25/08/2024
Up! Para sa mga nag how po 🫰✨
How to be a Freelancer? ✨
Dahil madami na naman sa inyo ang tinatanong ako ng "how", ito na po para isahang sagot nalang.
Paalala po. Ito po ay base sa mga natutunan ko base sa observation ko sa ilang taon na experience ko sa pag freelance. 🫶🏻
✅ Know your skills(niche) or services na i-ooffer mo. Eto napaka hirap na to for me. Ang tagal na feeling ko lost ako. Dahil di ko mahanap ang tamang niche para sa akin. Kaya para maging guide mo kailangan mo iconsider ang mga ito:
- Ano ba ang experience mo sa trabaho?
- Ano ano ba ang alam mo or skills mo?
- Ano ba ang hilig mo?
- Or san ka ba interesado na tasks?
Halimbawa sakin, dahil mahilig ako sa graphics and tumambay sa mga social media accounts ko + may business din ako kaya yung knowledge ko ay nag open sakin para sa mga services like "Social Media Management, Ads Strategist and Landing Page designer".
Ano po bang skills (niche) or services ang madali lang gawin? Abay malay ko sayo! Charoot lang 🤣 Ganito kasi yan. Magkakaiba tayo ng experience, interest and skills. Pwedeng yung madali sayo, mahirap sakin or yung madali sakin ay mahirap sayo. Kaya di pwede na sakin manggagaling ang skills na dapat simulan o dapat mo aralin. Ikaw mismo ang dapat makadiscover nyan sa sarili mo. Para sakin, lahat naman mahirap lalo sa simula.
✅ Look for references and Tutorials.
Pwede ka mag enroll sa mga courses if may datung ka. Ang tanong, required bang mag-enroll sa mga courses and trainings? Simple lang. Kung may budget ka, bakit hinde diba! It's up to you 😉
Pero kung wala, go to GOOGLE, YOUTUBE, TIKTOK, INSTAGRAM AND FACEBOOK, tyagain mo manood ng mga vids ng mga nagccontent about freelancing. LIBRE MO MATUTUTUNAN LAHAT basta marunong ka magtyaga humanap ng mga tutorials.
✅Join Freelancing groups related sa freelancing. Magbasa-basa ka ng post and comments doon. Pwede ka din mag ask dun if may tanong ka.
✅Pag alam mo na ang niche at skills mo. It is time to create profiles sa mga freelancing sites like Upwork, Onlinejobs, Linkedin. Gawa kna rin resume/cv, portfolio (optional)
Once ready na ang lahat. At nagawa mo na lahat ng sinabi ko, mag-apply kna.
NOTES:
- Ang freelancing ay hindi madali.
- Maraming rejections kang maeencounter.
- Malakas sya makadrain ng self-confidence lalo kung nagsisimula ka palang.
- Hindi ito pwede sa mga taong mabilis sumuko kaya dapat malakas ang loob mo.
- Dapat willing ka lagi matuto.
Kelan mo masasabi na ready kana mag-apply? Hindi ko alam! 🤣 Depende yan sayo. Hindi kailangan na maperfect mo muna lahat or maging expert ka sa freelancing bago ka mag-apply. Basta alam mo na basic. Why not push mo na diba? Sabi ko nga dapat malakas ang loob mo. Yan ang magiging advantage mo. LAKAS NG LOOB.
Bakit? Simple lang, di mo mahahasa ang mga natutunan mo sa kakanood ng tutorials kung di mo sya hahasain sa actual na trabaho.
Laban lang tayo lagi ❤️ at wag mawalan ng pag asa.
Oh ayan na ah!
Let me know kung may kulang pa? 😅
Kung sakto na sayo palambing naman ng REACT, COMMENT AND SHARE jan 😊
Muaaahhhh 😘😘😘