang ay pinilit niyang mag bago, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral kahit na hindi maalis-alis sa kaniyang puso’t isipan na siya ang may dahilan nang pagka wala ng kaniyang ama, at sa huli’y napagtanto niya na kung gaano siya ka mahal at pinapahalagahan ni Mang Rolando. Kaya sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi ngunit swag na nating hintayin na dumating na tayo’y magsisi sa huli.
kaya pahalagahan natin at mahalin ang ating mga ama o ang ating mga magulang, hirap man nating sabihin sa kanila ang salitang “salamat” at “I love you!!!” iparamdam nalang natin ang ating pasasalamat at pagmamahal sa kanila, habang hindi pa huli ang lahat....
Fish Oil with Omega-3 for Heart Health, High-blood, Cancer prevention, Alzheimer, Depression 👉https://bit.ly/3Sn9h4B
Calcium Magnesium Zinc plus Vitamin D3, The Trio Minerals for Bone Health Support and prevent Osteoporosis 👉https://bit.ly/3w22C6d
B-Complex Plus Vitamin C and Calcium, para sa ugat, pamamanhid at palaging pagkahilo 👉https://bit.ly/3AbvvPQ
Garlic Oil, fighting stress fatigue, lower Cholesterol, high-blood, hypertension inflammation, Goiter 👉bit.ly/3yB9YPw
Theobroma Superfood, help prevent Diabetes, Stroke, High blood, Arthritis, Rayuma, Kidney Stone, Can cer 👉https://bit.ly/3BXcRMY